➠ 21

51 6 0
                                    

HERA FIERRE 'S POV

──────────────────────────

" Omg, ayun oh baka bet mo Hera. Pogi tapos matangkad, shocks bet na bet! "

Umagang umaga at naghahanap na agad ng gwapo si Aphrodite dito sa school para daw sa'kin. Jusmeyo, nasakit lalo ang ulo ko sa babaeng 'to.

" Aphro, kita mo 'tong libro? Matutuktok ko na 'to sa ulo mong babaita ka ha. Ayoko na muna sa pogi, mapanakit. " at umakto ako na parang broken na broken kaya ako ang nabatukan ni Aphro.

" 'Di bagay sayo shunga. Kung ayaw mo sa pogi edi maghanap ka ng pangit, omg basic. " At ngumiti pa siya ng napakalawak, muntik ko na siyang mabatukan nang pumasok ang lalaking bumiyak ng puso ko. Charot HAHAHAHAHA. Pumasok si Zeus sa room kaya natahimik kaming dalawa.

Diretso lang ang kaniyang tingin at malamig ang awra nito na para bang wala siyang pake sa paligid niya.

" O sige, titig pa. Paano mo makakalimutan na gusto mo si Zeus kung titig ka ng titig diyan? " sambit ni Aphro at tiningnan ako ng nakakaloko.

" Oo na, hindi na. " at sumimangot ako kaya nagsalita siyang muli, " Bakit hindi ka nalang sa kapatid niya? " tanong ni Aphro at lalong lumawak ang ngisi sa labi nito.

" Bakit kung kani-kanino mo ako nirereto huhu ka, loyal naman ako ano. Pero inuuncrush ko na, don't worry." tinawanan lang ako ni gaga kaya nagpatuloy nalang kami sa kwentuhan.

Lumipas ang ilang oras at uwian na. Sa paglabas namin ng classroom ay nadatatnan namin ni Aphro si Zeus na naglalakad na palabas ng gate nang may lumapit sa kaniya na babae.

" Omg, sino kaya yung babaeng 'yun?  Ang lakas niya namang lumapit sa crushie mo! " mapangasar na tumingin sa akin si Aphro pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. " Correction, sa past crush ko. " pagtatama ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

" Okay, sabi mo e. Kahit gusto mo pa siya? Oki po, sige po. " Jusmeyo babatukan ko na talaga 'tong babaeng to.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makasalubong namin si Noah.

" Hey, what's up ladies. Do you guys need a ride? " bungad niya sa amin at ngumiti ng swabe, yung cool na ngiti ganon.

" Ah hehe, magcocommute ako mag-isa. Si Hera, kailangan niya ng kasabay. Diba hera? " ani Aphrodite. Sheda talaga 'tong babaeng 'to. Usapan namin sabay kaming mag commute tapos ibubugaw nalang ako basta-basta? Nilakihan ko siya ng mata pero nakangisi lang siya na para bang nang aasar.

" Ah, okay lang naman ako— " naputol ang aking sinasabi nang biglang lumayo na si Aphro sa amin at nagpaalam na.

" Bye! Check ko lang yung crush ko sa kabilang kanto, enjoy kayo! " Sigaw pa nito at tuluyan ng umalis. Ok, enjoy talaga akong makita na may kausap na iba si Zeus. Madapa sana sila.

Natawa si Noah sa reaction ng mukha ko, " You look so cute, para kang batang hindi nabilhan ng ice cream. " at pinigilan niya ang kaniyang tawa nang tumingin ako sa kaniya ng masama.

" Ewan ko sayo, una na ako. " tinarayan ko siya pero nagsalita siyang muli.

" Do you want to eat first? " Aayaw sana ako pero naramdaman kong kumukulo na ang tiyan ko kaya tumango nalang ako. Bago kami umalis sa pwesto namin ay tumingin akong muli kay Zeus at sa babaeng kausap niya. Mukhang sabay yata silang aalis sa school, wow okay.

Halos walong segundo palang aking nakatingin sa kanila ay lumingon ang babae sa direksyon ko at nakitang tinitingnan ko sila, ngumiti ito sa akin kaya napaiwas na agad ako ng tingin.

" You like him? " ani Noah kaya napalingon ako sa kaniya.

" Huh, what do you mean? "

" Zeus. I just thought that you like him, or baka mali lang yung iniisip ko— " magsasalita pa sana siya pero dinugtungan ko na agad yung sasabihin niya. "No, mali lang talaga yung iniisip mo. I just treated him as a friend. "

" Treated? You're not friends anymore? " pagtatanong niyang muli. Aba kanina pa yata 'to nagtatanong ng kung ano-ano ah?

" Well, long story. Teka nga, bakit mo ba natanong? "

" Nothing. I was just curious, nakwento kasi sa'kin ni Aphrodite kung bakit ka malungkot kahapon. " sagot niya sa akin. So kwinento ni Aphrodite na umamin ako? What the heal, napakadaldal talaga nung babaeng 'yun!

" So alam mo na umamin ako pero I was rejected? "

" Actually— wait, you were rejected? She just told me that you miss talking to your crush, hindi niya din sinabi yung pangalan but alam kong si Zeus 'yon. You were pretty obvious though, halatang si Zeus yung gusto mo. "

Ang shunga mo, Hera. Ikaw mismo ang nanglaglag sa sarili mo. Hays, okay lang naman sigurong malaman ni Noah diba? Kaibigan ko din naman siya.

" Well, yup. I told him what I feel, but he said that he doesn't feel the same way. " At ngumiti nalang ako ng pilit para masabi ko na okay lang ako.

" That's fine, Hera. Tara, let's eat ice cream para malabas mo yung lungkot mo. " Then pumunta siya sa kotse niyang naka-park sa labas ng school at pinagbuksan ako ng pinto.

Ngumiti ako sa kaniya kaya nginitian niya din ako, sumakay na ako sa kotse niya at papunta na kami sa aming pupuntahan.

──────────────────────────

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CRIMEWhere stories live. Discover now