Chapter One

748 27 1
                                    


Aiden Kho POV

"Wag na wag kang gagawa ng ikapapahamak, mo dahil sa oras na malaman kong gumawa ka ng isang bagay na ikagagalit ko.... Malilintikan ka talaga sakin. Remember, akin ka na! Kaya sakin kalang susunod" Banta nito habang mahigpit na nakahawak sa aking braso bago pasalya akong binitawan.

Hindi nalang ako umimik at nanatili lang na nakayuko.

I try my best to hold back my tears, para ipakita sa kanyang matatag ako. But I can't. Masyado akong mahina sa mga gantong bagay. Kaya kusa nalang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan at napahagulhol.

"Bilisan mo na diyan. Aalis na tayo. Psh, dramas." Palatak nito at nauna nang maglakad.

Inaayos ko muna ang sarili ko bago napagdesisiyunang sumunod. At nang masiguradong ayos na Ang itsura ko ay dun ko lang napagdesisiyunang humakbang.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang mailang Lalo na't kasama siya.

Ayokong isipin niyang apektado ako sa presensya niya kaya napagdesisiyunang ko nalang tumingin sa labas ng bintana para mabaling ang atensyon ko sa iba.

"Ehem." Tikhim ng kasama ko na nagbigay pansin sakin pero hindi ko siya nilingon.

"Aiden." Monotone niyang tawag sakin pero nanatili parin akong nakatalikod sa kanya.

"Aiden!" Pigil na sigaw nito kaya kahit labag sa kalooban ko ay pinilit ko siyang lingunin at dun sumalubong sakin ang kanyang nagbabagang mga mata.

At labis ang gulat ko ng marahas ako nitong hinaklit palapit sa kanya at tiningnan ng masama habang patuloy parin sa pagmamaneho.

"Pagtinawag kita! Matuto kang lumingon. MALIWANAG!" Galit na anas nito pero mas nanaig sakin ang takot na maaksidente dahil hindi ito natingin sa daan.

"C-clint, m-mababangga t-tayo." Utal kong sabi dito pero marahas lang ako nitong binitawan at nagbalik na sa pagmamaneho.

Tiningnan ko naman ang parte ng hinawakan niya at halos bumakat ang kamay niya dahil sa sobrang pula.

"Nandito na tayo." Sabi niya kaya agad akong sumulyap sa labas.

Nandito na nga kami. Hindi ko namalayan

Agad ko nang tinanggal ang seat belt ko at tangkang bababa Nako ng may kamay na pumigil sakin bago ako hatakin.

At naramdaman ko nalang ang malambot na bagay na nakadampi sa labi ko.

Hinalikan niya ko.

Pero hindi din nagtagal ay bumitaw na ito. Kaya agad akong napahawak sa labi ko at di makapaniwalang tumingin sa kanya.

My first kiss....it's gone

"Mag ingat ka." Malumanay na sabi nito bago ako halikan naman sa nuo.

Gusto kong magwala sa galit.
Gusto ko syang sampalin nang napakalakas dahil sa pagnanakaw ng unang halik ko pero alam kong ako lang din ang maghihirap sa huli.

Dahil sa tatlong araw na pagkulong niya sakin ay Nakita ko kung gano kahalang ang bituka niya. Mapang abuso mapanakit kaya parang hinain ko narin ang sarili ko sa Leon kaya kung gawin ko man ang binabalak ko kayax napagdesisyunan ko nalang na tahimik na bumuba ng sasakyan.

Pagkababa ko ay wala akong lingon-lingon na naglakad palayo bago tuluyang pumasok sa pinakagate ng eskwelahan.



Ako nga pala si Aiden Kho. 4th year highschool. Isang gay. Ulila na ako simula pagkabata. Ewan ko kung nasan ang mga totoong magulang ko dahil binigay lang naman ako ng isang pulubing nakakita din sakin sa kinagigisnan kong Ina ngayon. Si nanay Milda. Mabait siya pero ang mga anak niya, hindi. Lagi nila akong inaaway lalo na si Ate Kate. Ginagawa akong katulong, kung utusan at mas lalo siyang nagalit nung makita niya akong nilalandi ng Ex niya. Nagalit siya kesyo daw inakit ko. Kasalanan ko bang ganun yung Ex niya? Eh hindi ko nga pinapansin yun tapos ang kulit-kulit nagpupumilit tumulong sa paghugas, kaya ko naman! At yun nahuli! Ako yung lumalabas na masama. Mabuti nalang nandyan si Nanay para ipagtanggol ako. Kaya love na love ko siya.

Meeting Hell (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon