"Don't worry, tapos na kami kanina pa. Nag meeting lang bago kami pakawalan ni coach."

"Bakit pala nagte-training pa kayo, diba tapos na game nyo nung isang araw?"

Tumango naman siya at tinignan ako saglit. "Last na rin namin 'to ngayong araw, tapos focus na muna kami sa mga acads. Mukhang babagsak na rin ang mga bugok e." pinatunog pa niya ang dila niya na parang gusto niyang pagtawanan ang lagay ng mga ka-team niya.

"Gusto ko ngang magtampo sayo kase hindi ka nanood, pero alam kong susungitan mo lang ako." mapait na sabi niya at kita ko pa ang pag-ikot ng mata niya.

"May exam ako, tsaka paghahawakin mo lang naman ako ng gamit mo." biro ko.

Gusto ko naman talagang pumunta pero whole day ang exam namin. Nanalo naman sila Kipp sa game nila kaya isa rin yun sa dahilan para ilibre siya ngayon.

"Saan tayo?"

Tinuro ko ang nadaanan naming Korean restaurant. "Ihinto mo dyan."

Sumunod naman siya at hinintay ko lang na i-park ni Kipp ang kotse niya.

"Kain kana," sabi ko sa kanya habang nilalagay sa tapat niya iyong mga naluto ng baboy.

Palipat-lipat lang siya ng tingin sa akin at sa niluluto ko.

"You know what, ako na magluluto. Pagod ka kase nag exam ka kanina." aniya at gustong kunin sakin iyong tong.

Iniiwas ko iyon sa kanya at sinaway lang siya.

"Mas pagod ka kase galing training ka, kaya kumain kana dyan." sabi ko at sinenyas ko pa sa kanya na kumuha na siya.

Napabuntong hininga nalang siya at nagpatalo na. Pa sikreto ko siyang tinitignan habang kumakain siya. Halatang pagod ang lalaking 'to dahil ang lakas niya kumain. Kung hindi pa ko kumuha ng niluto ko, hindi niya ko matitirahan!

Kapag napapansin niyang gusto ko na ulit kumain, inaagaw niya sakin ang tong at siya na ang magluluto.

"Bakit ba hindi mo pa ko fina-follow back sa IG?" Reklamo niya.

Pauwi na kami at ihahatid daw niya ko. Hindi pa niya pinapaandar ang kotse dahil busy pa siya sa pagpopost niya ng picture at video namin kanina habang kumakain kami.

"Wala lang, ang dami mo ng followers dadagdag pa ba ko." sabi ko habang nagsusuklay ako. Nag-amoy usok yata ang uniform ko.

"Sus, kunwari ka pa. Palagi mo rin namang tinitignan ang story ko." nakangisi niyang sabi sakin at tinusok pa ang braso ko.

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin ang pang iinis niya.

"Baka kase ang panget ko dun,"

"Palagi ka namang maganda," namula ako agad sa sinabi niya, "huwag kalang magsusungit, nagmumukha kang dragon e." tumawa siya ng malakas kaya hinampas ko lang siya ng suklay.

Umaray siya pero halatang tuwang-tuwa siyang naasar niya nanaman ako!

"Pero kidding aside, you're beautiful. I like your face, your smile and even when you roll your eyes on me whenever I tell you things that make you mad," seryosong sabi niya sakin kaya napatigil sa ere ang kamay ko para hampasin siya ulit.

Para akong nalulunod sa mga titig niya at hindi ko alam kung paano umahon dito.

"Every time I see my name, I hear it in your voice."

Hindi ako makaimik. Wala akong maisip at blangko lang ang utak ko. Gusto kong marinig lahat ang mga sinasabi niya.

"I always thought you meant the world to me but I was wrong, El. You mean much more than that, even the universe doesn't come close."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinigpitan niya iyon ng tumingin ako sa mga kamay namin.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ako makapaniwala na naririnig ko ngayon 'to mula sa kanya.

"Hindi ka pa rin ba maniniwala?" sabi niya at kita ko sa mga mata niyang seryoso siya.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang sarili ko.

"Naniniwala ako sa lahat ng sinabi mo." napapikit ako at hinanda ang sarili ko once na masabi ko ang mga gusto kong sabihin sa kanya. " Natatakot lang ako,"

Naguluhan siya sa sinabi ko kaya napakunot siya ng noo. "Why?"

"Natatakot akong baka ako lang pala.."

"El, what is it?" madaling sabi niya ng hindi ko kaagad macompose ang sinasabi ko.

"Nakakatakot ako na baka ako lang pala 'tong nahulog," napapikit ako ng mariin ng masabi ko na iyon sa kanya.

Naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak sakin ni Kipp. Ang isang kamay niya ay hinawakan ang baba ko para iangat sa kanya ang tingin ko.

"Hey, look at me." mahinahong sabi niya.

Halos mahigit ko ang hininga ko ng makitang nakatitig lang siya sakin.

"You don't have to be scared falling for me, because in the first place, I already drowned by you."

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now