KABANATA 14

4.9K 276 39
                                    

Kabanata 14.

ELARA'S POINT OF VIEW


"Sometimes it's really hard to control one's aura," pahayag bigla ni Theiry ng makita namin ito.

"Sinabi mo pa," sang-ayon ni Alkina.

"Sa ating apat, si Elara yata ang pinakamagaling na kumontrol ng aura," saad ni Jaireen.

Mabilis na sumang-ayon si Alkina sa sinabi ni Jaireen.

"I envy you, Elara. " Muli akong napabaling kay Theiry ng marinig ko ang sinabi niya. Ngumiti ako bago ko tinapik ang balikat nito.

"What is there to envy? Practice makes perfect," pahayag ko kaya natawa si Jaireen at Alkina.

"We are practicing like since birth but you already surpass us," usal ni Jaireen.

"Elara is just a talented one," pahayag ni Alkina.

Naglalakad kami ngayon patungo sa dining hall. Kakatapos lang ng aming klase kay Mr. Clinton which is Endurance kaya gutom na kami at pagod pa.

Dahil halos isang buwan na ako dito ay sanay na ako sa mga ginagawa araw-araw at hindi na ako naninibago.

Nang makakuha kami ng pagkain ay agad kaming naupo. Napansin ko si Theiry na para bang gutom na gutom kung kumain.

"Don't mind me, Elara. I am just so so hungry," usal nito nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya.

Napangiti na lang ako sa sinabi nito.

Nagsimula na din akong kumain. Sanay na ako na laging nag-uusap ang tatlo tuwing kumakain kami kaya hindi ko na lang sila pinansin.

Maingay ang paligid dahil sa mga nagdadaldalan na estudyante, kasama  na don ang tatlo kong kaibigan kaya hindi ko pinansin nang medyo lumakas ang bulungan sa aming paligid.

"Oh my God!"

"Is this my lucky day?"

"I don't want to blink. I want to capture this moment and save it in my memory forever."

Nasamid ako dahil sa sinabi ni Jaireen. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong parang may kakaiba sa paligid.  Maging ang mga kaibigan ko ay parang naestatwa habang kumikinang ang mga mata.

"Girl, slap me. I think I am dreaming!" pasigaw na usal ng babae sa kalapit naming table.

Naguguluhan na natatawa ako sa kanila.

Natanaw ng aking mata ang pamilyar na pigura malapit sa entrance ng dining hall. Napangiti ako ng matanaw ko si Ravi at kasunod naman nito ang kaniyang kaibigan na si Gare.

Nagulat ako at napatingin kay Alkina ng kinurot nito ang kaniyang pisnge.

"I am not dreaming. Sweven Ashdawn is here," lintanya nito sa kaniyang sarili habang nanlalaki ang mata.

Napatingin ako sa paligid namin at nakita kong halos kiligin ang lahat at ang iba ay nagpipigil ng tili. Ang mga kalalakihan naman ay tila takot at ayaw mag-angat ng ulo.

The Girl In The City Of HinterlandWhere stories live. Discover now