Chapter Twenty-three

2.3K 86 22
                                    

Chapter Twenty-three

DUMAAN ANG ilang sandali at nanatili siyang walang kibo. Her whole system is absorbing the revelations from her father. And then it hit her! Kaya pala ganun na lang kung iturin ako ni Pappoús.

Kaya pala ganun na lang ang pagpupuyos nito no'ng gabi ng welcome party nito, dahil alam siguro nito ang lahat. Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit mabuti pa rin ang pakikitungo ng kanyang Daddy Paul sa kanyang ama. Dahil kung tutuusin ay dapat nitong kamuhian ang kanyang tunay na ama. Iyon naman talaga dapat ang mangyari.

Nakita niya ang pagod sa mukha ng ama kaya minabuti niyang pagpahingain muna ito.

"Kailangan mong magpahinga Papa. Let's talk again when you're okay. Okay?" Napilitang tumango ang kanyang ama at inalalayan na niya itong mahiga sa higaan nito.

Kailangan nitong magpahinga sa ngayon dahil sa kondisyon nito. Ayaw niya namang mas lumala pa ang sakit nito. Hinaplos niya ang maputi nitong buhok. Naaawa siya sa ama. Halatang-halata sa mukha nito ang pinaghalong pait, lungkot, hinagpis, at pagod.

Napahugot siya nang malalim. Rest papa. Kailangan mong magpagaling. Ihahatid mo pa ako sa altar sa kasal ko, Papa. Besides, I still want to be with you, kahit hindi kita nakasama mula't sapol. Fight Papa. Fight for your life.

Nang marinig niya ang malalim nitong paghinga ay hinalikan niya ito sa noo. "Sleep well Papa. Hindi kita iiwan. Hinding-hindi ako mawawala sa piling mo..."

Pagkatapos niya itong kumutan ay nagpasya siyang lumabas saglit. Alam niyang naroon lang ang kasintahan sa labas at hinihintay siya. At hindi nga siya nagkamali, dahil nang lumabas siya ng silid ay nakita niya itong printing nakaupo sa isa sa mga hospital lounges kasama ang kanyang kinagisnang mga magulang at si Tita Diane. Kaagad siyang lumapit sa mga ito. Marami siyang katanungan. Marami siyang gustong malaman.

"Mommy, Daddy, can we talk?" Kaagad niyang bungad sa mga taong kaharap niya.

Her Mommy Camille gently smiled at her. As always... Palagi itong may nakahandang ngiti sa lahat. "Sure baby, but first, I want to introduce you to your Tita Diane, your papa Calixto's best friend and sister in law."

Nabigla siya sa sinabi ng kanyang ina. Okay.. breath Calia. Hoh! This is too much. Parang anumang oras ay sasabog siya. Masyado na siyang nasusurpresa.

"So... Dana, is my cousin?" Paniniyak niya.

Ngumiti naman ang kanyang Tita Diane, "yes Calia. Magpinsan kayo ni Dana. Your father is my husband's big brother."

"I'm a Montillo?" Hindi niya alam kung bakit sa lahat ng pwedeng itanong niya ay iyon pa ang namutawi mula sa kanya.

Tumango naman ang kanyang Tita Diane. And her parents confirmed it by smiling at her.

"Mommy... Daddy..."

"Yes anak?" Sagot ng Daddy Paul niya.

Tumikhim muna siya dahil parang may bara sa kanyang lalamunan na kailangan niyang tanggalin.

"I-I actually knew that I'm just an adopted child. I heard it from you before." Her foster parents looks so surprised because of what she said. But then she continued. "And parents, I'm getting married soon."

"What?!" Magkapanabay pang sagot ng kanyang mga magulang at ng kanyang Tita Diane.

Calia can't help but chuckled, "he's actually here right now."

Biglang nagdilim ang aura ng kanyang Daddy Paul. "And where is that man right now? I want to test him." Mariing usal nito at pinatunog pa nito ang kamao.

ℳ𝒾𝓃ℯ 𝓉ℴ 𝒟ℯ𝓈𝒾𝓇ℯ♡Where stories live. Discover now