Chapter 1

102K 2.6K 2.9K
                                    

Hi Maidens!

Wattpad and kumu joined forces to bring your favorite Wattpad Stars closer to you! ICYMI, this bonus chapter was completed with the help of everyone who watched the Write With Me livestream on kumu last July 16. They got to decide what happens in this story and even got the chance to be turned into some of the side characters + win prizes like a book set and a 1:1 stream with me! If you want to join in on the fun, click here (hyperlink: https://app.kumu.ph/WattpadPH) to download the app and follow WattpadPH on kumu.

Follow me on KUMU as well: @tinalata

➖➖➖

FINALLY, tapos na ang graduation.

Goodbye school life, hello working life! Hindi ko inasahan na magiging sobrang saya ng

Pero ang sabi ni Mama, tradition na sa university namin ang umattend sa Santiago's Summer Camp after the graduation.

Kaya ito, tapos na kami mag-ready ni Kuya para sa camp mamaya.

"Sure ka ba manang na sasama ka? Hindi para sa mga nerdy ang Summer Camp na 'yon. Baka mahimatay ka pa sa mga gagawin."

Sinamaan ko siya ng tingin. Nerdy ako pero mataas pa rin naman ang grades ko sa Physical Education.

"Kasama rin sa activity ang gamitin ang utak kaya sure ka bang sasama ka, kuya?"

Pinanlakihan niya ako ng mata. Akala niya ba talaga hindi ako sasagot sa kanya? Aba, big girl na ata 'to. College graduate na nga ako, no.

After nito pakiramdam ko subsob na ako sa trabaho kaya dapat ma-enjoy ko na. Isa pa... hindi ko sigurado kung magtatagal pa ako rito sa Pinas. Nag-email back na si Elle at nag-schedule ulit sila ng interview. Kung matanggap man ako, diretso New York na raw ako.

Hindi ko pa 'to actually nasasabi kay Jeydon pero mamaya balak ko nang sabihin. Kinakabahan din kasi ako sa magiging reaksyon niya. And speaking of...

"You ready, my lady?" Bungad niya pagpasok sa bahay. Lumalit agad siya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi ko. "Sabi ko sa'yo no two piece or one piece, ha? Rash guard na long sleeve at long pants lang ang pwede."

Sa dami ng pwede niyang maalala, 'yon pa talaga. Gusto niya ata h'wag na lang ako mag-swimming, e.

"Yes, boss Jeydon."

Pero as usual, good girl ang ate Candice mo. May mga ibang students din kasi mamaya sa Summer camp na hindi namin kilala kaya naintindihan ko naman ang inaasal ni Jeydon.

Sanay na sanay na ako sa pusang robot na sobrang seloso. Minsan annoying pero minsan cute. Ang mahalaga, alam kong ginagawa niya lang 'yon dahil mahal niya ako at dahil gusto niya akong protektahan.

Umiling-iling si kuya at hindi ko maiwasan na matawa. Hindi niya ako maasar na under ako kay Jeydon dahil siya mismo ay under kay Ate Serina.

"Hoy JD, tulungan mo na lang ako ilagay mga bags sa sasakyan mo. Kailangan pa natin sunduin 'yong amazona kong girlfriend, kaya–"

"Amazona?!" Galit na galit na sambit ni ate Serina. "Tinawag mo talaga akong amazona ha, tanda!"

Tinignan niya nang masama si Jedyon. Ang usapan kasi mamaya pa siya susunduin pagkatapos namin pero mukhang sinundo na siya ni Jeydon.

"Babe naman, biro lang!" Pagsuyo ni kuya. "Ang ganda-ganda mo ngayon, hindi ka pwedeng ma-stress!"

Minsan palpak din talaga 'yong mga banat at pick-up line ni Kuya Charles pero buti na lang, kinikilig pa rin si Ate Serina. Or baka sinasakyan na lang niya si Kuya.

Dinaanan na namin si Troy at Marky pag-alis namin. Si Tiffany at Stacey, ihahatid ng drivers nila. Hindi pa rin kaso okay 'yong dalawang T hanggang ngayon...

"So anong gagawin mo kapag nakita mo na ulit si Tiffany?" Tanong ni Kuya. "Tapos ang malala, may makilala siyang lalaki sa camp at maging jowa niya!"

Binatukan siya nang malakas ni Ate Serina, "Babe sira ka talaga! Alam mo naman na mahal pa rin ni Troy si Tiffany!"

Tumawa nang malakas si Troy, "Mahal? Anong mahal? Mabilis maka move-on ang isang Troy Mendoza! Makikita niyo mamaya, mag chicks na akong bago sa camp."

Alam naming lahat na kahit anong sabihin niya, mahal pa rin niya si Tiffany pero ma-pride ang isang Troy Mendoza. Hindi niya aaminin niyo kahit kanino, kahit pa sa sarili niya.

Pagdating namin sa camp, halos napanganga kami sa ganda. Halos hindi na namin ma-feel na nasa Pinas kami. Parang nasa Pitch Perfect movie kami. Nasa tabi kami ng isang lake na mayroon mga cabins at may mga activities. Sobrang peaceful ng lugar kahit na rinig ang tawanan ng ibang tao. Kaya pala pinipilit talaga kami ni Mama na pumunta rito at kaya pala tradition na talaga after graduation na mag sign-up dito.

"Kie, tara hanap agad tayong chicks natin dito!" Hinila bigla ni Troy si Marky papunta sa mga kumpulang tao malapit sa malaking puno.

Hindi pa man din sila nakakalayo, dumating na ang Chua sisters. Mukhang nakita agad 'yon ng chick boy ng grupo.

Kaya ba umalis agad si Troy para sa chicks o para makaiwas kay Tiffany?

"Ano ba 'yan si Troy, hindi pa rin ba niya maharap ang sister ko?" Hindi pa man nagsisimula ang Summer Camp, nakataas na agad ang kilay ni Stacey. "Akala ko ba move-on na siya?"

"Bee hayaan mo na, isa pa nandito naman tayo para sa Summer Camp kaya h'wag na natin isipin ang past ni Tiffany at Troy."

Sumang-ayon din si Tiffany sa'kin. Ayokong mailang siya mamaya dahil gusto lahat kami mag-enjoy ngayon. Mamaya kasi, nasa New York na ako next week at wala na kaming time para makapagsama-sama.

Wala rin naman choice si Troy dahil makikita at makikita niya pa rin si Tiffany dahil magiging magka-grupo kami.

"Summer Campers batch 98, line up!" Sigaw ng isang babae na nakasuot ng parang girl's scout uniform pero kulay brown nga lang. "Let's get the party started!"

Isa-isa kaming tumayo sa harap ng main cabin. May walong mukhang fresh graduate din ang nasa harapan namin. Mukhang mga galing sa mayayamang pamilya 'tong mga 'to.

'Yong dalawang babae pa, parang nakataas ang kilay sa amin. Syempre 'yong katabi kong Queen Bee, hindi papatalo.

"Konti na lang, aahitin ko na 'yong kilay ng dalawang blondie na 'to e," bulong sa'kin ni Stacey. "Sabihin mo lang ako bee, ah. Ako ready to fight ako. Wala na tayo sa school, hindi na ako pwedeng ma-expelled."

"H'wag kang mag-alala, akin 'yong sa kanan, sa'yo 'yong sa kaliwa."

Queen Bee's are never afraid. Wala kaming uurungan. That's Candice 2.0. Patay na 'yong inaaping nerdy girl noon. Thanks to my best friend, Stacey.

Sabay kaming ngumisi. Si Tiffany, diretso ang tingin kaya hindi na niya napapansin 'yong nasa paligid niya. Hindi ko kasi alam kung bakit pareho silang pumayag ni Troy na sumama rito.

"For this year's Summer Camp, it's blue versus red!"

Isa-isang ngumisi ang kabilang team, na mukhang Red Team dahil sa kanila inabot ang red flag at sa amin naman ang blue flag.

At 'yong lalaki humawak ng red flag, aba ngumisi at kumindat pa sa akin.

Tinignan ko agad si Jeydon...

Lagot na! naging tigre na ang pusang robot ko.

To be continued...

The Four Bad Boys and Me Special StoryWhere stories live. Discover now