• Last Chapter (Part One) •

Start from the beginning
                                        

I just shrugged. Mas maalam pa ba ako sa Coach? Ibinalik ko na lang mata ko sa camera at nagsimulang magpicture ulit. Sinundan ko si #6 bago ko siya pinicturan. Hot naman pala kapag pinagpapawisan. Ipinasa sa kanya ni #23 ang bola or also known as Mr. Face of the University - Fabian Gatchalian. Akala ko ishu-shoot niya na pero ipinasa niya kay #16 or also known as Mr. Hearthrob and Goodboy, at first cousin ko - Alesso Yuchengco.

Mayroon na lang fifteen seconds left at dikit na dikit ang laban.

93-92, leading pa ang Xavierville. Kapag nanalo sila ngayon, sila na ang champion, pero kapag hindi, magkakaroon pa ng third game. Tiningnan ko si Alesso, I tried my telekinesis powers and tried communicating with him.

Ipasa mo kay Fabian ang bola, sabi ko sa utak ko. Hindi ko alam kung effective, pero kasi si Fabian kahit saang side o lupalop ata ng court siya nakapwesto, kayang-kaya niya pa rin ma-shoot sa ring 'yung bola.

Hindi effective 'yung powers kasi kay jersey #6 niya ipinasa ang bola. I closed my eyes when I saw him attempting to shoot a three-point shot with only five seconds left on the clock.

Pero kaagad din akong napamulat nang magsigawan ang mga tao at naglaglagan ang confetti.

"And this year's champion is no other than Saint Francis Academy!"

Kaagad akong tumakbo at patuloy sa pagpicture ng winning moment ng team. Ngiting-ngiti pa ako nang makuhanan ko 'yung shot na magkakayapos sila sa isa't isa. Kaagad na hinanap ng mata ko sa camera lens si jersey #6. Picturan ko siya nang marami, bilang sorry na rin na hindi ako nagtiwala sa skills niya na makaka-shoot siya.

Biglang naging itim 'yung nakikita ko sa camera ko kaya dahan-dahan ko 'yun ibinaba, pero natigilan ako nang makita ko si #6 sa harapan ko.

Like a scene in the movie.

Like a chapter in a novel.

Parang biglang tumigil ang ikot ng mundo, maging ang pagbagsak ng confetti ay naging slow motion din.

Everyone started getting blurry.

Dug-dug, dug-dug. Letcheng puso.

And now, all I can see is him.

All I can feel is him.

Dahan-dahan ay itinaas niya ang kamay niya papunta sa mukha ko. Napapikit ako pero kaagad din na napamulat nang mapagtanto kong tinanggal niya lang 'yung mga confetti sa buhok ko.

Lintik na confetti.

He smiled at me before he looked down. "Anya," he said reading the name on my tag.

"Re-"

"Congrats! Imba ka talaga!"

Nagulat ako ng bigla siyang niyapos ng kaibigan niya. He smiled apologetically at me, I don't even know what it was for. I smiled back at him before taking steps backward. Umalis na rin ako doon at sinimulan picturan ang iba pang mga players.

"Alesso!" tawag ko.

Napatingin siya sa akin. Kaagad naman siyang ngumiti nang makita na nakatapat na ang camera sa kanya.

"Isa pa!" I said.

May hinila siyang babae bago niya ipinatong ang kamay niya sa ulo nito. I smiled while looking at him and Arena. Kinuhanan ko sila ng picture at pagkatapos ay ipinakita sa kanila. Ipinapakita ko pa sa kanila ang picture ng may kumulbit sa akin. Sabay sabay kaming tatlo napatingin sa kanya.

Si jersey #6 ulit.

"I need to ask you something," he said.

Tumango lang ako bago siya hinarap.

'Di MadamaWhere stories live. Discover now