Chapter 6: Hallucinations

12.6K 431 29
                                    

Natasha's POV

Nandito ako ngayon sa bahay ng friend ko kasama yung mga barkada ko. Kakagaling lang kasi namin sa university kanina para ayusin yung schedules namin para sa semester this year. 3rd year na kaming lahat ngayon at fortunately wala pa naman akong bagsak na subjects.

"Juice?" Alok sakin ni Calvin. Nakangiti ko tong tinanggap. Nga pala, 5 years na yung relationship namin... going strong.

Inakbayan niya ako tsaka nilapit sa kanya. Sa dami nang babaeng nababaliw kay Calvin sa university, maswerte ako at ako pa rin ang pinili niya.

"Let's party later? Ilang araw na lang magpasukan na. Aba, sulitin na natin yung bakasyon!" Sabi ni Aliyah. Yung friend ko na may ari ng bahay na to, classmate ko na siya since highschool pa. Well, lahat naman kami sa barkada highschool friends. Medyo nabawasan lang at apat na lang kaming natira.

"G! Let's have some fun naman, cannot be reached kayo palagi ni Mr. Calvin." Sabi ni Carly, yung friend ko na may pagkaconyo at pinakamataray samin.

"Party talaga? Pwede bang magmall na lang tayo then nood tayo ng movie?" Suggestion ko. Alam naman nilang ayoko sa mga lugar na ganun. I'm not the type of girl na mahilig mag-bar at magparty.

"You're so boring talaga, Natasha! Pwede bang kahit now lang you make sama naman?" Reklamo ni Carly. Bakit ba hindi kami parehas ng mga gusto? Buti pa si... Uhm. Nevermind.

"Oo nga! Pati si Calvin hindi na namin nakakabonding, pano naman kasi. Kapag hindi ka sasama, NO na agad sagot niya. Natasha, please?" Pagpupumilit ni Aliyah. Here we go again, ako nanaman naiiba sa kanila. Alam kong gusto rin ni Calvin base sa reaksyon niya kanina. Ako lang talaga. So...

"Okay." Sabi ko tsaka uminom ng kaunting juice. Naramdaman ko namang hinalikan ni Calvin yung buhok ko.

Hinatid ako ni Calvin sa bahay after namin kila Aliyah. Mamaya pang 10 kami magkikita-kita.

"9:30" Sabi sakin ni Calvin before we said goodbye. I still have 5 hours pa, gusto ko munang matulog.

Pagkadating ko sa bahay nakita ko si Mama na naglalaba. Well, you see hindi naman kami kasing yaman ng mga friends ko. Ordinaryo lang ang buhay namin umpisa pa lang. Hindi katulad nila Calvin, Aliyah at Carly na mga anak mayaman, simple lang ang buhay ko. Ewan ko ba, bakit yung mga nagiging kaibigan ko puro mayayaman tulad ni...uhm. Nevermind.

"Ma, nakauwi na po ako." Sabi ko sakanya.

"Naayos mo na ba yung schedule mo?" Tanong niya at saglit na tumigil sa paglalaba. Nagmano ako.

"Ay opo. Nga po pala, may lakad kami mamaya nila Carly. Baka gabihin po ako." Paalam ko sakanya. Tumango naman si Mama atsaka nagpatuloy sa paglalaba.

Maluwag sakin si Mama, alam niya kasing responsable ako at mapagkakatiwalaan. Hindi katulad ng kapatid kong lalaki, ubod ng pasaway.

"Ma, si Toffer nasaan?" Paghahanap ko sa napakagaling kong kapatid.

"Alam mo na, nasa computer shop nanaman." Ay talaga nga naman! Nakakainis talaga ang bubwit na yon!

Sa sobrang inis ko nagpalit ako agad at tinulungan si Mama sa paglalaba.

After maglaba, agad ko chineck yung oras. 6 pm pa lang, may oras pa ako para matulog.

Natulog ako saglit atsaka naligo. Kahit ayoko, napilitan akong sumama sakanila...dahil kay Calvin. Masyado siyang attached sakin, minsan para siyang bata na hindi nagdedesisyon ng hindi ko alam. Di ko nga alam kung dapat ba akong matuwa or mainis kasi ang tanda na niya. Nung highschool pa kami naiintindihan ko pa, pero ngayon? Malapit na kaming gumraduate sa college.

The Nerd Turns into a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon