Tumango ako, "Yes, please." ngayon palang kinakabahan na ko.

Ngumiti siya sakin at akmang may sasabihin siya ng may tumawag sa phone niya. Tinignan lang niya ko at parang tinatantya pa kung papayagan ko siyang sagutin iyon.

"Sagutin mo muna," maikling sabi ko at binigyan siya ng kaunting ngiti.

"Saglit lang ha," aniya at kunot noong sinagot ito.

"What?" mahinang bungad niya sa caller.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.

"Yeah, I am already done with that. What?!"

Napalingon ako kay Kipp ng medyo tumaas ang boses niya. Mahigpit rin ang kapit niya sa cellphone niya na parang may nangyaring hindi maganda.

"Yes, stay there. I'm coming." sabi niya at agad na pinatay na niya ang linya.

"M-May problema ba?" tanong ko.

Tinignan lang niya ko at parang nahihirapan siyang sabihin na kailangan na niyang umalis agad. Hindi ako tanga para hindi magets na may problema nga.

"Can I.. Fuck," mahinang bulong niya. "Nevermind, kain na tayo." pilit ang ngiti niya.

"You can go," mahinahong sabi ko. Alam ko namang ganito ang mangyayari. Ramdam ko naman agad.

Nag-angat siya ng tingin sa akin, "Sorry El. I don't want to go but.. but I have to. Kailangan kong tulungan si Tri--"

"Okay lang." putol ko sa kanya. Trisha nanaman pala. Kung ano man ang dahilan niya, ayoko nalang alamin.

"Sorry, El. Hatid muna kita bago--"

"Mauna kana, no need na ihatid mo ko. May bibilin rin naman ako pagtapos." pagsisinungaling ko. Wala naman talaga kong bibilhin.

"Are you sure?" nag-aalalang tanong niya. Tumango lang ako at sinenyasan siyang umalis na.

Tumayo siya agad at hinalikan lang niya ko sa noo bago umalis.

Wala akong nagawa kundi tignan ang lahat ng pagkaing nasa harapan ko. Paano ko uubusin lahat nang 'to?

Kahit hindi ko na malasahan ang sarap ng kinakain ko dahil sa nangyaring pang-iiwan saken ni Kipp, kinain ko nalang. Besides, sabi niya, celebration to ng graduation ko.

Ang saya naman.

Sa tuwing magkikita kami ni Kipp, puro ganoon ang nangyayari. Madalas na siyang hindi pumupunta sa lugar na pinag-uusapan naming magkikita kami. Kung hindi naman, bigla nalang siyang aalis at ako ang maiiwang mag-isa.

"Sorry talaga El, si Trisha kase walang katulong sa wirings, ako lang yung pwedeng--"

"Okay lang, ako nalang tatapos nitong movie." ngiti ko kahit gusto ko ng magreklamo na aalis nanaman siya. Bakit nakipagkita pa siya sakin kung iiwan lang din naman pala niya ko!

Sana pala nagreview nalang ako ulit!

Umalis siya agad sa tabi ko at pinanood ko lang siyang lumabas ng sinehan.

Comedy 'tong pinapanood namin pero hindi ko na napigilang umiyak. Pinunasan ko agad ang luha ko.

Tapos na ang semester nila Kipp ngayong linggo at sabi niya sakin, tapos naman na raw siya sa lahat ng ginagawa niya. Pero si Trisha, hindi pa daw at nagpapatulong sa kanya lagi.

Ayokong magmukhang selfish pero unfair rin naman sa side ni Kipp. Alam kong hindi makakatanggi sa kanya si Kipp dahil sure naman akong mas matagal na silang magkakilala based sa pakikitungo nila sa isa't isa.

Dumating ang martes at iyon ang araw na sasamahan ako ni Kipp sa library dahil may access pa naman sila dun. Kukuha ako ng libro para makatulong sa pagrereview ko.

Nandito na ko sa school at hinintay ko nalang siya dito sa labas. Isang oras na rin akong nakaupo dito pero wala pa rin si Kipp.

Ang huling sabi niya sakin ay papunta na siya dito. Ayokong isipin na hindi nanaman kami matutuloy dahil may gagawin nanaman siya kaya nilibang ko ang sarili ko sa pags-scroll sa IG.

@iamtrisha tagged @kippblair in a photo.

Kumabog bigla ang puso ko at nanginginig ang kamay kong tinignan iyon.

Nangilid bigla ang luha ko ng makita ko si Kipp sa picture at nasa restaurant sila ngayon. Stolen picture iyon at may caption na 'a thank you gift for this lover boy, sweet'

Pinunasan ko ang luha ko at halos mapatalon ako sa gulat ng biglang tumawag si Kipp.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas at sinagot iyon.

[El, I'm on my way. Sorry, give me 10-- uhm 5 minutes I'll be --]

"Sorry nanaman." pagputol ko sa sinasabi niya.

[H-Ha? El, what's wrong? I'll be there, we can talk when I get there.] bakas sa boses niyang nag-aalala. Natawa ko ng sarkastiko ng maisip pang nag-aalala nga siya.

"How's your breakfast? Masarap?" mapait kong tanong.

[What do you mean? Just.. Just wait me there--]

"Kanina pa ko naghihintay!" sigaw ko at pinigilan na marinig niya ang paghikbi ko.

[E-El, are you crying? Hey, just.. fuck!]

Napayuko ako at hinayaan ko lang na tuloy-tuloy bumagsak ang luha ko.

"Do you really love me?" seryosong tanong ko sa kanya na agad nakapagpatahimik sa kabilang linya.

Napapagod na rin naman akong maghintay sa kanya.

Hindi pa man kami nagsisimula ay nakakapagod na.

[Saan nanggagaling 'yan, El?] litong tanong niya pabalik.

"Do you really love me?" napahikbi ako sa pangalawang beses kong ulit.

[Yes! Of course, putangina, oo mahal kita El. Just please let me get there first!]

Umiling ako at napasinghap ng hangin.

"Then why don't you show how much you love me?" kase bakit parang unti-unti na rin namang nawawala, Kipp?

[What? El, halos araw-araw ko sayong pinaparamdam na mahal kita! Walang araw na hindi ko sayo--]

"Muntik na kong maniwala na seseryosohin mo ko," sarkastikong sabi ko. "Tagal kong naghintay Kipp na sabihin mo sakin kung ano na ba tayo, k-kung meron bang tayo." nanghihina kong sabi sa kanya.

[Because you didn't gave me a chance, El! You always avoiding me when I'm about to ask you to be my girlfriend so I thought you're not ready yet.]

Napahikbi ako at agad na tinakpan ang bibig ko ng marealize kong maririnig iyon ni Kipp. Kung gaano ako nakakaawa ngayon.

[Please, El. Stop crying, I-I can't.. Fuck! 2 minutes, El I'll be there in 2 minutes and then we'll talk--]

"No." Tutol ko at agad na tumayo kahit nanlalambot na ang tuhod ko. "Ang tagal ko ng naghihintay, Kipp. Para kong tangang naghihintay sa wala."

Nanatili siyang tahimik sa kabilang linya at tanging naririnig ko lang ay yung background na busina niya.

"You never try Kipp." marahas kong pinunasan ang pisngi ko. " It's because you never try!"

[It's you. It's you, El.]

Sobrang tahimik ng paligid and I almost hear my heart broke into pieces.

[It's you who did not try.]

Napaluhod ako sa sakit ng sinabi niya sakin. Paulit-ulit kong hinampas ang dibdib ko dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.

[It's you who did not try loving me, Elya.]

It's You [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt