KABANATA 6

9.4K 246 17
                                    

Kabanata 6.

Hindi ko alam na nakatulog agad ako kagabi dahil sa pagod. Kahit ganon, nagawa ko pa rin ayusin ang aking gamit bago ako nakatulog. Yun nga lang, hindi ako nakapaghapunan dahil hindi ko na nagawang makabalik sa Dining Hall.

Umupo ako sa kama at napansin ko na tulog pa rin ang kasama ko dito sa dorm. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko kita ang mukha ng babaeng nakahiga sa kama. Hindi ko rin siya nakita kahapon dahil late akong nakadating sa dorm. Nakatulog din ako ng maaga kagabi kaya naman hindi ko pa rin nakakausap o nakikita ang aking ka-dormmate.

Makalipas ang ilang minutong pagtulala sa kawalan ay napagpasyahan ko na lamang na maligo na ngunit nang tumayo ako ay napaupo ulit ako sa sakit ng buo kong katawan.

Nangunot ang aking noo dahil sa biglang pagsakit ng aking mga muscle sa katawan. Pakiramdam ko ay may pasan akong mabigat na bagay.

Pinilit ko na lamang na tumayo kahit masakit ang buo kong katawan. Ganito siguro ang pakiramdam ng nabugbog. Ramdam na ramdam ko ang sakit.

Kumuha ako ng damit bago pumasok sa bathroom. Naligo ako at paglabas ko ay nakita kong nag-aayos na ng higaan ang aking ka-dormmate.

Katamtaman ang haba ng buhok nito at kulay brown ang kaniyang mata at buhok. Maputi ang kulay ng balat nito at halos magkasing tangkad lang kami.

"Hello, hindi tayo nagkita kahapon. Akala ko ay makikilala kita kapag tapos na ang klase pero naabutan kitang mahimbing na natutulog kaya hindi na kita inabala. I am Theiry Denson. You can call me Theiry," bungad nito sa akin habang malawak ang ngiti ng lingunin niya ako.

Napangiti rin ako dahil sa kaniyang welcoming na appearance. Mabuti na lamang mukhang mabait siya.

"My name is Elara Mauve Feath. Just call me Elara," pagpapakilala ko sa kaniya.

"Great! Sabay tayo magbreakfast," pahayag nito sa akin kaya agad akong tumango.

"Wait for me, magshashower lang ako."

Matapos magsalita ni Theiry ay agad siyang nagtungo sa bathroom. Nang makapasok siya ay nakahinga ako ng maluwag.

Para akong nabunutan ng tinik ng makilala ko ang dormmate ko. Mabuti na lamang dahil friendly siya at mabait. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling hindi ito friendly.

Nang matapos si Theiry sa pag-aayos ay agad kaming lumabas ng dorm.

"Hindi naman ako nasabihan na isa palang beauty ang magiging dormmate ko," nakangising pahayag sa akin ni Theiry.

Awkward akong ngumiti dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay niloloko lang niya ako dahil siya palang ang unang nagsabi sa akin na maganda ako.

"Hindi ako nagbibiro. Noong nakita kitang natutulog ay nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na mas maganda ka pa kay Shashy," paliwanag ni Theiry nang mapansin na hindi ako naniniwala sa kaniya.

"Shashy?" Usal ko naman ng makarinig ako ng hindi familiar na pangalan. Isa pa, wala talaga akong kilala bukod sa kaniya, kay Alkina at Ravi sa lugar na 'to.

Pero kung iispin maswerte pa rin ako dahil kahit papano ay may tatlo akong kakilala sa lugar na ito.

"Ah, nakalimutan kong bago ka nga pala. Ang tinutukoy ko ay si Shashy Liwerman, isang malditang babae. Unfortunately, kaklase ko siya sa lahat. Bukod don, sinwerte din siya dahil nasalo niya yata lahat ng ganda noong nagpaulan ng kagandahan dito sa Hinterland ngunit mukhang mas madami kang nasalong ganda, Elara." Ngumisi sa akin si Theiry at siniko ako na para bang proud siya sa sinabi niya.

"Ganon ba. Salamat dahil ikaw palang ang unang nagsabi na maganda ako," saad ko sa kaniya. Kahit sinabi niya iyon ay mukhang hindi naman siya seryoso.

"Talaga? Sabagay, akala siguro nila ay alam mo na sa sarili mo na maganda ka."

The Girl In The City Of HinterlandWhere stories live. Discover now