"Tense?"

"Nervous." I chuckled.

Saktong 4 pm nang umalis na siya. Syempre masasayang ang ticket na ibinigay ko sa kaniya kung dito siya sa backstage manonood. 4:20 ang first performance kaya kinalma ko muna ang sarili ko habang nakaharap sa salamin. Saktong nag-ring ang phone ko kaya binuksan ko 'yon agad.

Napangiti ako nang makita ang pinost ni Asher sa IG. It was me in the rehearsal a while ago, me when I'm eating like a pig, me when the stylist did my make-up and me when stretching at the hallway. Hindi ko man lang napansin na pinipicturan niya pala ako kanina.

Goodluck.

Iyon lang ang caption pero umabot na agad ng isang libo ang likes. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang comments nina Siam, Chiro, Haines, Royalty, Eagan, at Avia.

-----

siam99: awe, sanaol sinabihang tuloy
Ichurboy_BRZ: date ba dis?
Ur_haines: hala di nagsabi, ss mga ssob
royaltyrone: move on is the key
kaibeagan_mo: gbu mbtc
ilaviasomuch: so sweet,, pero sana sinabihan niyo kami!!

-----

Nasapo ko na lang ang noo ko. Hindi ko nga pala sila sinabihan na itutuloy ko ang performance ngayon. AT na-misinterpret pa nila ang post!

Narinig ko na ang pagtawag sa grupo namin kaya dali-dali na akong lumabas.

Huminga ako nang malalim bago ngumiti nang masigla. Ipinapangako kong magiging successful ang performance namin ngayon. Hindi ko bibiguin ang mga kasamahan kong pinagkatiwalaan ako kahit pa alam nila ang kalagayan ng paa ko.

"Let's do this!" Sir Jerome cheered us up.

"Kami lang sir, panonoorin mo lang naman kami." Biro ng isa kong kasamahan kaya sabay-sabay kaming natawa.

Unti-unti nang bumukas ang kurtina kaya sumeryoso na ulit kami. Gamit ang natitirang oras ay hinanap ko si Asher sa audience. Ganon na lang ang gulat ko nang makitang katabi niya sila Siam. Even Heather, Dad, Tita Ice and Ishmael, magkakatabi sila.

They gave me fighting gesture except Ishmael who's just looking at my direction. Napalunok ako at mabilis na nag-iwas ng tingin.

Fuck, I didn't expect them to be here!

'Wag kang map-pressure, Caid. Take it easy. Just show them what you've got!

Nang magsimula na ang music ay sinimulan na namin ang first routine. Walang humpay ang pagngiti ko habang sinasabayan ang saliw ng musika.

Hanggang sa natapos namin iyon nang walang kahit anong mali. Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa dahil hindi bumigay ang mga paa ko. Natapos ko ang performance na ako pa rin ang main dancer.

I'm so proud of myself.

"Caidence, solo performance. Kaya?" Nilapitan ako bigla ni Sir Jerome.

"S-Solo, sir? Akala ko isang beses lang—"

"Someone's suggesting. Popondohan niya ang dance studio kapag sumayaw ka mag-isa."

Gusto kong matuwa pero hindi ko napigilang kabahan dahil doon. Hindi ako prepared although may alam akong sayawin na lagi kong pinapractice mag-isa.

"S-Sige sir. I'll do my best." Pumayag na rin naman ako. If para lang din sa studio, handa kong gawin ang lahat ng makakaya ko.

'Wag lang sana bumigay bigla ang mga paa ko.

"Great! Now, prepare yourself. After 20 minutes ay tatawagin ka na."

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now