Panimula

7 3 1
                                    

A/N:

All characters, organization, places, cases, and incidents is this story are fictitious. Also don't take it to serious.

Panimula

Sa mundo kung saan wala kang makakapitan. Sa mga pasakit na simula pagkabata mo pa pinasan. Kung saan lagi ka nalang nasasaktan at sinasaktan. Walang oras na di mo maalala ang sakit na iyong nadarama.

Lagi na lamang akong mag-isa sa lahat ng bagay simula nung mangyari ang hindi inaasahang pangyayari. Ang bigat ng sakit na ito na ano mang oras ay susuko na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyari sa akin ang ganitong klase ng buhay. Sugat mula sa nakaraan na hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang naghilom.

Ano ba ang sakit na ito? Ano’t kay hirap makawala sa sakit na dinadala? Makakaya ko pa ba ito? Kakayanin ko pa bang pasanin ang lahat ng sakit na ito?

Mga katanungan na mula noon hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa aking isipan. Mga katanungan na kagaya ng sakit na aking nadarama ay kay hirap lutasin. Napapa-isip na lamang ako kung paano ko mahahanap ang mga kasagutang bumabagabag sa akin araw-gabi maging sa panaginip ay ganoon pa rin, walang pagbabago.

Ako si Hope Fernandez, ang panganay sa tatlong magkakapatid na babae. Isang mabait, masunurin at responsable na anak na naging isang hangin na lamang sa paningin ng aking ina isang araw matapos ang libing ng aking namayapang ama. Dahil sa sobrang pagkamuhi niya sa akin ay lahat ng kanyang mga binibitawang salita ay dahan-dahang pinupunit ang akong puso.

Di ko maintindihan kung saan nagmula ang kanyang galit. Basta’t ang alam ko lamang ay galit siya sa akin. Ngayon kinamumuhian ko na rin ang aking sarili. Hindi lang ang aking ina ang may nais na mawala na ako sa mundong ito maging ang isipan ko na nahubok na sa mga masasakit na salita ng aking ina. Ngunit hindi ko magawang kitilin ang aking sarili sa dahil na naniniwala akong may kung anong makabuluhan na dahilan kung bakit Hope ang ipinangalan sa akin.

Umaasa akong mababago pa ang lahat ng ito.

*****************


YOUR VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED

Dream HistoryWhere stories live. Discover now