HIS SMILE - Proloque

1 2 0
                                    


Proloque:

"Zay ayuko na, magbreak na tayo. Nawawalan na ako ng gana sa relasyon natin. Ayuko na nagsasawa na ako."

Mabilis na type ko sa cellphone na hawak ko.
Nagdadalawang isip pa ako kung isesend ko ito sa kaniya o hindi.

Bahala na kung anu ang magiging reaksiyon niya
Bahala na.

Agad na tumunog ang cellphone ko hudyat na nagreply na siya. Wala naman akong ibang katxt kundi siya lang.

"Sabi ko na nga di ka talaga seryoso. Sana hindi mo nalang ako sinagot."

Reply nito.

"Sorry"

Tanging sagot ko sa txt niya.

"Ang sakit lang kasi"
Txt niya agad.

Hindi ko alam kung anu ang irereply ko sa kaniya.

"Trinay ko namang mahalin ka eeh, wala talaga. Sorry focus muna ako sa sarili ko."

Medyo naluluhang reply ko.

"Ang bobo ko, ang tanga ko talaga"

Alam kong umiiyak na yan o kaya kung anu ng ginawa sa sarili niya.

Bahala na kung anung ikakahatnaan nito. Bahala na si batman.

"Ang bobo ko talaga, huwag mo nalang sabihin sa tita ko, kasi alam nila na mahal na mahal kita."

With sad emoji na reply niya.

"Sorry sorry, hindi ko intensyon na saktan ka."
Paghihingi ko ng pasensya.

"Ginawa mo na nga eeh. Alam mo Xei umiiyak ako ngayun"

Tugon nya.

"Zay tandaan mo makakahanap ka rin ng babaeng hinding hindi magsasawa sayo" Maluha luhang reply ko.

"Sobrang sakit, mahal talaga kita Xei"
Mabilis niyang reply.

Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at nagagawa ko ito sa kaniya.

Mabait sya na tao, maalaga, masipag, matulungin, at higit sa lahat marespeto. Parang nasa kaniya na nga ata ang lahat eeh.

Mahal ko sya, pero naguguluhan ako sa nararamdaman ko sa kaniya. Parang nasa point pa lang ako na hindi pa ako sure sa kaniya.

Lalo nat minsan lang kami magkita, minsan lang magsama.
Yung tipong hindi ka pa sure kung mahal mo ba talaga sya, na kung puppy love lang ba yung nararamdaman mo o infatuation love.

I don't know pero naguguluhan talaga ako.

Sa totoo nga lang na kay Zay na lahat eeh, Oo aaminin ko mataas standard ko pagdating sa mga lalaki pero lahat ng standard na yan nabalewala lahat simula ng makilala ko sya.

"Zay sorry, sorry"
Paghihingi ko ulit ng paumanhin.

"Katulad ka lang din pala ng mga naging ex ko, sabi mo di mo ako iiwan"

Txt nya na puno ng sad emoji.

Di ko alam kung anong gagawin ko, parang di ako sure sa desisyon ko.
Dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko sya, mahal na mahal.

"Marami pang iba dyan Zay, makakahanap ka rin"

Agad na sagot ko.

Ilang minuto pa ako naghintay ng reply nya kaso wala na. Hindi na siya nagreply.

Trinay ko ulit maghintay at nagbabakasakaling may ginawa lang siya saglit.

Pero ilang minuto pa ang nagdaan wala talaga.

Medyo naluluha na ako, natatakot akong mawala sya sa akin.

Anu bang nangyayare sakin huhuh, nakikipagbreak ako sa kaniya tapos mahal ko pa sya.

Stupid Xei, stupid stupid stupid.

Ewan ko kung ilang beses ko nang napukpuk itong cellphone ko sa kamang hinihigaan ko.

Anu bang katangahan to Xei oh. Haynkau.

Nag isip muna ako saglit kung anu ang pwedeng gawin dahil mahal ko talaga si Zay, Siguro may germs lang na dumampi saglit sa utak ko at nagdedesisyon ako ng agad agad.

Ilang minuto akong nakatitig sa bubong namin ng mapag isipan kong magbukas ng messenger, baka naka open si Zay, mag sosorry nalang ako at sasabihing mahal ko sya, hindi ko siya iiwan, pero sa paanong paaraan.

Nasaktan ko na siya eeh, pina iyak ko na, pinaluha ko na, kung hindi naman kasi ako tanga at kung anu anu ang pumapasok sa kukote ko at naisipan ko un.

Pero feel ko kaya ko lang nagawa yun kasi naiinis ako, nababadtrip ako.

So masama siguro sa akin yung mainis at mabadtrip dahil nagdedesisyon ako ng walang pasabi at higit sa lahat nadadamay yung mga taong inosente.

Pagbukas ko na messenger agad kong tinignan kung naka active status ba si Zay. Laking tuwa ko ng naka open nga ito.

gumalaw ang mga daliri ko para matype at machat si Zay.

Siguro sasabihin ko nalang na prank lang yun, bahala na. Basta mahal ko sya, hindi ko hahayahang mawala siya sa akin.

"Babi, sorry prank lang yun, mahal na mahal kita, hindi ako makikipag break sayu, hindi kita iiwan babi mahal na mahal kita"

Chat ko sa kanya

Nakatitig lang sa chat ko sa kaniya ng biglang may lumabas n tatlong bilog, hundyat na siya ay nag tatype.

Nang matapos siyang magtype ay agad na lumabas ang reply niya.

"Xei alam mo namang mahal na mahal kita eeh, hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa sinasabi mo"

"Zay prank lang yun ok, mahal na mahal kita. Tinitesting lang kita kung mahal mo talaga ako" Sagot ko.

"Xei sa maniwala ka man o hindi mahal na mahal kita, nagkaroon ng saysay yung buhay ko ng dumating ka sa akin. Kaya please wag mo ng uulitin yun dahil hindi ko talaga makakaya, magpapakamatay ako pag nakipag break ka sa akin. Seryoso ako Xei walang halong biro" Tugon niya.

"Sorry Zay, promise hindi na mauulit yun, sorry"

Paghihingi ko ng paumanhin.

Pero seryoso mahal ko talaga siya. Wang halong biro, walang halong haka haka.

"Iloveyou babi, wag mo ng uulitin yun ha"

"Opo babi ko, promise, iloveyoutoo"

May sinend siya sa akin na mga ilang picture niya na umiiyak, naawa naman ako sa boyfriend ko wala na siyang ibang ginawa kundi mahalin ako tapos sasaktan ko lang siya.

Hindi ko na uulitin yun promise itaga ko pa sa mga ilong niyong flat. Charrrr

"Hindi na ako makahinga niyan babi sa sobrang iyak ko"
Tukoy niya sa mga picture na sinend niya

Sheeeems kita mi na Xei paanu kung natuluyan talaga siyang hindi makahinga, paanu nalang.

Katangahan mo talaga Xei.

"Sorry babi ko, iloveyou"
Reply ko

"Ok lang babi ko, kasi mahal na mahal kita"
Tugon niya.

"Babi punta ako diyan sa lunes sa inyu bawi ko sayu.
Siguro yun nalang yung gagawin ko para makabawi ako sa kaniya.

Gustong gusto niya akong pumunta sa kanila eeh..

Lagi niya akong pinipilit kaso tumatanggi ako baka kasi mapagalitan ako nila mama ta papa.

"Sure ba yan babi?"
Pag aalinlangang tanong niya.

"Opo babi ko"
Sagot ko.

"Sige babi, sunduin nalang kita, hintayin kita sa complex"

"Sige babi"
Sagot ko.

"Sige babi out na ako, maya nalang ulit, magpapakain pa ako ng isda eeh".
Pag papaalam niya.

"Cgecge, iloveyou"
Reply ko.

"Iloveyoutoo"
Tanging tugon niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIS SMILETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon