"Hey baby." Unang sumagot si Eagan.

"Can you come here?" Nanginginig ang boses kong tanong.

"Ha? Bakit? May nangyari ba sa 'yo?" Tanong niya rin.

"Yow pipol!" It was Chiro.

"Guys! This is important. Someone left a dead cat outside my house!" I exclaimed.

"What?!" Sabay nilang asik.

"Just get your asses here! I can sense something wrong about this." And then I ended the call.

Ilang minuto lang ay nakarating na agad sina Eagan at Chiro. Ipinakita ko ang patay na pusa sa kanila at ang mga loko, mas natakot pa sa 'kin.

"Sinong naglagay niyan sa labas?" Chiro asked while covering his nose.

"I don't know pero malakas ang kutob ko na sinadya 'yang ilagay pagkaalis nina Mom and Dad." I explained.

"Ilibing na natin." Eagan suggested.

"Yeah, great idea. Parang ilang araw na 'yang patay, e." I agreed, bulok na kasi talaga ang amoy.

"May nadaanan akong bakanteng lote malapit dito, let's go." Akmang mangunguna na siya sa paglabas nang higitin ko ang damit niya.

"Buhatin mo 'to." Aniko sabay turo sa kahon.

"Bakit ako? Sobrang baho kaya!" Parang bata niyang reklamo, napakaarte.

Inirapan ko siya at sumulyap kay Eagan. Ang loko, pasimple na palang tumatakas. Nang magtama ang mga mata namin ay ilang siyang tumawa at bumalik sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin at inismiran.

"Kayong dalawa ang magbuhat! Bilis!" Sigaw ko at dali-dali naman silang sumunod.

Narinig ko pa ang mahina nilang reklamo at nang lingunin ko sila ay agad silang nagsipag-iwas ng tingin.

"Ang ganda ng panahon 'no, Chiro?" Kunyaring usap ni Eagan sa katabi.

"Oo nga, e. Sino kayang siraulo ang nag-iwan nito sa labas?" Parang tangang sagot naman nito.

Napailing na lang ako. Bakit ba kasi sila ang unang sumagot sa tawag ko?

Nang makarating kami sa bakanteng lote malapit sa playground, naghukay agad si Eagan. Tinulungan na rin siya ni Chiro para mas mapabilis kami.

Bubuhatin na sana nila ang patay na pusa gamit 'yong newspaper sa ilalim nang sumigaw ako.

"Anak ng! Nanggugulat ka naman, Avia!" Asik ni Chiro.

"May nakasulat..." Turo ko sa ilalim ng karton.

"Ha? Saan?" Binuhat nila nang tuluyan paalis ng karton ang pusa and there, they saw it.

"CWH?" Eagan murmured.

"Ishmael needs to know this." Aniko atsaka iyon kinuhaan ng litrato. "Oh shit, wrong send." Hindi ko napansin na sa group chat ko pala iyon nasend.

Huli na para burahin ko pa 'yon dahil na-seen na agad nina Caid, Royalty, Siam, at Asher.

-----

Caidence Inaya: What the heck.

Alera Siamer: That's gross!

Royalty: Is that a real blood?!

Killian Asher: Where did it came from?

-----

Hindi ko na muna sila sinagot, tinawagan ko agad si Ishmael para malaman niya.

"Oh." Bungad niya sa akin. Wala talaga silang pinagkaiba ni Caidence kapag sumasagot ng tawag, parang laging may kaaway.

"Mag-seen ka sa gc! Now na!" And then I ended the call.

Kung bakit ba kasi lagi siyang ilag kay Caidence. Napaghahalataan, e.

-----

Killian Asher: Hitman cipher

Caidence Inaya: Cipher? I got one too but diff

Royalty: You received a cipher? Me also!

Alera Siamer: Pinagsasabi niyo? Anong cipher?

Ishmael Fier: Avia's house. 10 am.

-----

Inilibing na namin 'yong pusa at itinapon na rin namin 'yong karton. Na-picturan ko na rin naman, okay na 'to.

"Buti na lang talaga at nagpuyat ako kagabi para mag-aral. I'll consider this as my free time." Ani Eagan nang makabalik na kami sa bahay.

"Sino naman kayang nag-iwan nun sa labas? Kanina ko pa talaga iniisip. May kaaway ka ba? Or si Tito Sawyer? Or si Tita Ivy?" Chiro asked habang nag-iisip nang malalim.

"Wala... wala kaming kaaway."

***

Siam's POV

"One hundred sixty-three pesos po, ma'am."

Inabutan ko ng tumatagingting na limang daan ang lalaking cashier. Inayos ko naman na ang plastic ng mga pinamili ko. Marshmallow, chuckie, pringles, chocolates and more of my favorites.

"I received five hundred pesos ma'am—"

"Keep the change." Aniko bago naglakad palabas.

Laking gulat ko nang may humila sa suot kong sling bag. Hinigit ko iyon pabalik dala ng adrenaline rush.

My gosh! Ang aga-aga, may gumagalang magnanakaw!

"Ibigay mo sa akin ang bag mo!" Sigaw niya.

"This is more valuable than your life so no way!" Sigaw ko rin atsaka iyon hinigit nang mas malakas.

Mabuti na lang at hindi ako fan ng fake brands kaya matibay ang sling bag ko.

"Aba't lumalaban ka pa, ah!" Bigla siyang naglabas ng pocket knife.

Oh, no! Bigla niya akong sinugod! Pinigilan ko agad ang kamay niyang may hawak na kutsilyo atsaka siya tinignan nang masama. Ilang segundo lang ay napasigaw na siya sa sakit.

"AHH! Bitawan mo ako! Demonyo!" He shouted right in front of my face. Good thing at may scarf na nakatakip sa kalahati ng kaniyang mukha kaya hindi ko naamoy ang hininga niya. 

And what?! Demonyo?! Ako pa talaga ang demonyo?! Siya nga 'tong magnanakaw!

"You wanna see hell? Dadalhin kita ron dahil doon ka nababagay!" Inis kong bulyaw atsaka siya pabatong binitawan.

Natumba siya sa lupa habang hawak pa rin ang namumula niyang palapulsuhan. Sinipa ko naman palayo ang pocket knife niyang nahulog kanina.

"Demonyo! Demonyo ka!" Sigaw niya na naman habang nakaturo sa mukha ko kaya inis akong napapikit.

"Look, stupid thief. Kasing-level ng ganda ko ang mga anghel. Anong pinagsasabi mo riyan?" Nginiwian ko siya atsaka inirapan.

Makaalis na nga lang, badtrip! Ang aga-aga, sira na agad ang araw ko.

Pasakay na sana ako ng kotse nang makakita ako ng papel na nakadikit sa windshield. Inis ko iyong kinuha at binasa.

W3Fr W3Sn

Sino ba ang siraulong nagpapadala sa akin nito? Nambu-bwisit ba siya? Goal ba ng mundong sirain ang araw ko today? Kasi kung oo, mission accomplished na. Sirang sira na ang araw ko kaysa sa pag-iisip ni Chiro.

//.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now