"Let me start the meeting." Seryosong sabi ni Eagan.

Naiintindihan ko siya, maski ako, kung pinsan ko ang nabaril sa loob ng bulok na bahay na 'yon, hindi ko magagawang magbiro ngayon.

"Kylho Dee, Maeve Santos, Rosalie Cruz, at 'yong babaeng hinostage kanina na si Crystal Kim, they're all somehow connected to us... to Haines, Caidence, and Royalty. Napapansin niyo ba?"

Napatango kaming lahat maliban kay Ishmael at Asher na sinlalim ng balon ang iniisip.

"So I therefore conclude na ang nagbibigay ng ciphers sa atin at ang killer na pumatay sa kanilang apat ay iisa lang." Walang pag-aalinlangang dagdag niya.

"I also told that to Ate Caid kanina bago ko tawagan si Kuya Asher and parehas kayo ng conclusion." Singit ni Royalty.

"Hindi pa rin natin sigurado kung iisang tao lang ba ang nasa likod ng pagbaril kina Kylho Dee, Maeve Santos at Rosalie Cruz pero siguradong ang nagbibigay sa atin ng ciphers at ang pumatay kay Crystal Kim ay iisa." Asher explained, nakakapanibago talaga kapag ganito siya kahaba magsalita.

"Teka nga, ano bang koneksyon ng Crystal Kim na 'yan sa atin?" Naguguluhang tanong ni Chiro.

"Siya 'yong babaeng nakasagutan ni Caidence kaninang umaga." Asher answered.

"Iyon ba 'yong long story na tinutukoy niya?" Avia asked. Tumango naman si Asher.

"It only means one thing..." Sabay-sabay kaming napatingin kay Ishmael.

"What do you mean?" Eagan asked.

Imbes na magsalita ay nagtipa si Ishmael sa phone niya. Anak ng! Ngayon niya pa talaga naisipang mag-text?! Nagme-meeting kami rito—

Bigla na lang tumunog ang mga phone namin. As in sabay-sabay!

-----

Ishmael Fier: The killer's watching us.

-----

"What?!" Royalty exclaimed. Sinamaan naman siya ng tingin ni Siam.

"Sige, mag-ingay ka pa. Baka barilin ka riyan bigla." Pabulong nitong asik.

Pairap siyang bumusangot atsaka nagtipa ng mensahe.

-----

Royalty: Omg. Where?

Killian Asher: Don't look around.

Avianna: This is creeping me out!

Grey Eagan: Act normal guys.

----

Naglabas bigla ng papel at ballpen si Asher. Ni hindi ko nga alam kung saan galing 'yan. May sinulat siya at ilang saglit pa ay pinakita niya sa amin isa-isa.

"Your time is yet to stop." I whispered. Iyon ang nakasulat sa papel.

"Na-solve ko na 'yong last cipher. Two layered ang ginamit kaya medyo nahirapan ako." Asher shrugged, medyo nagyayabang.

Oh well, tatay niya lang naman si Tito Flame. Hindi niya maitatago ang pagiging mayabang dahil nasa dugo na nila 'yon.

"What kind of cipher?" Royalty asked.

"He used keyboard cipher first and then he changed it to caesar cipher. Two layered cipher ang tawag sa style na 'yon." He explained.

"Cool." Avia murmured.

"Si Asher?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"'Yong killer, stupid."

Tumawa na lang ako atsaka pasimpleng lumingon habang nag-iinat.

"Inaantok na 'ko, ayaw niyo pang umuwi?" Tanong ko sa kanila.

"Go home if you want. Wala ka namang dulot dito." Asik ni Royalty.

"Hindi lang nagc-conclude, wala nang dulot?" I laughed in sarcasm. "Pasalamat ka, cute ka." Dagdag ko pa.

"Shut up, gurang." Irap niya sakin.

"Stop dissing each other. Focus on the topic." Saway sa amin ni Avia.

Napailing na lang ako atsaka nagtipa ng mensahe.

-----

You: Table 6, don't look.

-----

Sabay-sabay silang napatingin sa akin. Nagkibit balikat na lang ako atsaka ininom ang kape ni Asher.

"I knew it. Akala ko ay ako lang ang nakapansin." Ani Eagan sa pinakakalmadong paraan.

"Should we go now?" Kinakabahang bulong ni Siam.

"Let's go in pair." Sambit ni Asher atsaka nagtipa.

-----

Killian Asher: R & H, A & E, S & C, I & Me.

-----

Tuluyan na akong natawa matapos basahin ang mensahe. "I love you, 'tol." Tinapik ko pa siya sa balikat atsaka humarap kay Royalty. "Tara na, mahal na reyna." I smirked.

"Tss. Kung hindi lang 'to importante, sinipa na kita." Bulong niya atsaka pumaunang naglakad.

Sinundan ko siya at inakbayan.

"He's watching." Bulong ko.

Halatang bigla siyang kinabahan dahil mas bumilis ang lakad niya. Tumawa na lamang ako atsaka kami sumakay ng elevator. Inilabas ko ang phone ko atsaka muling nagtipa.

-----

You: Should I tell this to my Dad?

You: He can help us.

Killian Asher: Better.

Ishmael Fier: Not now.

Royalty: Why???!!!

Avianna: Baka dumami pa ang victims niya.

Alera Siamer: Or else, tayo na.

Grey Eagan: Let's meet again tom

Ichiro Breeze: Right. He's looking.

Avianna: I wanna teleport now. I wish i could.

You: Okay, fine. Ingat kayo.


//.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now