Chapter 2

28.4K 1.5K 1.3K
                                    


HINAWAKAN ko na lang ang kamay ni Jeydon para kumalma siya. Alam ko ako ang Kryptonite niya.

Syempre, ako lang dapat.

Ano ba kasing nasa isip ng lalaking nasa harapan namin para kindatan ako? Obvious naman na may boyfriend ako. H'wag siyang makipag-flirt sa'kin kasi sobrang loyal kong girlfriend.

"I'm Hershey and I will be your Camp Master for today!" Nakatali ng ponytail ang buhok niya at mukha siyang bata. Kulay blue pa ang kulay ng buhok niya. "So, para sa blue at red team, kailangan natin ng tig isang leader! Anyone?"

Pumunta agad sa harapan 'yong lalaking kumindat sa akin. Ang laki pa rin ng ngiti niya sakin. Mas lalong nanigas ang kamay ni Jeydon.

"I'll be the leader for team," sambit niya gamit ang husky voice niya. Parang lowkey din ang pag-flex niya sa muscles niya. Mukha pa ata siyang narcissist. "I'm Grain by the way guys."

Nginitian niya kaming lahat maliban kay Jeydon. May gusto ba talaga siyang pagkalagyan? Hindi niya dapat ginagalit ang isang Jeydon Lopez.

Rest in peace na ba agad ako sa'yo, Grain?

"Great, also here's my assistant Maki to help me." Sambit ni Hershey. "Maki, why don't you ask the blue team for their leader?"

Walang patumpik tumpik pa, pumunta agad sa harapan si Jedyon. Hindi pa nga natatanong kung sino sa amin ang gustong maging leader. Alam ko na kung bakit ganito ang inaasal niya.

"I'll be the leader for blue team," tinignan niya ng masama si Grain. "And my name is Lopez, Jeydon Lopez."

"Teka, ako pinakamatanda dito, ako dapat ang leader!" Singit ni Kuya Charles.

"Manahimik ka tanda, alam mong may gustong patunayan si Jeydon, e!" Angal ni Troy. "May dudurugin tayo mamaya."

"Are we good?" Tanong ni Hershey.

"Yes! Of course!" Habang sinasabi niya 'yon, nakatingin pa din siya kay Grain. "I'm their new leader."

"Wow, that was great, Jedyon!" Masayang sambit ni Miss Maki. "Okay we're all set! But before anything else, please introduce yourself!"

Isa-isa namin pinakilala ang sarili namin at may dinikit pa na tag sa kanang dibdib namin na nakalagay ang pangalan namin.

May stage sa harapan na may microphone.

Naunan nang nagpakilala sila Kuya Charles, Ate Serina at Marky. Sa kabilang team si Haide, Juan at Jayme.

Sumunod naman si Tiffany, na kanina pa parang tinitignan nj Jayme.

"Hi, I'm Tiffany Chua, but you can call me Tiff for short. I'm a little shy but can be adventurous if needed."

"Single ka ba, Tiff?" Sigaw ni Jayme.

Biglang namula si Tiffany, hindi niya siguro inaasahan na may magtatanong sa kanya no'n at sa harapan pa talaga ni Troy.

"Uhm... yeah... yes, I'm single."

'Yong ngiti ni Jayme, abot hanggang buwan. Ito naman si Troy halatang nagpipigil ng inis. Aminin niya na kasi na mahal pa niya si Tiffany at makipagbalilan na siya bago pa mahuli ang lahat.

Sumunod na nagpakilala si Saydie sa kabilang grupo.

"Hi, I'm Saydie, single and ready to mingle." Maiksi niyang pakilala.

Sumunod sa kanya si Troy, "Hi Saydie, I'm single too, want to mingle?" Nagtawanan ang karamihan maliban sa akin at kay Tiffany. "Kidding aside, my name is Troy Mendoza at mapagmahal akong lalaki. Loyal na loyal basta h'wag mo lang akong sasaktan at iiwan basta."

Habang sinasabi niya 'yong mga huli niyang mga salita parang tumitingin pa siya sa gilid niya para tignan si Tiffany.

Mag-usap na lang kaya silang dalawa, no?

Buti na lang umakyat na si Stacey sa stage kaya medyo nawala na 'yong awkwardness.

"I'm Stacey but everyone is calling me Queen Bee, because I'm the Queen and you should vow to me," flirty na pagkakasabi ni bee. Mukha kasing may natipuhan siya sa kabilang team. "I'm nice but sometime naughty."

Nagtawana kami sa introduction niya. Palaban talaga best friend ko.

Hindi nagpatalo 'yong isang blondie na kanina pa masama ang tingin sa amin.

"I'm Marie, minsa bottom pero madalas top. Kapag natikman mo ako, there's no turning back."

Sabay kaming napanganga ni Stacey. Cheer ng cheer naman 'yong teammates ni Marie. What the F was that? Talagang bulgaran si ate.

"Ew, kapangalan ko pa talaga siya!" Iritableng sabi ni Stacey. "And the way she said it was so cheap!"

Nag-flip hair pa si Marie bago bumalik sa line-up ng team nila. Talagang gusto niya kaming hamunin ha! Aba subukan lang niyang landian si Jeydon, magkakaalaman talaga kami.

Kinurot ni Stacey ang kamay ko nang umakyat na sa stage 'yong tipo niyang lalaki. Sabi na nga ba, may type talaga siya sa kabilang team.

"Hi guys, I'm Fino. I'm a simple guy but with a big..." tumigil siya sandali at ngumiti.

"T*angina bee, big to-toot ata gusto niyang sabihin! I cannot! Parang gusto ko na siyang kainin! Rawr!"

Kinalma ko si bee, 'yong poise niya nawawala.

Dapat maging classy pa rin siya kahit lumalandi.

H'wag niyang gayahin si Marie at speaking of, siya rin ata bet na bet si Fino.

"I have a big heart... and I thank you."

Heart lang pala pero pinatagal pa niya. Kung ano-ano na tuloy pumasok sa isip ng kaibigan ko rito.

Hinawakan ni Jeydon 'yong pisngi ko at iniharap noya ako sa kanya, "Oh, oh, 'yong tingin mo wifey ah. Baka pinagnanasahan mo na 'yang Fino na 'yan."

"Ew," sabay pa kami ni Stacey.

"He's mine already, Jeydon! So please stop being jealous!" Dagdag niya.

"I just want to make sure, what's mine is mine only."

Minsan nagiging possesive na siya sa'kin pero palagi naman ako nakaalalay sa kanya kapag sumosobra na siya. So far, hindi pa naman kami nagtatalo tungkol sa pagiging possessive niya minsan sa'kin.

"Si Candice ay para kay Jeydon lang. Period, no erase, padlock, tapon susi."


To be continued...

The Four Bad Boys and Me Special StoryWhere stories live. Discover now