"Bakit ka naman tatakas? Mukha namang masaya ka dyan." napaikot ako ng mata at pilit na hindi magtunog sarkastiko ang dating sa kanya.

[Boring nga e. Hindi rin naman ako iinom ng marami kase ihahatid kita bukas.]

Napakagat ako ng labi ng sabihin niya iyon. Kainis talaga, bakit sa ganoon lang mukhang mapapawi na inis ko sa kanya.

"Ako nalang mag-isa, wala ka namang pasok bukas e. Okay lang na mag-enjoy ka muna dyan."

Ayokong maging selfish kay Kipp. Kung ano talaga gusto niyang gawin, go. Sino ba naman ako para pigilan din siya.

[No. Hindi na nga kita nahatid kanina e --- Kipp! Pota, lasing na lasing na si Peyton!]

Napakunot ang noo ko sa biglang tumawag kay Kipp. Halatang kailangan na siya dun sa loob.

[Tangina, ilayo nyo yung cellphone non! Tatawagan nanaman niya si Annika!] rinig kong sigaw na pabalik ni Kipp.

Wala akong ideya sa nangyayari ngayon doon sa kanila pero sure akong halos lahat ng kasamahan niya mga lasing na dahil kanina pa sila roon.

[Hello, El. Sorry tawag ako ulit mamaya, mga inom kase ng inom tapos mga hindi naman kaya.] bakas sa boses ni Kipp na obligado siyang mag-alaga sa mga kasama niya.

Tumango ako kahit para akong tangang hindi naman niya makikita. "Okay."

[I'll call again, okay?]

Naputol ang tawag niya pagkasabi niya noon kaya napatulala nalang ako sa kisame ng kwarto ko.

Alas otso na rin ng gabi hanggang sa mag alas dose ay wala pa rin ang tawag ni Kipp kaya nakaramdam ako ng konting kaba at inis sa kanya.

Muli kong tinignan ang cellphone ko at wala ni isang message din niya. Napanguso ako at nag type para i-message siya.

To: Kipp Esvega

Matutulog na ko. Don't call. Bukas nalang tayo magkita, be safe.

Kahit labag man sa loob ko ay pinatay ko nalang ang cellphone ko pagka send ko nun sa kanya. Maaga pa ko bukas dahil umaga ang schedule ng pagkuha namin ng toga.

Kinabukasan ay agad kong tinignan ang cellphone ko pero walang reply si Kipp. Pinigilan ko ang sarili ko na i-message ulit siya kung nasan na siya pero ayokong makulitan siya sakin.

Alas otso ang schedule ko ngayong umaga at hinihintay ko nalang si Kipp dito sa bahay.

To: Kipp Esvega

Saan kana? Are you okay?

Tinignan ko ang IG niya pero wala siyang story. Ganon din man sa myday niya sa Facebook. Nag-aalala na tuloy ako sa kanya baka kung napano na siya.

Hindi naman siya ganito dati at ito ang unang beses niyang pumunta sa bar simula ng magkakilala kami.

"Hindi ka pa ba papasok, Elya? Anong oras na, magbya-byahe ka pa." sabi ni Mama ng makita niya kong nandito pa rin sa sala.

Napatingin ako sa relo ko at 7:50am na. Malelate na 'ko. Baka ihuli ako ng adviser namin kung hindi ako aabot sa call time. Ayoko namang hapunin pa ko nyan sa pagkuha lang ng toga.

Gusto kong maluha sa inis kay Kipp dahil hindi siya nagparamdam mula kagabi hanggang ngayong umaga kahit siya na mismo ang nagsabi sakin na ihahatid niya ko. Pero inialis ko yun sa utak ko dahil masyado naman yatang unfair kay Kipp kung ikukulong ko siya sakin kahit wala namang kami.

"Bakit ngayon kalang El? Muntik ka ng i-schedule ni Ma'am mamayang hapon!" Bungad agad sakin ni Kate ng makarating ako sa fitting room.

Nandito na silang lahat at yung iba naming kaklase ay nabigyan na rin ng toga. Na-guilty pa ko kay Kate dahil sabi namin ay magkasabay na kaming pipila dito.

"Buti nalang naniwala agad si Ma'am na nag-CR ka lang." aniya at pinaypayan ang sarili.

"Thank you talaga, Kate." sabi ko at pumila na kasunod niya. Nagpahuli rin kase siya para magsabay kami.

Hiyang-hiya tuloy ako sa kanya.

"Kabog ang toga ng SAA ha, nabigyan ng hustisya ang graduation fee natin." ani Kate ng makalabas na kami.

Natawa lang kami ni Owen sa sinabi niya. Buti nalang walang masyadong nakarinig sa kanya. Pero totoo naman, masyadong mahal ang graduation fee namin mabuti nalang talaga may scholarship ako kaya hindi ganon kabigat kina mama magbayad.

"Kain muna tayo? Lunch na rin naman." Aya samin ni Owen kaya pumayag kami ni Kate.

Nandito lang kami ngayon sa may unli rice malapit sa school. Pwede na kaming maglabas pasok sa school dahil next week naman na ay graduation. Wala na kaming klase kaya hindi na masyadong mahigpit samin ang guard.

"Sisig nalang sakin," sabi ko at tumango na si Owen. Silang dalawa ni Kate ang umoorder ngayon at naiwan ako sa table namin.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya napatingin ako kung ano iyon.

Biglang kumabog ng malakas ang puso ko ng galing kay Kipp iyon.

From: Kipp Esvega

Sorry, El. Na dead batt ako kaya ngayon lang ako nakapag reply. Sorry :(((

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko ng bigla ulit mag text si Kipp.

From: Kipp Esvega

Sorry, hindi kita nahatid. Nandito kami ngayon sa condo ni Trisha, pauwi na rin ako. I'll meet you in school El. Sorry :(((

May kung anong dumaan na sakit sa puso ko ng mabasa kong nandoon siya sa condo ni Trisha. Bakit? Hindi ba nasa bar lang sila kagabi at sabi niya uuwi rin siya?

Kahit kating-kati na ang mga daliri kong replyan siya para itanong ang mga iyon pero pinigilan ko nalang.

Ayokong mangialam sa buhay ni Kipp. Pero gusto kong malaman lahat ng tungkol sa kanya. Kung anong ginagawa niya, kung nasaan siya. Lahat.

Pero anong karapatan ko para alamin lahat ng yon?

Gusto namin ang isa't isa, pero hanggang ngayon, hindi ko alam ang parte ko sa buhay niya. 

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now