Chapter Two

525 21 1
                                    

Aiden Kho POV

Nakapout ako habang nakatingin sa sarili kong repleksiyon sa salamin.

Sobrang laki talaga niya at halos kainin ang kabuuhan ko. Imagine umabot siya hanggang kalahati ng hita ko.

Ganun ako kaliit.

At hindi ako sanay. Mas prefer ko pa ang mag jogging pants kesa dito.

Para akong walang pang-ibaba.

Siguradong matinding sermon na naman ang abot ko dito kung sakaling makita man ito ni Kuya. Ang istrikto pa naman nun at sobrang nakakatakot pag nagagalit.

Parang Leon na handang manglapa.

Pero no choice ako. Kaya lumabas nalang ako ng CR at nakayukong naglakad pabalik sa field.

"Tanginang katawan yan!"

"Kinis ng hita mga pre"

"Tinitigasan ako, ugh!"

"Shit pre, ganda talaga."

"Bakit ang ganda niya, hmppp!"

"Tao pa ba yan?! Ang unfair!"

"Sanaol, sexy."

Mas napayuko ako sa narinig kong komento ng mga kaklase. Kelangan ba talagang ganito ang itsura ko.

I mean. Normal lang naman tingnan pag sa mga kaklase kong lalaki pero ba't pag sakin hindi!

Binalewala ko nalang ang mga naiisip ko at lumapit nalang saking bestfriend na nakangiting aso.

"Taray bakla! Iba talaga nu pag pang-dyosa ang ganda! Ang bilis makahatak ng mga wafu!!!" Bungad nito sakin at sinuri ang kabuuhan ko.

Nagulat naman ako ng bigla itong tumili.

"Aaiiiii!!! Grabe ang sexy mo bakla! Bagay sayo tong P.E! Babaeng-babae ka talagang tingnan kahit wala kang suso!" Nanlalaking mata ko naman itong tiningnan.

Napakabulgar!

"H-hoy! Manahimik ka nga diyan! Kababae mong tao ang dumi nang bunganga mo!" Nahihiyang bulong ko.

"Nu kaba! Totoo naman eh!" Hirit ulit nito kaya pinanlakihan ko nalang ito ng mata.


Natapos ang P.E namin at kasalukuyan kaming nasa loob ng Classroom para sa next subject namin.

As usual sobrang ingay at sobrang gulo.

Yung tipong hindi mo maiisip na isang private school tong pinapasukan ko dahil daig pa nang mga taong kalye ang mga kasama ko ngayon.

Haaayy...mga estudyante nga naman.

Ngunit hindi parin talaga maalis sa isip ko ang nangyari kanina.

Si Sir.

Ewan ko ba kung bakit ganun kasi napapansin ko ang madalas na pagtingin, niya pag nuhuhuli ko naman siyang nakatingin nginingitian lang ako.

Ang creepy alam niyo ba yun?

Pero hindi yun ang inaalala ko.

Mas nag-aalala ako kung pano ako magpapaliwanag paguwi ako sa bahay.

Pinayagan na kasi ako ni Clint kahapon na makauwi, ng magkausap kami basta daw wag akong gagawa ng ikagagalit niya.

Pakialam ko ba?

Kung hindi ba kasi siyang kalahating baliw. E di sana hindi ako ganito kaproblemado ngayon. Nakakabweset.

Pano na ngayon?

Meeting Hell (BxB)Where stories live. Discover now