Napatingin ako sa direksyon ni athena
Naka upo ito habang naka yakap sa dalawang binti nito napapansin ko ang panginginig Nang katawan nito nakatingin ito sakin at katulad kaganina...walang tigil parin itong umiiyak

Wala na itong suot pang itaas at pang ibaba

F*ck!!

F*ck!!

F*ck!!!

"Papatayin ko kayo.."malamig na usal ko
Sa dalawa na napansin ko naman na natakot sa sinabi ko

"Papatayin mo ako?! Pwes uunahin muna kitang patayin bago mo ako mapatay!" Galit na sigaw nito sakin at mabilis na sumugod habang dala dala ang kutsilyo nito na mabilis ko naman iniwasan

"t*ngina mo!" Bulyaw nito sakin ramdam ko ang inis nito dahil kahit anong wasiwas nya sa kanyang kutsilyo ay wala man lang tumama

Mabilis akong pumunta sa kaliwa nya at hinawakan ang braso nito.. pinilipit ko ang braso nito ikinabitaw sa kanyang kutsilyo

"T*angina mo b-bitawan moko!!"

Mabilis kong sinalo ang kutsilyo nito at mabilis na ibinato sa direksyon nang lalaki na balak sana tumakbo
 

Tumama ang kutsilyo na binato ko sa binti nito na ikina dapa at ikina sigaw pa nito

Matapos yon ay binalik ko ang tingin ko sa lalaking hawak hawak ko at katulad sa ginawa ko kaganina sa lalaki ay binali ko rin ang braso nito na ikinadaing at ikinasigaw nito sa sakit

"Ang ingay mo!" Sigaw ko dito at sinuntok ito sa mukha nito na ikinatulog nito

Napabuntong hininga ako at tinignan ang kamay ko

Hays..

Dugo nanaman nang ibang tao ang nasa kamay ko..

sana naman hindi ako makapatay na kahit isa sa kanila kundi---

Napatigil ako sa pag iisip nang maramdaman ko na may yumakap sa katawan ko

Napatingin ako dito

Narinig ko ang mahihinang pag hikbi nito sa damit ko

"Athena...shhh..nandito na ako..." Pag aalo ko dito

Hindi ito sumagot basta Naramdaman ko nalang ang pag higpit nang pagkayakap nito sa katawan ko

Napabuntong hininga ako muna ako bago ko dahan dahan ko inangat ang mukha nito sakin

Maliit kasi si athena hanggang balikat ko lang

Tinitigan ko ang magandang mukha nito na bakas parin ang takot at pagod

"Wag kanang matakot.. ligtas kana.. nandito nako" ngiting sabi ko dito

Hinubad ko ang jacket ko na suot at sinuot dito nilalamig na kasi ito dahil tanging panty at bra nalang suot nito..

walang salitang binuhat ko ito na automatic naman na pumulupot ang dalawang braso nito sa leeg ko at sinubsob ang mukha nya sa bandang dibdib ko

Lumingon muna ako sa tatlong lalaki na hanggang ngayon malay parin

Ayaw ko na madungisan ang kamay ko kaya hindi ko sila pinatay...pero hindi ibig sabihin non ligtas na sila...

Napangisi ako

Papaasikaso ko nalang ito lahat kay Clint..

--------------------
"Oh my god! Anong nangyare kay athena?!" Bungad ni ms.Quinn samin

Dahil sa lakas na pagkakasabi nito ay isa isa naman nag silabasan ang mga iba ko pang ka room mate

"Athena?! Anong nangyare sa kanya?? Bakit ganyan lang suot nya?!"

"Sh*t okay lang ba si athena?!"

"Sino may gawa nyan sa kanya?!"

"F*ck!! "

Napangiwi ako sa sunod sunod na tanong ng mga ito sa akin pero bakas sa mukha nila ang pag aalala kay athena

"Hey wag kayong maingay"saway ko sa mga to Habang napapailing "natutulog sya" habol na sabi ko pa sa mga to

Lumapit ako sa may sofa para sana ibaba si athena pero ganun nalang pag kunot nang noo ko nang tila humigpit pa pagkakayakap nang braso nito sa leeg ko na tila ayaw lumayo sakin sumiksik pa ito sa dibdib ko

Napabuntong hininga nalang ako "guys pag usapan nalang natin ang nangyare ngayong araw bukas" sabi ko tumango tango naman mga to

Gusto ko sana sabihin sa kanila ang nangyare ngayon.. pero ang isang to....ayaw humiwalay sa katawan ko..

Tinulungan naman ako ni quinn na buksan ang pinto

Nag pasalamat ako dito bago nito isara ang pintuan nang kwarto namin dalawa ni athena

Lumapit ako sa higaan ni athena upang ibaba ito pero katulad kanina..

Ayaw nitong bumaba...



The hell??


Wag mong sabihin na balak mong matulog magdamag sa akin??

Haa..

Oh whatever. .

Hindi naman masama...

Ibinaba ko si athena mismo sa kama ko at dahan dahan kong tinggal pagkakapit nang braso nito sakin

Napansin kong idinilat nito ang mata nya at dahil malapit nag mukha ko sa mukha nya ay alam kong bubulyawan ako nito at kung ano ano pero ganun nalang din ang gulat ko nang tinggal nito ang pagkakayakap

Umupo ako nang maayos

Kinuha ko cellphone ko at tinawagan ang taong alam ko na nag babantay sakin

"Hey clint" bungad ko nang sinagot nito tawag ko

Napatingin ako kay athena nang maramdaman ko ang braso nito na yumakap sa bewang ko

Takot parin ba sya?

"May ipapalinis ako sayo ..." Mahinang usal ko para hindi marinig nitong kasama ko na comfortable na natutulog sa likuran ko habang naka yakap sakin

   
"Hm?~ sino Naman Aber?"

Napa irap Ako sa hangin

Akala mo Naman Hindi nya alam ang tinutukoy

Pero alam ko Naman na Hindi sya gagawa ng Isang bagay na walang kapalit eh.

"Five million" usal ko

"Sure sure tomorrow makikisigurado ka bangkay ng mga yon ay palutang lutang na sa ilog " usal nito sabay baba ng tawag nya sa akin

Ibinaba ko narin Ang cellphone ko

Binaling ko ang tingin kay athena na kalmado nang matutulog sa kama ko

Napangiti nalang ako at napa iling bago humiga din sa tabi nito

_______________
Hey hey!

Lablab guys!

Muah muah chup hup!

HAHAHAHAHAHA!!

Loving Beatrice Salvatore Where stories live. Discover now