Kabanata 1

3 2 0
                                    

Kabanata 1

Nagising na lamang ako dahil sa sinag ng araw na pumasok sa aking silid. Agad naman akong nagtungo sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagpalit ng uniporme ng unibersidad. It's still early in the morning but the sun shines so bright already. Bumaba ako sa unang palapag at natagpuan si mommy na naghahanda ng umagahan.

Naka-upo na ng isa kong kapatid at hinihintay nalang ang pagkahain ng kanin upang makapagsimula na itong kumain. I greeted my mother a 'good morning' but she didn't responds. Hinayaan ko na lamang at umupo saka sinimulang mag-umagahan. Ganito na talaga ang pang-araw-araw kung kinagawian. Pero kahit ganoon ay binabaliwala ko na lamang.

Hindi naman ganito ang pamumuhay namin dati. Kilala ang pamilya namin sa business industry, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nawala na lamang sa amin ang lahat. Matapos masawi ang haligi ng aming tahanan ay kasunod naman noon ang pagbagsak ng aming pamilya.

Nagkasakit ang lolo sa pangyayaring iyon dahil hindi niya matanggap na mawawala lang bigla-bigla ang yaman ng aming pamilya. Nag-iisang anak ang aking ama kaya lahat ng ari-arian ng pamilya ay napunta sa kanya. Na bankrupt kasi ang kompanya at walang nakapagligtas nito dahil wala ring alam si mommy sa mga negosyo kaya ang lahat ay nawala.

Ilang taon na rin naman ang lumipas at ngayon maayos na naman ang pamumuhay namin. Ang mga naipon na pera mula sa mga sinanglang mansyon, lupa, at sasakyan ang siyang ginamit namin para mabuhay.

Ngayon nag-aaral ako bilang isang scholar ng isang pangmayaman na university. Kasama ko ang aking kaibigan mula pagkabata. Dahil kung wala siya siguro matagal na akong wala sa mundong ito. Nasa highschool ako noon ng tinangka kong kitilin ang aking sarili.

Nang makarating sa university ay agad akong bumaba mula sa pagkakasakay ng jeep at maya-maya nakita ko ang aking kaibigan na kabababa lang ng kanilang magarang kotse. Nilapatan ko siya at nagmano sa kanyang ama na humatid sa kanya.

"Thea, ang aga mo naman yatang pumasok nakakapanibago." Natatawa naman ito at kasabay nun ang mahina niyang pagpalo sa balikat ko.

"Girl, last two months na natin sa university na ito bilang college students at ang dami ko ring dapat e-comply na grade para makapasa." She then pout. "Di naman ako kagaya mo na ang talino."

"Hoy, di naman ako matalino—" Bigla nalang niyang pinutol ang pagsasalita ko.

"Gosh, Hope, pa humble pa more. Pero bes, totoo naman." Tinuro niya ako para hindi umangal. "I accept that you're a humble person but on me as your best of friend, girl, don't me. I know you more that anyone else." Natatawa nalang ako sa mga pinagsasabi niya.

"Okay na, tayo na at pumasok baka mahuli pa tayo." Then she snake her arms around my arm as we walk through the hallway to our classroom.

She's a friend that mostly all my secrets she knows. Wala din naman akong ibang masasabihan ng sekreto ko kung hindi ang babaetang ito. Siya ang lagi kung tinatakbuhan tuwing nagagalit si mommy sa akin. Sa kahit anong kaganapan nandoon siya para pakalmahin at tulungan ako. Kaya naman sinisuklian ko rin ang kabutihan na ipigkaloob niya sa akin. Tinuturuan ko siya sa mga asignatura namin at nililibre ko rin siya kapag natanggap ko na ang sahod ko mula sa pagiging isang waiter.

Habang naglalakad sa hallway ay bigla nalang simikip ang dibdib ko dahilan para mabangga ko ang isang lalaking nakasuot ng suit. Dahil sa kanyang malalakas na bisig ay hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig. Nabigla ako sa panyayari, ang mga mukha namin ay ilang distansya lang ang layo. Naaamoy ko ang mabago nitong pabago. Ngunit ang pumukaw sa akin ay ang maaamo nitong mga mata na may halong kulay kayumanggi. Kay sarap nitong pagmasdan para akong na hipnotismo sa kakatitig.

Dream Historyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن