Agad naman kinuha ng mga aswang na nag aabang sa labas ng lagusan ang mga taong dala ng mga aswang na namatay at dinala na sa palasyo

"Tara na po," yaya ni Gudo kay Kharyy,"Wala na po sila," ani nito makalipas pa ang ilang sandali

"Paano ka?," tanong ni Kharry kay Gudo ng nasa bunganga na sila ng lagusan,"Hindi mo ba ako masasamahan hanggang sa kabilang dulo?,"

"Bawal po kaming pumasok diyan, Kamahalan," tugon ni Gudo,"Mga engkanto po kami at hindi kami po pinayagan na dumaan po diyan," paliwanag nito,"Hihintayin nalang po kita doon sa labasan,"

"Sige, mag iingat ka, Gudo," paalala pa ni Kharry sa Prinsipe

"Opo, Kamahalan," tugon nito,"Mag iingat ka din po sa loob," tumango lang si Kharry bago nag umpisa ng pumasok sa loob

Nangakatiyak ng nakapasok na sa loob ang Hating Kharry ay saka siya naglaho na parang bula para mauna doon sa labasana at masiguradong ligtas itong makakalabas sa lagusang iyon

**********

Sa mundo ng mga mortal

Naghahanda na sila para sa gabing iyon dahil sa kakaiba ang buwan ng gabing iyon para sa kanila at sa kaligtasan nila

Sa Sitio Kilabot ay naglagay na sila ng mga pangontra dahil sa ganing iyon ay agresibo ang mga aswang at mga masasamang elemento dahil sa pula ang malaki at bilog na buwan ng gabing iyon

Tanghali pa lang pero nakikita na nila ang malaking buwan sa kalangitan na halos kakulay pa ng malabnaw na kahel

Halos lahat ay aligaga at hindi mapakali dahil sa gabing iyon at kinabukasan ay ang araw ng mga gutom na aswang

Sa sunod na Baryo naman, ang Sitio Kulintang at ang mga kalapit na Baryo ay handa na din sila

Hindi sila papayag na maisahan ng mga aswang sa gabing iyon

"Lola Maria," ani ni Ella,"Magiging ligtas po ba tayo ngayong gabi hanggang bukas?," may takot na tanong nito

"Oo, apo," sabay haplos sa itimang buhok nito,"Basta magtiwala lang tayo at magdasal sa ating Panginoon at hindi niya tayo pababayaan na mapahamak,"

"Paano po sila ate Yuri at kuya Khael?," tanong naman ng kuya nitong si Ramil sa kanila

"Makakauwi silang ligtas at buo," nakangiting singit ni Nanay Alfie,"Tulog na ba ang mga bunso natin?,"

"Opo," sagot nito,"Tulog na po ang mga bunso natin," sabay tawa na ang tinutukoy ay ang dalawang pinsan na sina Joan at Lorrie

"Handa na ba ang ating gagamitin at panlaban para mamaya?," tanong naman ni Tatay Carlos

"Oo," sagot ni Lola Maria,"Kamusta pala sina Jennica at John Carlo?,"

"Maayos naman po sila doon," tugon ni Tatay Carlos,"Mabuti nga at nakauwi ako kaagad, dahil naalala pala nila na kabilugan ngayong gabi,"

"Sana nga ay maging maayos ang lahat ngayong gabi,"ani ni Lola Maria,"Pakiramdam ko kasi may darating tayong bisita at panauhain, pero hindi ko matukoy kung sino at ano, wala ang aking gabay ngayong oras eh,"

Nagkatinginan silang apat sa sinabi ni Lola Maria

"Apektado din siya at ang lahat ng mabubuting elemento sa pagpula ng bilog na buwan, nanghihina sila kaya pinauwi ko na po muna,"

"Ngayong araw, gabi at hanggang bukas ng gabi ang kanilang oras para maghasik ng lagim at takot sa lahat, kaya kailangan po natin maghanda para sa kanila,"

"Tama po," sagot naman ng binatilyo at sabay apir nila ni Tatay Carlos kaya nagtawanan nalang silang lima

Inayos na nila ang kanilang mga gamit at pagkain para pagdating at pagsapit ng dilim ay nasa loob na silang lahat ng bahay

Nag ikot ikot din ang Kapitan ng oras na iyon, binigyan ng pagkain ang ilang kababaryo na naghihikahos at walang pambili ng makakain sa loob ng dalawang araw, para hindi na iyon mga lumabas at mapahamak

Marami ang natuwa at nagpasalamat sa butihing Kapitan nila dahil hindi ito madamot sa kanilang mga mahihirap at sa walang wala talaga

Binilinan silang lahat na maagang maghanda ng hapunan, magsarado ng mga bintana at pintuan ng kabahayan

Ang ilan ay ipinasok na sa silong ng nga kabahayan ang mga alagang manok, kalabaw at ang mga aso ay ipinasok sa loob ng bahay  sa takot na makapa ng mga aswang na gagala sa gabing iyon

Pati ang mga bata ay maaga na nilang pinapasok sa mga bahay nila kahit na katanghaliang tapat na ng mga sandaling iyon

Halos lahat ay naging abala na sa mga sandaling iyon at halos hindi magkamayaw sa pag aayos ng mga pangontra sa mga aswang

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon