Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya medyo uminit ang mag kabilang pisngi ko.

"May date ka?" Seryusong tanong niya.

Tumango ako. "We have a date! Libre ko"

"The last time we dated ako pa ang nag bayad ng kinain natin dahil nakalimutan mo yung pera mo." Umirap ako. Naalala niya talaga? Potato ka Dew.

"Ayaw mo lang yata, e" Nag panggap akong malungkot. Tinalikuran ko siya para bumalik sa harap ng salamin. "Ikaw na niyaya, ayaw mo pa," Go lang Jas, Kunti pa at papayag na yan.

Narinig ko siyang bumuntong hininga kaya naman palihim akong napangiti. Hindi niya ako matitiis lalo naʼt alam niyang hindi na kami nag dadate. Lumapit siya sa akin, Hinawakan ang buhok ko sabay haplos.

"Lets go" Dahil sa sinabi niya ay mabilis akong napatayo. Nakangiting hinarap ko siya sabay yakap ng mahigpit. Miss na miss ko siya ng subra!!

Sabay kaming lumabas ng kwarto ni Dew habang mag kahawalk kamay. Nadaanan namin si Lalaine at masama na naman ang tingin niya sa akin pero inirapan ko lang siya. Hinihintay ko na lang talagang manganak siya para makaaalis na siya dito. Naiinis na ako sa presenta niya e.

Pinagbuksan ako ni Dew ng pinto. Pumasok kaagad ako at nag seatbelt dahil excited ako para sa ngayong date namin.

"Lets gooo" Excited na sabi ko. Binuksan ni Dew amg makina saka dahan dahang inilabas ang kotse sa gate namin. Hindi na niya ipinarada iyon sa labas dahil siguro wala na siyang balak bumalik sa hospital.

Habang nasa biyahe ay hindi ko binitawan ang kamay ni Dew. Hindi ko na kaya pang bitawan dahil pagod na ang kamay kong hawakan ang sarili kong kamay.

"Gusto mo makinig ng music?" Tumango ako sa kanya at hinintay na buksan niya ang radio.

Pag bukas na pag bukas niya ay kaagad na nag play ang kantang paborito ng taong matagal ko nang kinalimutan.

"If I should stay Well I would only be in your

way And so I'll go, and yet I know I'll think of

you each step of the way And I will always love

you I will always love you Bitter-sweet

memories That's all I'm taking with me"

Para sa akin isa iyon sa mga malungkot na kantang napakinggan ko, Pero para sa taong kinalimutan ko ay hindi. Bakit nga ba bigla ko siyang inisip kung kailan okay na ako?

Dahil sa pag iisip ay in off ko ang Radio.Lumingon sa akin si Dew at alam kong nakakunot ang kayang noo. Hindi ko siya tinignan dahil ayukong mag kasalubong ang mata namin. Itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa pag tingin sa labas ng bintana.

Nang makarating kami sa Restaurant na pinili ko para maidate si Dew ay kaagad akong bumaba.Excited ako kase maililibre ko na talaga siya ngayon. Sinigurado ko kanina pag alis namin na dala ko ang pera ko dahil ayukong siya na naman ang mag bayad.

Nauna akong pumasok sa loob. Hihintayin ko lang ng kunting minuto si Dew dahil ipapark pa niya ang kanyang kotse sa parking lot.

Sa gitna ng pag hihintay ay nakita kong pumasok si Aidan kaya naman kinawayan ko siya. Hindi niya ako nakita at ipinag patuloy lang ang pag lalakad bago huminto sa table na malapit lang sa table ko. Tinignan ko kung sino ang nilapitan niya at bigla na lang akong napailing ng ka meet niya ang pinsan niyang si Savanna.

Kahit hindi ako masyadong mag tanong tungkol sa pamilya ni Aidan ay may kunting alam ako. Laging may Kwento kase si Nixi tungkol sa mga pinsan niya kaya lima sa pamilya niya ang kilala ko. Ang magulang ni Aidan ay parehong Lawyer at ang dalawa kapatid naman niyang sumunod sa kanya ay flight attendant. Si Nixi ang bunso at si Aidan ang Panganay.

Sa gitna ng pag mumuni ko ay pumasok si Dew na hawak ang cellphone. May kausap yata.

Lumapit siya sa akin at malungkot na tinignan ako. Anong nangyari dito at ginito ng mukhang ihaharap sa akin?

"Jas,Lalaine needs me."Yung saya na naramdaman ko kanina ay unti-unting nag laho.

Si Lalaine na naman.

"Dew, Nandito na tayo." Seryusong sabi ko. "Kung ano man ang kailangan ni Lalaine pwede niya yang iutos kay Yaya. Hindi mo kailangan sundin lagi ang sinasabi niya" Lagi na lang niyang sinusunod si Lalaine. Akala niya hindi ko napapansin ts. Gusto lang naman ni Lalaine na makasama si Dew kaya kung ano ano na naman ang palusot na ineembento niya.

"Kailangan niya ako, may responsebilidad ako sa kanya. Donʼt be too selfish, Jastine"

Dahil sa sinabi niya ay Napatigil ako.Hindi ako makapaniwala sa inilabas ng bibig niya."What did you just say? Selfish ako?" Kailan ba ako naging selfish? Hindi ko yata maalala kung naging selfish ako.

"Ang selfish selfish mo na, hindi ko na alam kung ano pa ang dapat gawin sayo! Ayaw mong lumapit sa akin kapag may problem ka and everytime i want to comfort you, you're pushing me away! Tapos ngayon naman ang selfish mo, parang ayaw mong puntahan ko si Lalaine--"

"I am not selfish, Dew, ni hindi ako naging selfish dahil kung makasarili ako ay matagal ko nang sinabi sayo na hayaan si Lalaine kase kaya naman niya ang sarili niya. Hindi ako makapaniwala na nasasabi mo yan sa akin ngayon,na para bang napuno ka na sa akin kaya ngayon ay inilalabas mo na." Dahil sa Inis na nararamdaman ay mabilis kong kinuha ang gamit ko. Pinag titinginan na kami ng ibang tao at alam kung kahit si Aidan ay napalingon na din sa dereksyon namin. Bago umalis ay tinapunan ko muna siya ng tingin. Wala na akong mabasa sa mga mata niya at wala na man lang akong makitang guilt sa kanya.

"Puntahan mo na at huwag kang umasang uuwi ako mamaya sayo" Pakatapos ay tinalikuran ko siya. Tangina bakit parang ako pa yung kailangan mag adjust?

Ramdam ko ang pag sunod niya kaya naman mas binilisan ko ang pag lakad. Ayuko na muna siyang kausapin dahil baka kung ano na naman ang masabi ko.

Nag hintay ako ng taxi pero mabilis na nakasunod sa akin si Dew kaya lakas loob niyang hinawakan ang kamay ko.

"Jas, Intindihin mo naman, oh" Pakiusap na sabi niya. Ano pa kaya ang kailangan kong gawin para mas maintindihan? Yung Date natin hindi naman importante. Si Lalaine ang mas importante kaya huwag ka naman sanang Ganyan" Nilingon ko siya.

Tama nga siya.

Mas importante si Lalaine kesa sa date namin.

Pag dating sa babae yun, ang bilis niyang mag bago ng isip. Bakit ba hindi ko kaagad na isip na pwedeng humatong sa ganito ang lahat?

"Ako ang Girlfriend mo, Dew" Walang emosyong wika ko. Ako yung Girlfriend pero ako pa yung kailangan mag adjust.

"May responsibilidad ako sa kanya, Jas" Parang bumagsak sa akin ang isang sakong bato na nanggaling sa bunganga ng bulkan. Yung kirot ay mas lalong lumalala at yung sakit na dinadala ako ay hindi pa pala sapat.

Dahan-Dahan kong inalis ang kamay niya sa akin. Ang sakit sakit na!

"Ingat ka na lang, Dew" With that, I turned my back. Tumingala ako sa langit at tinitigan ang kumikinang na bituin. Pakatapos ay nag lakad palayo sa kanya.

Tangina bakit ganito ka, Dew? Bakit sinasakal mo ako?!

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now