"'Wag mo na lang siyang isipin. Kakausapin ko naman siya mamaya." He plastered a short smile.

"Feeling ko nga rin ay may galit siya sa akin dahil hindi niya sinagot ang tanong ko kanina." I pouted after remembering how she ignored me a while ago.

"Don't worry, I'll talk to her later."

"Malakas din ang kutob kong may tinatago kayo sa akin nina Ate Avia at Kuya Eagan. Ano ba talaga 'yon?" Nilingon ko si Gurang at nag-abang ng sagot.

"Wala naman kaming tinatago. Guni-guni mo lang 'yon kasi medyo slow ka."

Sinamaan ko siya ng tingin atsaka inirapan. Paano naman ako naging slow?!

***

Avia's POV

"Sana talaga hindi manggulo ngayon ang Allerio na 'yon. Mapagod naman siyang habulin tayo." Sinsero kong hiling habang nasa labas ng bintana ang paningin.

"Kinuwento sa akin ni Asher ang nangyari. Buhay pa raw si Tita Dianna."

"Nasabi rin sa akin ni Siam. Hindi nga ako makapaniwala. Like how?"

Ang sakit sa ulo ng mga nangyayari.

"Ang tatay raw ni Heather ang may pakana sa pagpapalubog ng barko four years ago."

"Nag-aalala tuloy ako kay Caid. Ang dami nang ganap sa kaniya, na-trauma pa siya tapos biglang sumulpot ang balita tungkol sa Mommy niya. Mas lalong babagal ang paggaling niya dahil sa stress."

"We know Caid. Sana lang talaga ay makayanan niya lahat ng 'to."

"Hindi rin naman natin siya iiwan, 'no. Back up niya ako lagi, mas lalo ka na dahil magpinsan kayo! Auntie mo kaya si Tita Dianna."

"Wala naman akong sinabing hindi. Poprotektahan ko si Caid tulad ng ipinangako ko kay Chance." He sighed and plastered a weak smile.

Alam kong nalulungkot siya ngayong nabanggit ang pangalan ng pinsan niya. Sobrang laking balita talaga ang gumimbal sa amin noon nang sabihin ni Tito Aiden ang nangyari. Sisiguraduhin kong magbabayad ang tunay na may sala.

***

Asher's POV

"Ayaw mo maglaro?" Tanong ko kay Caidence na nakatayo lang sa gilid at nakatingin sa counter.

"I'm thinking." She answered.

"About?"

"Those two." Itinuro niya iyong human-sized teddy bear na blue at yellow. "Iniisip ko kung anong mas maganda."

I couldn't help but hiss. She's really weird sometimes.

"The yellow one." Sagot ko.

"Sure ka?"

Bahagyang kumunot ang noo ko atsaka tumango.

"Okay! I'll get that one." Pagkatapos ay dumiretso siya doon sa machine na puro tickets ang pinapahulog. "Wish me luck." She even winked and chuckled.

I bit my lower lip and sighed to suppress my smile.

"Cute." I whispered under my breath.

***

Ishmael's POV

"Are you going to stare at them forever?"

Nilingon ko si Heather nang sumulpot siya bigla sa tabi ko.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now