[ 35 ] Vendetta's Mask

Start from the beginning
                                    

Hindi ko alam kung panaginip pa ba ito. Kylie never says these things about me. Kaya ba pinapaginipan ko ito para masabi niya ang totoong nararamdaman niya para sakin through a dream?

Crying without a voice is the worst feeling.

Huminto ako sa pag-iyak at dahan-dahan na tumingala nung unti-unti kong maramdaman na umiitim ang paligid. I gasped as I saw a black shadow at her back, it's a human figure pero pinapalibutan siya ng itim na aura.

Natataranta akong tumingin sa paligid, hindi ko mapigilan na makaramdam ng takot nung masaksihan kong bigla dumami si Kylie. Pumapabilog siya sakin habang nakayuko pa rin siya.

"I want you to be dead." Agad akong nangilabot nung sinambit ito ng totoong Kylie habang nasa likod niya pa rin ang isang itim na pigura ng tao. Palinga-linga ako sa paligid dahil bigla nagsalita silang lahat.

"Garbage,"

"Freak,"

"Monster,"

"A trash,"

"You're a miscreation in this world."

"Why did you even live?"

Ilan lang 'yan sa narinig kong sinabi mula sa kanya. Ang sakit, lalo na mula ito sa kanya. Kahit na panaginip lang ito ay nakakaramdman ako ng sakit. Dahil hindi ko na kaya pa itimpi ang nararamdaman ko ay sumigaw ako, malakas na sumigaw.

I immediately gasped as I sat up, unending panting and breathing hard like I was hyperventilating. Agad kong hinawakan ang dibdib ko saka ito pinisil. Ang sakit, para itong gustong lumabas sa sobrang lakas ng pagpintig.

Dahil gising na ako, tumingin ako sa paligid. What? Why am I in infirmary? What the heck happened to me?

Bigla kumirot ang ulo ko kaya naman napahawak ako dito. Bumangon ako at pupunta na sana sa cr ng mapatigil ako.

"Oh you're awake now," nilingon ko siya at nakitang papalapit siya sakin.

"Mabuti naman at gising ka na. Umalis ako saglit para bumili ng pagkain sa caf. Kumain ka mu- woah."

Walang pag-alinlangan ko siyang niyakap ng mahigpit. Alam kong magtataka siya kung bakit ganito ngayon ang kinikilos ko pero wala akong pakialam.

"Rosel, okay ka na ba talaga?" Humiwalay ako na nakatungo ang ulo. Gusto ko sabihin na hindi pero ayaw ko siyang mag-alala pa kaya naman tumango nalang ako.

"I'm sorry Kylie," pagpapaumanhin ko. Please, don't, wag kang babagsak.

"Saan? Dahil ba sa nahimatay ka bigla kanina? No prob 'no! Alangan naman kasi hahayaan ka nalang namin do'n sa caf nakahiga sa sahig?" She laugh at the end of her sentence but I was just quiet.

So that's why I'm here, I fainted which is I don't why. Humigpit bigla ang hawak ko sa magkabilang balikat niya. Wala na, tuluyan na nga silang bumagsak. Napaluhod ako dahil parang bigla kinuha ang lakas ko.

"I'm sorry," I said between my cries. She then hugged me.

"Shhh, it's okay Rosella. Nandito lang ako palagi sayo. You can always cry on my shoulder." She calmly said while gently stroking my hair. Dahil hindi pa ang sapat ay mas lalo pa akong umiyak.

. . . .

"Aren't you excited guys?"

"Not really, every year nagaganap naman ito eh."

"Yeah, baka same pa rin ang theme natin ngayon katulad last year."

"What do you guys mean?"

"Their talking about the upcoming school festival, Iro."

Peculiarity In Her Eyes Where stories live. Discover now