Namangha sila sa nakita sa likuran ng bahay, may maliit na hardin doon na may mga iba't ibang tanim na bulaklak na kakausbong pa lang ng nakaraang araw

Sa bandang gilid naman ay may mga tanim na ibat ibang klase ng gulay na malapit na ding anihin

Kaya laking tuwa nila sa mga nakikita doon, talagang maganda sa likurang bahagi ng bahay nila Lola Anang

May mga kulungan ng manok at baboy na nasa di kalayuan ng taniman na nasa pagitan ng kulungan at taniman ay ang isang balon na may bakod

"Dito ako namamalagi noong malakas lakas pa ang mga paa at buto ko," sabay tawa nito,"Maupo kayo mga apo,"

Naupo naman sila sa dalawang mahabang upuan na yari sa kawayan na nandoon sa maliit na hardin ni Lola Anang

"Alam niyo ba na si Lola ang gumawa ng taniman ng mga bulaklak niya," nakangiting sambit ni Lucy,"Araw araw noon dito ko lagi siya nakikita na nagpapalipas ng oras hanggang sa dapithapon ay dito ang pasyalan niya,"

"Dito kasi kami nag aalmusal ng iyong Lola," sagot nitong nakangiti,"Dito kami kumakain ng tanghalian at meryenda bago papasok sa loob ng bahay kapag hapon na at malapit ng dumilim,"

Napapangiti sila dahil nakangit ang matanda na inaalala ang nakaraan ng mga ito noong nabubuhay pa ang asawa nito

Nakapikit iyon habang nakatingala, tapos magsasalita habang nakangiti na tila parang kahapon lang sila nagkahiwalay ng pinakamamahal nitong lalake

"Lola," ani niya ng tinitigan sila niti isa isa,"May itatanong lang po sana ako sayo,"

"Ano iyon, Yuri?," tanong nito

"Bakit po ba takot ang mga aswang sa buntot ng pagi?," tanong niya,"Di po ba manggagamot po kayo dati?,"

"Oo nga naman po, Lola," singit ni Manuel,"Matagal ko na din pong tinatanong sa Lola ko kung bakit sipa takot sa buntot ng pagi,"

"Hindi naman talaga ang mismong buntot ng pagi ang nakakatakot, kundi ang pinang galingan nito," paliwanag ni Lola Anang na ikinakunot noo nila,"Kahit na ang matutulis nitong tinik at maging ang paghataw nito sa mga aswang, kahit na gaano pa iyon kalakas,"

"Ha? Paano po iyon nangyari Lola?," takang tanong ni Aira

"Ang kinatatakutan nila sa buntot ng pagi ay ang mismong taglay nitong alat, na hindi natatanggal," sagot nito sa kanila,"Ang isang bagay na simula't simula pa lang ay pinagyaman na ng dagat na pinagkukuhaan ng asin," napabugtong hininga pa ito

Napatango naman sila sa paliwanag nito sa kanila

"Ang dagat ay ang pinagkukuhaan ng asin na isang mabisang panlaban sa mga aswang, kung ang isang butil ng asin na lumilikha na ng malaking perwisyo sa mga aswang," dagdag pa na paliwanag nito,"Paano pa kaya ang buntot ng pagi na may maliliit na tinik ang ihahataw sa kanila sa mismong laman nila? At higit sa lahat ay ang alat na taglay nito na siyang magkakaskas sa kanilang laman, isa iyon sa mga bangungot ng mga aswang,"

"Ah kaya po pala takot na sila kapag nakakita na sila ng buntot ng pagi?," tanong ni Manuel

"Oo," sagot ni Lola Anang,"Takot sila sa taglay ng buntot ng pagi, kasi kapag nahambalos sila nito ay para silang binubusan at ibinabad sa asin, matagal bago gumaling ang sugat na gawa ng buntot ng pagi, kahit na gamitin pa nila ang laway nila na pang gamot ay matagal iyon maghihilom, may iba na ikinamamatay iyon dahil sa nabubulok ang laman nila,"

"Kahit po ba ang mga pinakamatandang aswang ay wala pong magagawa kapag natamaan ng buntot ng pagi?," tanong naman  ni Kevin sa matanda

"Wala apo," sagot nito,"Kahit na ubusin p nila ang laway nila ay hindi kaagad iyon maghihilom," sagot nito,"Aabutin ng ilang taon bago iyon maghilom, pero kahit na naghilom ang sugat sa labas, ang loob ay sariwang sariwa pa din, na sa haba ng panahon ay nabubulok sa loob ng katawan nila at iyon ang dahilan o sanhi ng kanilang kamatayan,"

"Salamat po Lola sa inyong sagot," ani ni Sister Janelle,"Ngayon alam na po namin ang tungkol sa buntot ng pagi at kung bakit takot ang mga aswang doon,"

"Basta mag iingat kayo mga apo," bilin nito sa kanila na ikinatango lang nila

May iba pang ikinuwento si Lola Anang sa kanila na dahilan ng kanilang pagkalibang at pagkagiliw sa madaldal, masiyahin at oMpalabirong matanda

Hindi sipa nabagot habang kaharap ito at kausap, bagkus ay masaya pa sila dahil kauspa nila ito, nakikinig sila sa kwento nito tungkol sa kanilang kabataan ng namayapang asawa

Ang mga paglalakabay nila sa kung saang Baryo na kailangan ang tulong nila

At higit sa lahat ay ang pakikipaglaban at pakikipagsagupaan nila sa mga kampon ng kadiliman

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz