She started pushing the girl on the shoulder like what the girl did to her a while ago.

"Kanina pa ako nagtitimpi. Masyado kang pa-victim. Sino bang nag-overtake bigla? 'Di ba, ikaw? Ano naman kung may boyfriend kang magtatanggol sa 'yo? I don't fucking care! Kaya kitang ipa-ban dito sa buong Pilipinas kung gugustuhin ko kaya 'wag mo akong niyayabangan, naiintindihan mo?"

"Don't touch me!" Tinampal niya ang kamay ni Caidence atsaka umatras nang bahagya. "Ikaw na nga ang may atraso, ikaw pa ang may ganang mangganiyan! Hindi mo ba kilala kung sino ako?!"

"Ikaw? Kilala mo ba kung sino ako?"

"Hindi! Sino ka ba?!"

"Ako si Caidence." Barumbado nitong sagot. "Ikaw?"

Napabuntong hininga na lang ako. Caidence was born in this manner. I'm sure ito rin ang turo sa kaniya ni Tito Aiden. 'Wag na 'wag magpapaapak kahit kanino.

"Bakit gusto mong malaman?!"

"Okay lang na hindi, sigurado naman akong gasgas din ang pangalan mo—"

"BITCH!" Sasampalin niya na sana si Caidence nang hulihin ko ang kamay niya.

"Enough." Mariin kong wika, nagpipigil na rin. "Here. Take this and leave. I don't want to see your face here in MY village again." Inilagay ko sa kamay niya ang black card ko.

"Your village? This HeliXa Village? Helix ka?"

"Yes. You heard it right. Now leave. Get your face out of my sight." Pagtataboy ko sa kaniya.

Sinamaan niya muna ng tingin si Caidence na nasa likod ko bago tuluyang umalis. Nasapo ko na lang ang noo ko nang makalayo na siya.

"Are you alright?" I asked her.

"No. It was just—ugh! Dapat sinipa ko siya kanina. Damn her."

I hissed. See? Mabuti nga at nam-manage niya ang anger issues niya dahil kung hindi, baka araw-araw na madagdagan ang mga kaaway niya rito sa mundo.

Inaya ko na siyang umalis dahil mal-late na kami sa oras ng usapan. Si Ishmael pa naman ang nag-set ng time kaya dapat ay sumunod lahat. Nagprisinta na akong magmaneho dahil baka kung ano pang mangyari sa amin kapag nag-drive siyang badtrip.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Avia ay naabutan pa namin si Ishmael sa labas. Pumasok din naman siya nang makababa na kami ng kotse.

"Mukha ka naman kasing demonyo! Lalo na kapag pumupula 'yang mata mo!"

"Alam mo, Eagan. Isa kang malaking epal!"

"Oo nga, epal. Mukha kayang anghel si Siam."

"See? Buti pa si Chiro, malinaw ang mata—"

"Kapag nakapikit."

"Chirooooo!!!!"

At naghabulan na nga sila na parang mga bata.

"What took you so long?" Baling sa amin ni Avia nang makita niya kaming pumasok.

Halata sa mukha niya ang stress at pagkabahala.

"Long story." Sagot ni Caidence at naupo na sa sofa. Dumiretso naman ako sa couch malapit kay Haines.

"Ikaw, ah! Ba't sabay kayo?" Mapanuyang bulong niya sa akin.

"Shut up, pedo." Pagpapatahimik ko sa kaniya.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now