Umiling lang sakin si Kate at nginitian ako.

"Just trust your feelings. Huwag kang makipagtalo sa sarili mo kase ikaw lang ang mahihirapan." hinawi niya ang buhok ko,

"Take the risk, El. But please, protect your heart."

Para akong zombie na naglalakad dito sa field. Blangko ang utak ko at hindi pa rin ako makapaniwala na nagkagusto ako kay Kipp. Hindi ko alam kung kelan nagsimula pero masyado yata akong naattached sa kanya.

Sino ba naman kaseng hindi masasanay sa presensya niya kung halos araw-araw ay magkasama kami. Pinaparamdam niya sakin ang mga bagay na kahit kelan hindi ko naman naranasan.

Ang buong akala ko ay matindi na ang paghanga ko kay Xyler pero mali pala ko. May Kipp na dumating na sa isang iglap, pinalimot niya sakin ang nararamdaman ko kay Xyler.

Naputol lang ang malalim na pag-iisip ko ng may humila sakin, "Hey, careful."

Napaangat ako ng tingin ng si Xyler iyon. Muntik na pala ko mauntog sa puno!

"Are you okay?" tanong niya at agad din akong binitawan.

Tumango ako. Ang weird, kase bakit.. bakit hindi bumibilis ang tibok ng puso ko tulad ng dati kapag kaharap ko siya?

Kipp.

"Uhm, thank you." nahihiyang sabi ko. Kung hindi pala niya ko hinila, may bukol na ko sa noo ngayon.

Grabe naman epekto sakin ng lalaking yon!

"Here," inabot niya sakin ang notebook ko. "Thank you for lending me your notes, big help." ngumiti siya ng kaunti sakin.

Ito yung gusto kong makita dati pa pero ngayong nandyan na, bakit may kulang. May hinahanap akong ngiti na hindi kagaya nang kay Xyler.

Gumanti ako ng ngiti at kinuha sa kanya ang notebook ko. Napansin kong may dala siya ulit na gitara ngayon, mukhang kinuha lang niya iyon sa studio nila kase wala naman yan kanina sa room.

"Thank you rin pala Xyler," napakunot siya ng noo sa sinabi ko.

"For what?"

"For being my inspiration for the past three years," sabi ko at tinalikuran na siya.

Malawak ang ngiti ko ng makalabas ako ng school. Wala akong ideya na sa ganoong paraan ako aamin sa kanya, and at the same time, ang pagtigil ng nararamdaman ko kay Xyler.

"Lawak ng ngiti natin dyan ah,"

Hinanap ko kung saan galing ang pamilyar na boses na iyon at nakita ko si Kipp na halatang tumakbo papunta dito dahil hinihingal pa siya.

Inayos ko ang upo ko at tumikhim muna bago siya tignan ulit. Umupo siya sa tabi ko habol ang hininga.

"Bakit ka ba hinihingal? Tumakbo ka ba?"

"Hindi, lumangoy."

Napairap ako at pigil na matawa sa sinabi niya. Him and his sarcastic answer!

"Sige." Sabi ko nalang at tumahimik na.

Narinig ko nalang siyang tumawa sa tabi ko. May energy pa pala siyang pikunin ako.

"Galing akong room nyo pagkatapos ng training, kaso wala ka na dun kaya hinanap kita." sabi niya at inilagay sa bag niya ang jersey shirt niya na nakasukbit lang sa balikat niya.

"Uwian na namin," maikling sagot ko. Pilit kong pinapakalma ang sistema ko sa sinabi niya.

"Uuwi kana ba niyan agad?" Tumango naman ako. "Huwag muna, kain muna tayo." pagmamakaawa niya at saglit ko siyang tinignan ng makita ko sa mga mata niya na gusto niya munang samahan ko siya.

"O-Okay. Saan ba?" pagsuko ko.

Agad siyang ngumiti at tumayo, "Tara."

Dinala niya ko sa mga street foods na nakapila malapit sa school. Pinipilit ko siyang hati nalang kami magbayad since ayaw niya kong pagbayarin pero humindi pa rin siya.

Ang dami naming nakain especially si Kipp dahil napagod raw siya sa training. As usual, ang daming kwento sakin ni Kipp at parang batang nagsumbong sa akin na siniko raw siya nung Grant sa panga kanina habang naglalaro.

Pagkatapos naming kumain ay pinilit niya kong ihatid kaya pumayag nalang din ako. Ewan ko pero ang saya ko kase komportable na talaga ko sa kanya.

"Oh, I forgot." aniya at pinigilan niya kong bumaba sa kotse niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng ibigay niya sakin ang notes niya sa Physics.

"A-Akala ko sa susunod mo nalang--"

"Hindi ko natiis, umuwi ako kanina para kunin yan." sabi niya at napakamot pa siya sa gilid ng ulo niya.

Kinuha ko iyon at hiniling na sana hindi niya naririnig ang tibok ng puso ko ngayon.

"S-Salamat, pero hindi mo naman kailangang ibigay agad, naistorbo ka tuloy." nahihiyang sabi ko.

Pinilig naman niya ang ulo niya, "No, hindi ka istorbo. Malapit na midterms mo, baka makatulong yan."

Tumango ako agad at ngumiti ng konti sa kanya. "Salamat, Kipp."

Nginitian niya rin ako at pakiramdam ko ay namula na ang pisngi ko kaya umiwas agad ako ng tingin.

"Uhm, sige una na ko." Sabi ko at bumaba na. "Thank you, Kipp."

"Always, bata." sabi niya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Tinawanan lang niya ko, "Okay, chill. Galit agad e,"

Napanguso ako para pigilan ang pagngiti ko. Alam na alam talaga niya kung paano ako inisin e! May binulong nanaman siya kaya napakunot ang noo ko.

"Ha? Anong sabi mo?" Litong sabi ko sa kanya pero umiling lang siya at ngumiti na ulit.

Huwag kana ngumiti please. Yung puso ko! Grabe, bakit ba ko nagkagusto sa kanya? Malayong-malayo siya kay Xyler na nagustuhan ko ng tatlong taon.

"Nothing, uwi kana. I'll watch you before I leave."

Tumango ako. Tinalikuran ko na siya at nagsimula ng humakbang papaalis doon pero hindi ko natiis na hindi sabihin iyon sa kanya.

"Uhm, Kipp." mukhang nagulat pa siya ng lumingon ako at tawagin siya.

Nakita ko pang napaayos siya ng upo sa driver's seat.

"What? Is there a problem? May nakalimutan ka-- "

"Ingat ka."

It's You [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin