[ 35 ] Vendetta's Mask

Start from the beginning
                                    

Oo nga pala, nakalimutan ko. Malapit na ang school festival. Oh well, I guess I will still not going to participate this year. I hate crowded places, it makes me anxious.

"Talaga? Like may mga booths and games na magaganap?"

"Exactly that, three days gaganapin school festival."

"They call it Gaiety Fete."

"Okay ka na ba talaga?" Marahan na lumingon ang ulo ko sa katabi ko. I see, she's still worried. Tumango namn ako bilang sagot. She don't have to worry always about me, kaya ko naman tumayo ng mag-isa.

"Wala na bang may sakit sayo?" Bulong niya, umiling ako agad.

"I'm fine Kylie, don't worry." Hindi na siya kumibo pa at nakinig nalang kaming dalawa sa usapan ng iba.

"Then we should plan kung anong theme natin,"

"Depende 'yon sa kung anong concept ang pinaplano nila ngayon which is ia-announce nila yata this week."

"I think the same pa rin dahil last year gano'n pa rin eh."

Nung matapos kaming kumain sa caf ay umalis kami agad do'n at bumalik na sa classroom. They're all talking about the upcoming school fest, pati ko mga classmates ko nakikipagchika na rin sa kanila.

Sorry but I don't like festivals. Crowded places are my weakness. I would rather be alone than to force myself on to something that I don't like.

But my friends are going to be there. Lahat sila ay present, ako lang ang absent. Gano'n naman talaga ang nangyayari kahit noon pa man, ako lang palagi ang wala.

But now that I have them, nagdadalawang isip ako kung dadalo ako o hindi. Lalo na si Kylie, baka pipilitin niya ako kung hihindi ako sa kanila.

"Psst," kahit naka-earphones ako ay rinig ko pa rin kung sino man ang sumitsit. Lilingon na sana ako pero pumunta na siya sa harap ko, kinuha ang upuan sa unahang desk saka umupo sa harap ng desk ko.

Kinuha ko naman ang earphones ko sa tenga. "Ang loner mo talaga Ro," nagkibit balikat lang ako.

"Halos lahat excited na expression ang makikita mo dito, ikaw lang ang hindi."

"I don't like festivals." Simpleng tugon ko.

"You don't like crowds huh?" Tumango ako.

"But I guess, hindi papayag si Kylie na hindi ka pupunta." I bet but it's still a no. I guess magmumukmok na lang ako sa kwarto ko sa araw ng festival.

"Nah, they have all the help they need to design this place."

"Hayaan mo sila, kailangan ka namin sa araw ng school fest Ro." Bumuntong hininga ako.

"I'm sorry Mev," I heard him chuckled.

"Hindi na talaga magbabago isip mo once you made your decision." Napakagat ako ng labi. Sa totoo lang, nakokonsensya ako sa sinagot ko sa kanya. But that won't change my mind, I stand for my words and marks them.

Afterall, they don't need this kind of freak to help them.

. . . .

Blangko ang mukha ko habang tinititigan ang kisame. Nakahiga ako ngayon sa kama na parang patay na nasa kabaong ang postura. Hindi ko alam kung ilang oras na akong ganito.

Ngayon na ang school fest and just like what I said, I didn't participate. Nagmumukmok ako ngayon dito, wala pa si ate at sa hapon pa siya makakauwi kaya solo ko ngayon ang apartment.

Parang may bumubulong sakin na dapat akong pumunta sa school but I don't want to ruin their festive classroom. I bet the theme they chose was still the theme we did just like last year.

Peculiarity In Her Eyes Where stories live. Discover now