I didn't want him to be associated with me. Ayoko rin malaman ng tao na magpinsan kaming dalawa, baka mamaya sumama rin image niya at ng pamilya niya ng dahil lang sa akin.
At saka nahihiya rin ako, kasi ipinagtanggol niya ako. Tinulungan niya ako. Ni sinugal niya ang sarili niya para sa akin, pero sa huli nabaliwala lang ang lahat kasi bumalik pa rin ako kay RR. Hinahayaan ko pa rin siyang gawain ang lahat ng gusto niya sa akin.
Pagkatapos ko uminom, pumunta na lang ako sa dancefloor at nakipagsayaw sa kung sino-sino.
That's the thing about alcohol. It makes you forget about all your worries for a while. It makes you escape reality even for just a second, a few minutes or maybe hours even.
It was already around three in the morning when I got back on the counter.
"I'm sure!" sabi niya.
Napatingin ako sa ingay na nagmumula sa isang table. Nakita ko kaagad ang barkada nina Alesso. Nasa ibabaw na ngayon ni Rean si Greg.
Nanlaki mata ko.
"A-aww!" sigaw pa niya.
"Teka lang! Isa pa!"
Hindi ko makita kung ano talagang ginagawa nila kasi ulo lang nila nakikita ko, tapos tawa lang naman nang tawa mga kaibigan nila.
Pagkatapos ng ilang minuto, umalis na si Greg sa ibabaw niya. Ano'ng ginawa nun?
I just shrugged.
Uminom na lang ulit ako. Ito lang ang linggo na wala siya. Na hindi ko siya makakasama kaya kailangan ko ng sulitin, kasi sino bang may alam kung kailan ulit 'to mangyayari? Kung kailan ko ulit mararamdaman na malaya ako?
"I think you can flirt with me now."
Halos mapatalon ako sa gulat sa lalaking umimik mula sa likuran ko.
Napatingin ako sa kanya. "Bakit ngayon lang?" I asked him.
"I think the slits made me confident," he said.
'Tsaka ko lang napansin 'yung kilay niya na may dalawang hiwa na ngayon.
"Bagay," I smiled at him.
"Sa'yo?" he asked.
"I think the slits also made you flirty," I chuckled.
"It did?" he asked. "Or maybe I really am flirty?"
Napailing na lang ako sa kanya. "You're drunk."
"I'm not," iling niya. "I just really get flirty around three in the morning."
"Really?" I asked as I got closer to him.
"Really," he said as he moved forward until our faces were now only inches part.
Tiningnan ko ulit siya sa mata. Tiningnan niya rin ako. Naramdaman ko nanaman 'yung puso ko na tumitibok nang mabilis, tanging siya lang ang nakakagawa noon at nakakapagpadama sa akin.
"Do you feel it?" I asked him.
Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam noon.
Maybe it's just sexual tension. I'm not really sure.
Nanatili lang siyang nakatingin sa mga mata ko.
"Do you feel it?" I asked him again.
Nadama mo ba?
"Do you?" he asked instead.
"I do," I said.
"I want to kiss you right now."
YOU ARE READING
'Di Madama
General FictionEver since Anya met Rean Ximenez, she couldn't get him out of her mind. To her, he was unforgettable-a guy who gave her so much to remember. A one-night stand turned into a series of unfortunate events. A lie changed both of their lives forever. If...
• Last Chapter (Part Two) •
Start from the beginning
