• Last Chapter (Part Two) •

Start from the beginning
                                        

Umiling siya sa akin. "Muntik na nga akong hindi papasukin ni Kuya Guard kanina. Pasalamat ka gwapo ako," he said.

I scoffed. "Ang kapal."

"Come here," he said. Kinuha niya ang mga kamay ko at hinila niya ako palapit sa kanya hanggang sa yakap yakap niya na ako.

I looked up at him. "Are you okay?" I asked.

Tumango siya. "Yes. I don't need to be not okay for me to hug you."

I smiled. One thing I discovered about him: he likes hugs. Every chance he gets to hug me, he would. He's really affectionate and I love that about him because he always made me feel like I'm someone special and worthy.

All this time, I thought I was already numb, but then he came and changed everything.

In my world that's full of pain and scars, he's the only one who made me feel again.

"We're gonna be endgame, okay?" he asked as he cupped my face.

I nodded as a tear fell on my face. "Okay."

* * *

Natigilan ako nang bigla na lang may sumakal sa akin. Ngayon lang ulit ako umuwi ng apartment ko para kumuha ng mga damit at gamit.

"RR, p-please-"

"Who's the guy you're seeing?" he asked.

Umiling ako. "N-no one. He's just a fling-"

Isang malakas na sampal ang nakuha ko mula sa kanya.

"Fling?! You even have the time to look for someone?!"

"D-di ba sabi ko naman sa'yo magdududa mga kaibigan ko kapag w-wala akong kasama..." ni hindi ako makapagsalita nang maayos.

With that he calmed down again.

"Just make sure that's just for show," aniya bago tinanggal ang hawak niya sa leeg ko.

Akala ko makakahinga na ako pero kaagad niya akong tinulak papunta sa kama.

Pumaibabaw siya sa akin bago niya ako hinalikan ng pilit.

At sa hindi mabilang na beses, hinayaan ko nanaman siyang babuyin ako.

Napatingin ako sa kanya. His eyes were already bloodshot. It was already around three in the morning. Tumakas lang ako kay RR nang mabasa ko ang text niya na namatay daw ang kaibigan niya.

"Rean," I called. I opened my arms wide, offering him a hug. Kaagad niyang tinakbo ang distansya naming dalawa at niyakap niya ako nang mahigpit. "I-it's okay..."

Umiyak ako habang yakap niya ako, hindi dahil kailangan niya pero dahil mas kailangan ko. Nasasaktan din ako sa nararamdaman niya ngayon pero mas nasasaktan ako na wala akong ibang ginagawa kung hindi ang lokohin at pagsinungalingan ang lalaking kayakap ko ngayon.

"I-I'm sorry..." sabi ko lang sa kanya habang patuloy pa rin ang pag-iyak niya sa balikat ko. "I'm sorry..."

"It's not your fault," sabi niya.

Tumango lang ako kasi kahit kailan hindi niya naman ako maiintindihan.

Hindi niya ako mauunawaan.

Hindi niya ako madadama.

"Thank you for everything," sabi niya. Nandito na kami ngayon sa kotse niya, sa tapat ng bahay ni Lolo. Sabi niya naiintindihan niya naman daw kung hindi ko pa siya mapapakilala kay Lolo, kasi sinabi ko sa kanyang buhay pa siya kahit hindi na. Ayoko lang na kaawaan niya ako na wala akong pamilya. Na walang nagmamahal sa akin.

'Di MadamaWhere stories live. Discover now