Imbis na irapan ko siya ay pinigilan kong mapangiti. Isang buwan ang lumipas at pareho kaming nasaktan sa mga nasabi namin pero parang wala kay Kipp iyon sa pinapakita niya ngayon sakin.

"Let's go somewhere," aniya at siya na mismo ang kumuha ng kamay ko.

"S-Saan tayo pupunta?"

"You'll know when we get there." sabi niya.

Napatingin ako sa kamay namin ngayon. Kanina lang ay hinahanap ko siya tapos kasama ko na siya ngayon, at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Tsaka bakit alam mong nandito ako--" hindi ako natapos sa pagsasalita ng isarado niya ang pinto ng kotse niya ng makapasok ako sa loob.

Napataas ang kilay ko ng gawin niya iyon. Walang nagbago, si Kipp pa rin 'to.

Pinanood ko siyang paandarin ang kotse niya hanggang sa makalayo kami sa school.

"Isa, Kipp! Saan ba tayo pupunta?" tutok ang tingin niya sa daan at parang wala siyang balak sagutin ako.

"Malalaman mo rin," maikling sabi niya at hindi na ulit siya nagsalita.

Hinayaan ko nalang siya at padabog na sumandal sa upuan ng kotse niya. Ayaw niya talagang makipag-usap.

Ang haba ng byahe namin at inabot na kami ng gabi. Hanggang sa napansin kong nasa Tagaytay kami ulit!

"Tagaytay? Papagalitan ako nila mama nyan!" gulat na sabi ko kay Kipp at sinundan siya ng lumabas na siya ng kotse.

Agad na bumungad sakin ang lamig ng hangin kaya napakayakap ako sa sarili ko.

"Suotin mo muna," sabi ni Kipp at siya na mismo ang nagsabit ng jacket niya sa balikat ko.

"T-Thank you," nag-init ang mukha ko sa ginawa niya, sobrang lapit lang niya sakin ngayon!

"Don't worry, I already informed your parents about this."

"Nakausap mo sila mama?! Kelan pa?"

Tapos ako hindi mo kinausap?!

Nagkibit balikat lang siya at tinuro ang nasa baba namin. Nandito kami ngayon sa may gilid ng kalsada at tanaw dito ang buong Tagaytay. Perfect for night seeing.

Napanganga ako ng makita ko ang maliliit na ilaw na nanggagaling sa mga bahay at building. Parang mga bituin sa ilalim.

"You like it?" tanong sakin ni Kipp at tinulungan akong makaupo sa likod ng sasakyan niya.

Tumango ako at humarap sa kanya.

"K-Kumusta kana?" kinakabahang sabi ko.

Tumingin siya sa harapan namin bago sumagot, "I will lie to you if I say I'm fine,"

Napayuko ako at nagsimulang mangilid ang luha ko.

"Sorry, Kipp." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya iyon. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"S-Sorry kung naging duwag ako. Sorry kase nasaktan kita sa mga nasabi ko." pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. "Sorry kung nagbulag-bulagan ako sa feelings mo, kung pinaghinalaan kita. Sorry kung--"

"Enough with the sorry's, El." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at pilit na pinatingin niya ako sa kanya.

Nakita ko ang malungkot na ngiti sa mukha niya ng makitang umiiyak ako.

"Until now, I hated myself for making you cry. For making you confused on your own feelings because of how I treated you for the past seven months." pinunasan niya ang luha ko.

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now