Nagsimula na nga ang meeting, tungkol sa malaking bahay na ipapatayo. Sa totoo lang hindi naman talaga ako kailangan dito pero dahil gusto ni lola na makisalamuha ako sa mga kasyo-syo namin, kaya andito ako.

Hindi ako nakikinig, tinitignan ko lang ang ballpen na nilalaro ko. Inaantok na ako, hindi pa ba tapos?

"Marie, good in art's!" Napabaling ako kay James dahil sa sinabi niya.

"Yeah! she's good in art!" Kay Eda naman ngayon.

"Huh?" litong tanong ko.

"Halatang hindi ka nakikinig." Sabi ni Ethan bago bumaling sa kinaroroonan nila Rao.

"Pwedi bang ikaw nalang muna ang mag-design, pamalit lang kay Architect." Sabi ni James sa akin.

"Sakto! magkakasundo kayo ni Engineer!" Nagulat ako ng masayang sinabi yun ni Tim.

"Huh?" Litong sabi ko parin.

"Apaka lutang mo girl, saan ka na ba nakarating sa pag-iisip mo hah?" Eda.

"Ako, okay na okay! may tiwala naman ako sa pinsan ko! pati na rin sayo Engineer!" Sabi ni Onur.

"Magaling ka naman sa designing, ikaw nalang! kasi kung mag-aavail pa tayo ng panibagong Architect mahihirapan tayo." Jadin.

"Okay then, work with the Engineer's Marie, tutal wala ka pa naman gagawin dahil kakarating mo lang." Sabi ni Ethan.

"Okay guys, thank you for today. Meeting dismiss. Mariella, go to my office later." Sabi ni Ethan bago tumayo at nakipag kamayan kila Rao.

Kasama sila James at Eda lutang parin akong bumalik sa office ko. Talagang sinamahan pa ako ng dalawa hanggang sa office ko di pa nakuntento ang dalawa gusto pa raw nilang mag-chikahan.

"Marie, umo-oo ka na! makakatrabaho mo si Engineer Rios. Ayaw mo nun?" Makahulugang sabi ni James.

Tumawa ng malakas si Eda "Ayaw ko na, miss na miss ko na siya." Panggagaya ni Eda sa akin.

"Pwedi ba manahimik nalang kayo?! at ikaw! attorney umuwi ka na! hinihintay ka na ni Archi! aga-aga mo kasing pinagleave si Architect Jess, eh di pa naman malaki ang tyan niya." Inis na sabi ko bago umupo sa upuan ko.

Tumawa lang ng malakas si Eda at patuloy lang niya akong inaasar at nung nagsawa si attorney naman ang sinunod niyang asarin.

Tumigil lang sila ng kumatok ang sekretarya ni Ethan at sinabing pumunta na ako sa office ni Ethan.

Habang nag-lalakad ako papuntang office ni Ethan, biglang tumunog ang cellphone ko, kaya sinagot ko ito.

"Hello, Architect! how's your pregnancy?" I asked.

"Hi, Marie! A little bit hard." Natatawang sabi niya. "So, I call you because James tell me something." She said before giggled.

"What is it, Jess?" I ask.

"Na, ikaw muna ang kasama ni Engineer Raowaqin, na mag-design sa bagong project. Don't worry Marie, I'm willing to help you. So please do it, Thank you!" Sabi niya at bago pa ako makapag-protesta pinatay niya na ang tawag.

"What!?" Mataray na sabi ko kay Ethan.

"Ohhww." Sabi niya at tinaas pa ang dalawang kamay. " Relax, Marie."

"How should I relax!? umuwi ako dito para asikasuhin ang mga Restaurant ko! pinagbigyan ko lang si lola na pumasok pansamantala dito! Ang kinuha kung Course ay Business hindi Architecture!" Inis na sigaw ko.

"Marie, take a seat and come down." Pang-alo ni Ethan sa akin.

"Come down, really!? " Sumbat ko.

"Sweety umupo ka muna, please..." Sabi ni Ethan at lalapit na sana sa akin para paupuin ako kasu hinawi ko ang mga kamay niya.

This Is What I'm Praying ForWhere stories live. Discover now