• Last Chapter (Part One) •

Comincia dall'inizio
                                        

"This is embarassing," simula niya.

Nanlaki mata ko. "Please 'wag kang aamin sa akin!"

Nanlaki rin bigla mata niya.

Halos masapo ko ang noo ko nang marealize kong nasabi ko 'yun nang malakas.

"I mean-"

He cut me off. "It's okay," sabi niya kaagad. "I just wanted to ask you if you took a picture of my winning shot? Is it possible to have a copy of it? If only that's okay, of course."

I swallowed the lump in my throat. "Ah, oo n-naman. Bakit hindi?" I said. "Uhm, tag na lang kita sa Instagram tapos pwede mo ako ma-reach doon kung gusto mong e-mail ko sa'yo 'yung mga raw pictures."

He smiled at me again. Please, tama na ang pagngiti!

"Really?" he asked. Tumango ako. "Thank you so much. I really appreciate all your hardwork. I promise to give you credits," he said even raising his right hand up.

Lord.

"You're welco-"

"Babe!"

Natigilan ako nang bigla na lang may babaeng yumapos sa kanya mula sa gilid. Right. In the first place, bakit pa nga ba ako nag-expect na single pa siya?

Gwapo.

Matangkad.

Basketball player.

Mukhang may abs.

Mabango.

"Congrats!" sabi ni Ms. Face of the University a.k.a Lina Del Valle. Ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa bago tumalikod. Ano namang laban ng photographer sa face ng university? Tanggap ko pa sana kung 'yung girlfriend niya average na person tulad ko, pero hindi! Kailangan talaga 'yung queen bee ng campus?! Kailangan talaga 'yung babaeng nasa poster tuwing enrollment season?!

At bakit ba affected na affected ako?!

I just shook all the thoughts away before finally heading outside and going home. Kaagad kong binuhay laptop ko para i-transfer 'yung mga files at i-edit 'yung mga pictures. Kailangan ko pa magsend sa pubmat head namin ng mga pictures na ipopost sa page.

Nang makapag-send ako sa kanya, sunod ko namang hinanap lahat ng pictures ni jersey #6. Pinost ko sa Instagram ko 'yung pinaka-unang picture ko sa kanya.

Ilang minuto pa lang nang ma-upload ko 'yon, nag-comment na kaagad siya.

Kaagad kong ini-stalk account niya.

Rean Ximenez

18 • SFAMBT #6 • Always great before God

I clicked the message button and sent one picture first. Hindi naman sobrang dami nung picture niya kaya okay lang. Pagka-send na pagka-send pa lang nung unang picture, na-accept niya na kaagad 'yung message request ko at nag-reply.

rean.x: Thank you so much, Anya!!! :)

Hindi ko alam pero napangiti ako. May girlfriend 'yan! Bulong ng maliit na boses sa isipan ko. Ano naman? Bawal ba kiligin sa may girlfriend na? Hindi ko naman nilalandi! Kinilig lang naman ako, normal naman siguro magka-crush sa basketball player, hindi ba?

anyanez: Welcome!!! :)

Isesend ko na sana 'yung mga pictures niyang iba nang mag-message ulit siya.

rean.x: Is it okay if I give you my USB? So sorry for the many requests. It's just that... my winning shot means a lot to me. It was a first time. Hehe

'Di MadamaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora