Agaran ang pag-iling ko at dahil sa gulat ay naisigaw ko iyon. "Hindi ganoon. Wala naman akong sinabi!"

"Bakit sumisigaw ka bigla?"

Kinagat ko ang labi at kinalma ang sarili. "H-Hindi naman."

Tiningnan niya pa muna ako bago tumalikod. "Una na ako. Baka late na rin ako."

"Ha? Teka." Humabol ako ngunit sumakit ang bandang puwet ko. Kainis.

"Oh? Ayos ka lang?" Aniya nang lumingon sa akin.

Tiningnan niya ang hawak ko at bumalik iyon sa mukha ko. Maya-maya ay nakita ko na naman ang nakakainis niyang ngisi. "Masakit ang puwet mo?"

Tangina. Malas na buhay. Nadagdagan na naman ang kahihiyan ko.

Umiwas ako ng tingin. "Hindi ah."

"Oh? Okay." Nagkibit-balikat siya at tumalikod na.

Lalo pa akong nainis! Ni hindi man lang ako pinilit na sabihin kung masakit ba talaga!

"Navi! Wait!"

Dahil nga abnoy siya ay nagdire-diretso na siya sa paglalakad. Binuksan ko ang pinto at pilit na humabol sa kaniya. Taka niya akong nilingon nang makitang paika-ika ako.

Bumuntong hininga siya at hinintay akong makalapit. Napangiti naman ako.

"Akin na nga ang kamay mo!" Singhal niya sa akin nang makalapit ako.

Nanigas naman ako at hindi na nakapalag nang kuhanin niya iyon sa akin. Isinabit niya ang kanang braso ko sa mapayat niyang katawan. Nangiti ako nang makita na pilit niya talaga akong inaalalayan.

"Mag alcohol ka na lang pagkatapos nito." Bulong niya na ikinainis ko na naman.

"Bakit ba ako mag-aalcohol?!"

"Teka, bakit ka ba sumisigaw? Ang lapit ko sa 'yo."

Ngumuso ako. "Sorry." Inayos ko ang pagkakapatong ng kamay sa balikat niya. Hindi ko tinutuon ng sobra at baka mahirapan siya. "Hindi ako maglalagay ng alcohol. Hindi naman kita pinandidirihan."

Mahina siyang tumawa. Natigilan pa ako dahil ramdam ko talaga ang pagvibrate ng lalamunan niya. Ngumuso ako.

Gago, anong nginunguso-nguso mo?!

Itinikom ko ang bibig nang mapagtanto iyon. Bahagya siyang sumulyap sa akin kaya muntik pa akong mapaiwas. Ang lapit, gago. Kakakaba.

"Hindi ko naman sinabi na pinandidirihan mo ako. Ang ibig kong sabihin, kailangan mong maglagay ng alcohol dahil kakaiba ang amoy ng kamay mo." Seryosong aniya na nagpaestatwa sa akin.

Kahit na ayaw kong gawin ay mabilis kong nahigit ang braso sa kaniya at lumayo ng bahagya. Tatawa-tawa niya akong tiningnan.

Nakaramdam na naman ako ng inis.

"M-Mauna ka na nga!"

"Oh?" Sinilip niya ang mukha ko. Tumawa na naman siya. "Galit ka?" Hindi. Masaya ako, Navi. Hayop.

Hindi ko alam kung sinasadya niya bang mang-asar o baka naman crush talaga ako nito at nagpapapansin lang.

"Wag na mahiya. Halika na, puwet." Aniya na lumapit na naman sa akin.

"Anong puwet?!" Halos isigaw ko iyon.

Sa palagay ko ay late na talaga kaming dalawa dahil wala ng mga estudyante ang pakalat-kalat sa corridor.

"Masakit ang puwet mo diba?" Inginuso niya pa talaga iyon. "Halika na." Malumanay na aniya at kinuhang muli ang kabilang braso ko.

Ngumuso ako at lumipat ng puwesto. Ipinatong ko sa kaniya 'yong kabilang braso kaya narinig ko na naman ang tawa niya.

Maghihintay (On-Going)Where stories live. Discover now