HD-1

4.4K 49 5
                                    

Halos manlumo si weston ng madatnan niya ang buong kabahaynan na wala ang kaniyang mag-iina. Hinalughog niya na lahat kahit ang mga damit ay wala na doon sa mga kabinet nila. Nanghihina siyang napaluhod sa malamig na sahig. Ang kaninang nangigilid niyang luha ay tuluyan ng tumulo. Para siyang bata na umiiyak at hanggang sa naging hagulhol nito. Parang nilalamukos sa sakit ang kaniyang puso sa mga oras na iyon.

He didn't know kung saan siya nagkulang. Hindi naman siya tanga eh. Alam niya na may ibang lalake ang asawa niya pero ipinagsawalang bahala niya lang iyon dahil naniniwala siyang dadating ang oras na marerealize nito ang ginagawa. Hinayaan niya lang iyon dahil isa din sa raso ay ang dalawang kambal niyang anak. Kahit masakit ang ginagawa ng asawa niya ay nagawa niya paring magbulag-bulagan.

He did everything para tigilan na ng asawa niya ang pakikipagkita sa lalake nito pero lahat ng mga ginagawa niya ay parang baliwala lamang. Nagpapanggap siyang hindi nasasaktan. Para sa mga anak niya.

"Chilsea ginawa ko naman lahat. Mahal na mahal ko kayo. Please bumalik kayo sa akin" ang nagsusumamong hagulhol ni weston. Inuuntog niya ang kainyang noo sa sahig.

Malamig na buon palikid sa loob ng tahanan ang saksi sa kaniyang pighati at hagulhol. Paulit-ulit niyang tinatanong sa sarili niya kung may kulang pa ba? Hindi ba siya naging mabuti para ipagkait sa kaniya ng tadhana ang maging masaya. He just want to have a home. Yung totoong tahanan na kahit sino ay pinapangarap ito. Ang pamilyang binuo niya simula umpisa.

Sa kaniyang trenta anyos na pamumuhay sa mundo, ito ang kauna-unahang pighati ang nararamdaman niya. Maliban nalang sa pagiging tanga, martyr, o pagbulag-bulagan sa lahat na nangyayari.

Ang akala ng lahat babae lang ang kadalasang martyr kung tawagin pagdating sa pag-ibig. Isa siya sa patunay na may mga lalaki ring martyr at handang gawin ang lahat wag lang iwan ng minamahal. Pero at the end of the his sacrifices ay nauwi lang sa sakit na nadarama.

Mahigit tatlong oras bago tumayo ang lumuluha paring si weston. Para siyang lantang gulay sa mga oras na iyon patungo sa kusina nila. Uminom siya ng tubig at inisang lagukan niya lang iyon. Masyadong na drain ang lalamunan niya sa kakaiyak.

Inilapag niya ang babasaging baso at tumungo sa island chair para umupo. Napasapo nalang siya sa kaniyang ulo at paulit-ulit itong binabatukan. Para siyang nababaliw sa mga oras na iyon at patuloy na lumuluha. Wala man lang siyang naramdaman na sakit sa ginagawa niya sa sarili niya.

Ika nga nila ilabas mo lang iyan, iiyak mo lang ang lahat ng sakit. Paniguradong mababawasan kahit papaano ang sakit na nadarama. Pero sa kaso ni weston ngayon ay parang nakabaon na sa kaniya ang isang patalim na paulit-ulit tinutusok kahit anong luha ang ilabbas ay hindi kayang mabawasan man lang ang sakit.

"Kahit ang mga anak ko nalang chilsea. Kahit sila nalang, kahit yung mga anak ko lang ang iniwan mo. Mas matatanggap ko pa na ikaw lang sumama sa lalaki mo pero bakit pati anak ko!" ang singhal at hagulhop na sambit ni weston sa gitna ng sakit na iniinda ng puso niya.

He slammed the table so hard. Pangatlong beses niyang inulit iyon at parang wala man lang siyang naramadamang sakit doon. This is his first time to let hi anger out. Nga lang mabait parin siyang tingnan.

He keep on crying and shouting. Parang doon niya na inilabas ang lahat ng sama ng loob niya. Lahat ng pagkimkim at pagbulag-bulagan sa kataksilan ng asawa niya.

"Babawiin ko ang mga anak ko chilsea" Ang huling sabi ng kawawang si weston bago ito nawalan ng malay.




SA KABILANG BANDA~



"Hon mamaya pa ako makaka-uwi. May emergency pa kase dito sa botique eh. Mauna na kayong matulog ni conrad" ang malambing sabi ng asawa sa kausap na si tycon. Medyo nag-alala agad ang lalaking asawa at sinabi dito na baka may maitutulong siya.

HUSBAND DIARIES (ManxMan) Where stories live. Discover now