Chapter 3

25K 1.3K 469
                                    



CAPTURE the flag ang unang activity na gagawin namin. The most voted activity kanina sa brainstorming namin.

Kanina pa masama ang tingin ni Jeydon at Graine sa isa't isa. Sabi ko na nga lang kay Jeydon na h'wag na siyang pansinin pero hindi pa rin siya maawat.

Kapag ginalit mo na kasi talaga ang isang Jeydon Lopez, sobrang hirap na niya ulit paamuhin.

Ano ba kasing nasa isip nitong Grain na 'to? Kahit gaano pa siya ka-gwapo, ka-macho, at ka-yummy...

Niyugyog ko ang ulo ko. Ano ba 'tong naiisip ko?

Wala naman ibang mas hihigit pa kay Jeydon... or better to say, madami ang hihigit pa kay Jeydon pero siya at siya lang ang pipiliin ko.

Loyal at faithful 'to no.

"Okay, we will give you thirthy minutes para itago ang flag within the camp site! Ang unang team na makakauha at makakalagay ng flag ng kalabang team dito sa wooden box," itinuro niya ang box na hugis barko. "Ang siyang mananalo." Sambit ni Miss Hershey.

"Dalawa lang ang hahawak ng flag na siyang magbabantay dito. Ang iba ay pwedeng i-distract ang kalabang grupo para hindi mahanap ang flag," sambit ni Miss Maki.

"Paano kapag dumilim na at hindi pa rin namin nakukuha ang flag ng kalaban na grupo? Anong mangyayari?" Tanong ni Marky.

"Good question!" May kinuha siyang maliit na blue at red flag. "Maliban sa pag-distract sa ibang group member, ang role niyo rin any kumuha ng maliliit na flag niyo as much as you can. Ang may pinakamaraming flag na nakuha ang mananalo kung walang makakaagaw ng big flag." Explain ni Miss Maki.

"You have until 3PM for this activity, then we will proceed with other ones!"

Mukhang matagal ang activity na 'to.

Ang dami pa nilang mga nakalatag na obstacles sa gilid ng lake pero mukhang masaya naman siya at excited na akong gawin 'yong mga 'yon mamaya.

Pero ang tanong, sino sa amin ang maghahawaka at magbabantay ng flag?

Iniisip ko pa lang ang sagot aa tanong ko pero nakita ko na ang pag-ngisi ni Kuya. Mukhang alam ko na ang gusto niyang mangyari dahil tinignan niya si Troy at Tiffany nang hindi maganda.

"Si Troy at Tiffany na lang ang dalawang mag-bantay sa flag!" Sigaw ni kuya.

Sabi na nga ba, e. Minsan pareho rin talaga kami mag-isip ni Kuys Charles.

"Ano?" Sabay na sabi ng double T tandem. "Bakit kaming dalawa pa talaga?"

Hindi mapakali ang mukha ni Troy at si Tiffany naman nakataas na ang kanang kilay.

Uh oh... double T, double Trouble ba 'to?


To be continued...

The Four Bad Boys and Me Special StoryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant