UL3

13.4K 281 24
                                    

DAP/ABBY POV

Napagod si Dap sa maghapon na warm up nila sa taekwondo. Pagkauwi deretcho agad siya kanyang kuwarto para magpahinga. Masaya siya at nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan. Nalaman rin niya kung ano-anong pinagsasabi ni Arvin na kasiraan sa kanyang pagkatao. Lokong yon humanda siya sa'kin. Grabe, maitim ba ako? sinlaki ba ng owl ang mata ko? at lalong-lalo na di niya matanggap ay ang kwento nito  na burara siya sa kanyang mga gamit at pahara hara ang kanya mga underwear and worst of all may stain daw yon ng monthly period ko, g_go talaga, nakakabuwisit. Kailangan makaganti rin ako sa mga pang-aasar at pang-bubully niya sa akin.

Hay! sarap maligo, ang sarap ng tubig di gaanong malamig. Habang nagsasabon na siya ng kanyang buong katawan, sinabon na rin niya ang kanya mukha bubuksan na niya ang shower pero walang tubig na tumulo dito. Di niya makita ang kanyang dinadaanan dahil sa sabon na nakalagay sa mukha niya, kapag iminulat niya naman ang kanyang mga mata mapapasukan ito ng sabon mas lalong mahapdi. Kinapa niya kung nasaan ang kanyang robe, nang makuha na niya ito isinuot niya at lumabas. No choice kailanang imulat niya ang mata kahit masakit.

Nagtungo siya sa pinto ng kanya kuwarto, sumigaw siya at hinahanap ang kanya Yaya, nang makita siya nito lumapit ito sa kanya. "Yaya! bakit po nawalan ng tulo ang shower sa banyo ko," tanong niya dito.

"Huh? Princess may tubig naman sa baba, wait check natin baka may pumatay lang. Wag kang lalabas ng ganyan ang itsura mo Princess, baka mapatay ako ng Mama mo." anas nito sa kanya.

May nakita siyang bottled mineral water sa kanyang study table, habang hihintay niya ang kanyang Yaya iyon muna ang ginamit niyang panghilamos sa mukha niya. Nabigla siya sa kanyang narinig parang may nabasag na salamin sa kanyang kuwarto kaya agad siyang lumabas. Nakita niyang basag ang salamin ng pinto sa kanyang veranda, pumunta agad siya don at inalam kung sino ang gumawa non. Nakita niya sa baba si Arvin na nakangisi habang nagfofloating ito gamit ang salbabida sa swimming pool.

"Abby! masarap bang maligo nang walang tubig," sigaw nito sa kanya.

What the hell? Siya ang may gawa nito ? Siya ang dahilan kaya biglang nawalan ng tubig ang kanyang shower. Naniningkit ang mga matang  tinititigan niya si Arvin na tuwang-tuwa sa ginawa sa kanya. Damn! She can't understand bakit galit na galit ito sa kanya wala naman siyang ginagawang masama rito. Ayaw naman niyang  bigyan ng sakit ng ulo ang Mama at Uncle Stan niya kaya di niya ito isusumbong, baka sabihin nito napaka sumbungera niya. Napangisi na lang siya nang may maisip siyang kalokohan, ito ang gusto mo okay ibibigay ko sa'yo. Sleep well my dear brother!

"Princess okay! na ang shower mo tapusin mo na ang paliligo mo at dadating na ang Mama mo." Sabi ng Yaya niya na di niya namalayang nakapasok na pala sa kanyang silid.

"Okay po! Thank you Ya!" malambing niyang sabi dito.

"Naku itong batang ito naglalambing na naman parang may favor na namang hihingin sa akin." Niyakap niya ang kanyang alaga, simula ng paliit pa si Dap siya na ang nag alaga dito kaya itinuturing niya ng anak ito, wala naman siyang asawa kaya paano siya magkakaanak. "Anong gusto ng magandang prinsesa ko, ha? tanong niya dito.

"Ahhh... Ya! puwede po bang punta tayo sa bayan? May bibilhin lang po ako sa Pet shop. Please.... " nagpuppy eyes pa siya para mas mukhang effective ang kanyang drama.

"Sige sasamahan kita, siya hala ligo na don at ihahanda ko ang susuotin mo." sabi nito sa alaga.

Naglakad na si Dap patungo sa kanyang banyo. "Thank you Yaya! I love you po!"

"Nakung bata ka binola mo pa ako."

--

Masayang masaya siya sa pag-iikot sa bayan. Nagpunta muna sila sa mall at hinanap nila kung nasaan ang pet shop doon. Nabili niya lahat ng dapat niyang bilhin sa  Pet shop, minarkahan niya ng check ang mga yon. Nagpunta rin sila sa hardware, bumili siya ng rope, duct tape at hose. Nagtatanong ang kanyang  Yaya kung para saan niya gagamitin  ang mga yun, nasabi niya na lang na may mga experiment siyang gagawin, at di na  nag tanong pa si Yaya kasi alam naman niyang mahilig ako sa mga bagay na ganon. Nang nakauwi na sila, buti na lamang at  hindi niya nakita si asungot asungot kaya hindi nito nakita ang mga pinamili nila sa bayan. Naisip niya hihintayin niya na lamang itong makaalis mamayang hapon para magbasketball sa malapit na court ng subdivision para masimulan na niya ang kanyang plano. Nakaplano na ang lahat ng kanyang gagawin, wala na itong atrasan, siya ang nagsimula nito kaya dapat ako ang tatapos. Di ako papayag na palagi nalang akong nadedehado sa kanya. Kaya lagot siya sa aking ganti, naiimagine ko palang ang kanyang magiging reaction mamaya natatawa na agad ako.Hehehehe lagot ka sa'kin.

Nakatanggap siya ng tawag buhat sa kanyang Ina na hindi sila makakauwi ni Uncle Stan sa Makati , kaya sa Dasma sila tutuloy ngayon, isa sa bahay ng asawa ng Mama niya. Nakita na rin niyang umalis na si  Arvin dala ang bola nito, na habang naglalakad ay pinatatalbog pa nito ang bola. Yes! this is the right,  wala ang mga parents nila at sakto namang umalis na si asungot. So, this is my first move hehehe, dala ko lahat ng aking pinamili, nagpalingon-lingon muna ako sa paligid kung may tao. Hmmm... Check (lingon sa paligid) hahahaha,  mukhang busy ang mga kasambahay sa panonood ng teleserye sa kusina ah *evil smile*. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kuwarto ni Arvin at na pa wow siya sa linis ng kuwarto ng asungot na yon, halos hindi niya akalain na ganoon kasinop at kalinis sa gamit ang asungot na iyon.

Iniisip niya kung saan niya puwedeng ilagay mga alaga niyang bulate, hmmm .... isip-isip, ahaaa! Lumabas ulit siya para magpunta sa may garden, kumuha siya ng lupa na tinantiya niya ang dami at umakyat uli sa kuwarto ng asungot. Pinaghalo niya ang bulate at lupa nilagyan niya ng kaunting tubig para maging putik, hmmm.. perfect. Inalis niya muna ang cover top ng higaan ni Arvin,  ang natira nalang ay ang fitted cover sheet nito, inilagay na niya don ang putik na may bulate, binalik niya ulit ang cover top ng kama.

Inilabas niya sa kanyang bag ang isa pa niyang alaga mga ipis, eiwwww.... , inilagay niya ito sa walk in closet ng binata, nang matapos ilagay ay isinara agad niya ito para walang makawala. Hehehe.. at ang huling alaga niya ay ang malalaking langgam, nilagay niya ito sa lagayan nito ng undwerwear at sa lagayan nito ng mga sapatos. Para lumabas ang mga ito, ginamitan niya ng hose ang mga ito at hinipan niya para magsilabasan.

At ang pang Finale ay ang tali at duct tape,  siyempre mamaya ko na gagamitin ang mga iyon kapag nakapasok na siya sa loob ng silid niya.

Now, Let's the battle begin, bwahahahahaha! Tignan lang natin kung hindi mo pagsisihan ang lahat ng ginawa mo sakin! Anong akala mo, hindi ako gaganti sa mga ginawa mo sakin? Sa akin pa rin ang huling halakhak (bwahahahahahaha)! 

--








A Twist Of Fate (My Uncondition Love) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon