Unti-unting nawawala ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi ng mama niya. Fiance? Bakit parang nasaksak ng pana ang puso ko ng marinig ko yun, sa mama niya pa talaga. Ito na ba ang sinasabi ng mag-pinsan? Maluluha na sana ako ng may biglang nagsalita.

"Mama, don't be rude. Hi! I'm Rejoice, Raowaqin older sister." Nilahad pa niya ang kamay niya sa akin.

"Mariella." Sabi ko at tinanggap ang kamay niya.

"Finally! It's nice to meet you Mariella! Come I cook a chicken adobo, that's your favorite, right? Rao told me." Nagulat ako sa sinabi ni Rejoice. Ganun sila ka-close na mag-kapatid nai-kwekwento pa ako.

"Ate!" suway ni Rao.

" Uh, opo." sagot ko nalang dahil hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kaniya.

"Call me ate, ate Rej, ate Rejoice. What ever you wanted, basta't ate ang itawag mo sa akin."

"Sige, ate." Ako.

"Good. Kain na tayo, nadasalan ko na ito kanina." Sabi ni ate Rej.

"Excuse me. I've lost my appetite." Sabi ng Mama niya at umalis sa hapag.

"Ah, Marie! tara kain na tayo. Hayaan mo na si mama tumatanda na kasi." Alo ni Ate Rej sa akin.

Tumango nalang ako at sinimulang kumain.

"Are you okay?" Bulong ni Rao sa akin.

"Yeah."

"Ehem-ehem," Parinig ni ate Rej at sabay kaming nagtawanang tatlo.

"Wag kasi kayong ganiyan, tatayo na nga lang. Pinapainggit niyo pa ako." Sabi ni Ate Rej.

Masaya naming tinapos ang tanghalian. Puro tawa, at lagi akong tinatanong ni Rao kung ayus lang ba ako at lagi ko naman siyang sinasagot ng Oo.

"Excuse me ah, Rao ikaw nang bahala kay Marie. Sorry guys my duty kasi ako." Malungkot na sabi ni Ate Rej nang nasa sala na nila kami.

"It's nice to meet you Mariella, hope to see you again." Pag-papaalam niya at nagulat ako ng nakipag-besohan pa siya at niyakap ako bago lumapit kay Rao at may binulong at umalis ng tuluyan.

"So, how's my love?" Rao ask me again.

"Fine." Sagot ko nasa tv parin ang tingin dahil pinapanood namin ay 'Valerian and the City of a thousand planets' Favorite ko pa naman yun.

Napabaling ako kay Rao nang nilipat niya ang tv.

"Rao!" suway ko.

"Your not listening to me." Parang batang sabi niya.

"Rao naman eh! tatakas na sila!" Sabi ko at nakipag-agaw sa remote.

"No." Sabi niya at tinaas pa niya ang remote.

Pinilit kung inabot ang remote at tumayo siyang natatawa para mas lalo ko itong di maabot pero tumalon talon ako para maabot ko parin ng bigla akong na-out of balance kaya naman naitulak ko si Rao upang makahiga sa sofa nila at nakapatong ako sa kaniya.

Nagulat ako sa nangyare, ganun din ata si Rao kaya hindi maka-react at tinitigan lang ako. Pinagsamantala ko ang pag-kakataon, mukang nanghihina din siya.

Ngumiti ako at inagaw ko ang remote sa kamay niya, pinaubaya niya naman agad. "Got it!" Sabi ko at umupo ng maayos.

Nilipat ko na agad at nanahimik ng umupo sa tabi niya upang makanood. Tumahimik ata siya? Binalingan ko siya at malayo ang tingin niya. Natawa ako ng may mapansin sa bandang baba.

"Rao, are you okay?" Tanong kung natatawa.

Unti unti niya akong binalingan. "Yeah, just don't do that again."

This Is What I'm Praying ForWhere stories live. Discover now