Chapter Eighteen

2.3K 85 40
                                    

Chapter Eighteen

AS SOON as she entered the room in her rest house. A sly smile crept in her luscious lips as she saw the full 'package' sleeping in her bed.

"Hello there darlin'. We meet again." She smirked.

She glanced at her wristwatch to see the time. Hmmm... Looks like I'll still wait for 10 minutes for my 'package' to wake up. All right.

Napagpasyahan niyang lumabas muna ng kanyang silid at tinungo ang kitchen room. Pagkapasok na pagkapasok niya pa lang ay napasimangot na lang siya nang makitang tangan-tangan ni Nile ang isang bucket ng fried chicken na inorder nila kanina sa drive thru ng Jollibee.

"Seriously, Nile? Nakaubos kana kanina ng isang bucket ng fried chicken 'di ba? Pati ba naman 'yan? Ano ba'ng meron dyan sa tiyan mong ewan?" Manghang tanong niya.

Honestly, Nile has a well-toned body to die for. Alam niyang maraming naghahabol sa binata dahil no'ng nasa Boston pa sila ay palagi itong nagpupunta sa condo nila ni Dana para lang makapagtago dahil sa mga babaeng naghahabol dito.

Nilunok muna nito ang kinakaing fried chicken saka uminom ng soft drinks. "C, food is life. Kaya 'wag kang ano dyan ha." Saka ito umirap kaya napatawa naman siya.

Magsasalita pa sana siya ngunit naagaw ng kanyang paningin ang kinaroroonan ni Draco sa sulok ng kusina, katabi ng trash bin habang tinatanggal nito ang prosthetics na nakakabit sa may panga nito at sa tiyan nito. And she can't help but to burst out in laughter when she saw the irritated handsome face of Draco.

Nilingon naman siya nito at sumimangot ito nang makitang malakas siyang tumatawa.

"Happy?" Anitong nakasamingot pa rin.

Mas lumakas tuloy ang tawa niya at kasabayan niya na ring tumatawa si Nile habang kumakain pa rin ng piniritong manok. Mas lalo namang napasimangot si Draco nang dahil sa pagtawa nilang dalawa ni Nile.

"You should double the payment C. Grabe ang stunt na ginawa ko. Next time kay Nile mo na ipagawa ang mga bagay na 'to."

She arched her brow at him, "Nah uh. Hindi naman kasi ako sinisingil ng malaki ni Nile kaya 'yon lang ang ipinapagawa ko sa kanya. While you, on the other side, wants me to double your payment. Akala mo naman may sampung anak kang pinapakain sa araw-araw at grabe ka kung makasingil sa akin."

Patuloy pa rin ito sa pagtatanggal at hindi lumilingon sa kanya. "Fine, fine. Kainis!"

Ibinato ni Nile ang buto ng manok na kinain sa may bandang tiyan ni Draco at ang kawawang buto ng manok ay biglang tumalbog diretso sa trash bin na ngayon ay nasa harapan na nito.

"Three points!" Anito sabay tawa pa rin kay Draco na hindi na maipinta ang mukha dahil sa inis.

She looked at her wristwatch again and saw that in a short while, her package will be awake so she have to to inform the two men to leave the house.

"You have to go now. He'll wake up soon. I'll call you when I'm done."

Napailing-iling ang dalawa sa kanya. At alam niya kung bakit— pero wala na siyang pakialam. Kaligayahan niya naman ang nakataya dahil sa ginawa niyang ito.

"Ibang klase ka Calia. Makiki-sana all na lang kami kay Philip. Kailan kaya ako kikidnapin ni Zaira?" Ani Nile sa kanya pero nakangisi lang siya sa binata.

Habang si Draco naman ay isinampal kay Nile ang hawak na prosthetics. "In your dreams. Baka ikaw pa nga ang maging kidnapper eh."

Biglang may tumunog na alarm sound. Ikinabit iyon ni Nile no'ng nakaraan bago niya ipinakidnap si Philip.

ℳ𝒾𝓃ℯ 𝓉ℴ 𝒟ℯ𝓈𝒾𝓇ℯ♡Where stories live. Discover now