Chapter 58: Limitation

2.6K 91 0
                                    

Chapter 58

Flashback

"Pwede na po kayong pumasok, Ma'am" agarang sabi ng gwardya matapos ibaba ang telepono. Nakahinga naman ako ng maluwag, pano pag hindi ako pinapasok ng mga ito? Edi baka mamatay na sa lagnat si sir Ace  medyo maarte pa naman ang ulopong na 'yon.

Ngumiti ako rito.

"Ihahatid ko na ho kayo, Ma'am medyo malayo ho kasi iyong mansyon ng mga Sanford at hindi po pwedeng magpapasok ng taxi rito para ho sa security ng mga naninirahan"

Secured talaga ang safety ng mga tao rito. Kunsabagay natural lang namang ayaw nilang magpapasok ng taxi sa village nila gayong mayayaman at mainpluwensyang tao ang naninirahan rito.

Muli akong ngumiti, mababait ang gwardya nila rito.

"Salamat po"

Kinuha nito ang kanyang motor habang ang isa naman ay naiwan upang magbantay, agad akong sumampa sa motor nito na agad niya namang menaobra. Halos singko minutos ang byinahe namin bago tumigil ang motor nito sa isang malaking gate. Hindi maipagkakailang mayaman ang naninirahap sa loob, mataas ang gate nito.

Bumaba ako at nagpasalamat kay Manong Guard agad naman itong umalis. Lumingon ako sa paligid, mayayaman nga ang naninirahan rito, wala kang makikitang maliit na bahay, hindi naman matatawag na bahay ang nakatayo rito, mansyon ito.

Nagdoor bell ako ilang minuto lang ay pinagbuksan ako ng matandang babae, nasa mid-fourty pa lamang ito kung tingnan hindi rin maipagkakaila ang maganda nitong mukha at base sa suot nito ay isa itong katulong.

"Kayo ho ba si Ms. Samantha?" Tanong nito, ngumiti ako rito at tumango.

"Ako nga ho"

"Pasok ho kayo Ma'am" wika nito at nilakihan ang bukas ng gate upang makapasok ako, agad niya naman itong sinarado ng makapasok ako.

"Sinabi na ho ni sir Andrew ang pagdating nyo upang alagaan si Ace" sabi nito habang naglalakad kami papasok ng mansyon.

"Kamusta na ho si Ace?" Tanong ko

Binuksan nito ang main door at pumasok kami, "mataas parin ang lagnat n'ya, ayaw naman nitong magpapasok ng kahit sino sa kwarto niya kaya naisipan kong tawagan si sir Andrew, sinabi niyang may importante siyang meeting na pupuntahan kaya hindi siya pwede, sinabi rin nitong dadating ka upang alagaan si Ace"

Tumango ako sa sinabi ni Manang, bago ako pumanhik sa kwarto ni Ace pinagluto ko ito ng supas at ginawan ng lemonade, bitbit ko ang tray na may laman ng mga iyon habang si Manang Nasly naman ay dala ang maligamgam ng tubig at bimpo, nagpaalam rin itong aalis dahil kaylangan niyang puntahan ang asawang naconfine sa ospital dahil nastroke kaya rin nito tinawagan si sir Andrew, pumayag naman si sir Ace na puntahan nito ang asawa kahit may sakit siya.

"Iwan niyo nalang ho iyan diyaan, ako na ho ang bahala kay sir Ace" wika ko ng makapasok kami ng kwarto nito.

Agad kong naamoy ang panlalaki nitong pabango at ang nakakaadik niyang natural na amoy. Well organized rin ang mga gamit nito, malinis tingnan ang kwarto nito na kulay itim at puti ang pinta. May malaki pa itong portrate na nakasabit sa dingding, nakakatunaw ang mga tingin nito sa portrate, napako ang tingin ko sa litrato sa bed side table niya, gaya ng una akong pumasok rito nandon parin ang litrato ng magandang babae. Siguradong iyan ang kanyang kasintahan.

"Ah sige, ikaw na ang bahala sa kanya, babalik din agad ako pag na sigurado kong maayos ang kalagayan ni Ernesto" wika nito, si Mang Ernesto ang asawa nitong na stroke na driver din pala ni sir Ace.

Hiding the Billionaires son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon