Chapter Twenty-two

Start from the beginning
                                    

"At isa pa, mabait na bata si Calia at malawak ang pang-unawa. Kaya alam naming matatanggap ka niya." Sabad naman ng ama niya.

Narinig niya ang pag-iyak ng taong kausap ng kanyang mga magulang. And she can't help but to cry also. Isang matinding kurot sa kanya ang marinig ang pag-iyak nito.

"Huwag ka nang umiyak Calixto. Hindi 'yan maganda para sa kalusugan mo." Ani Mommy Camille rito.

Dahil nakaharang ang kanyang mga magulang ay hindi namalayan ng mga ito ang kanilang presensiya sa likuran.

"H-hindi niya a-ako m-matatanggap. H-hindi niya m-matatanggap na ang kanyang a-ama ay isang b-bilanggo. I-isang masamang t-tao." Anito.

Habang sinasabi iyon ng kanyang tunay na ama ay masaganang namamalisbis ang kanyang mga luha. Sumisikip na rin ang kanyang dibdib dahil sa kanyang mga naririnig.

"M-mahal na mahal ko ang anak ko. A-at m-mas n-nanaisin ko pa ang h-hindi niya na ako m-makilala pa. M-mas makabubuti iyon sa kanya..."

"Paano niyo nasasabi ang mga bagay na 'yan ha? Paano niyo ako nagawang husgahan ng ganyan?" She can't help but to burst out because it hurts her. It really really hurts, to hear those words from her father. Her real father.

Biglang lumingon sa kanya ang mga nakagisnang mga magulang at katulad niya ay umiiyak na rin ang kanyang Mommy Camille at Tita Diane kahit na mababanaag sa mga mukha ng kanyang Daddy Paul at Mommy Camille ang pagkabigla ay nakita niya pa rin ang kasiyahan sa mga mukha nito.

Gumilid ang kanyang mga magulang at doon, sa kama, nakita niya ang isang lalaki. Na bagama't maputla ang kulay ng balat ay halata naman ang pagiging makisig nito.

"Papa..." Sambit niya at tinawid ang kanilang pagitan. At masuyong niyakap ang kanyang amang katulad niya ay hilam na rin sa mga luha.

"C-calia... A-anak ko. A-anak ko!" Humahagulhol na rin ang kanyang ama katulad niya.

Ilang minuto rin sila na nasa ganung posisyon na magkayakap lang. At nang maghiwalay sila ay mababakas sa mukha ng kanyang ama ang matinding kasiyahan na alam niyang makikita rin nito sa kanya.

"Anak, lalabas muna kami. Hahayaan na muna namin kayong mag-usap ng ama mo." Anang Daddy Paul niya, at marahang hinila nito ang kanyang Mommy Camille at tinanguhan ang iba.

She saw her man softly smiling at her. "I'm just outside baby."

Napangiti siya sa tinuran nito. Nanatili pa rin ang kilig sa kanyang sistema na idinulot ng binata sa kanya.

Inihatid niya ito ng tanaw nang dahan-dahan itong naglakad patungo sa pintuan ng silid na inookupa ng kanyang ama. Nang tuluyan na itong makalabas ay saka niya naman hinarap ang kanyang ama.

Marahang hinaplos nito ang kanyang pisngi. "You looked like your mother. Parehas na parehas kayong maganda at maamo ang mukha."

Parang may bumikig sa kanyang lalamunan nang banggitin nito ang tungkol sa kanyang ina.

"W-where is she po?"

Nag-ulap na naman ang mga mata ng kanyang ama at ramdam niya ang panginginig ng mga kamay nito.

"Pagkatapos niyang manganak ay... a-ay b-binawian siya ng buhay anak."

Natutop ni Calia ang kanyang bibig dahil sa narinig mula mismo sa kanyang ama, at hindi niya maapuhap ang mga salita na gustong lumabas mula sa kanyang bibig.

"N-nang nalaman kong buntis si Talia sayo, sobra-sobra ang pagnanais kong makalaya sa kulungan. Ngunit masyadong makapangyarihan ang taong nagpakulong sa akin kaya ganun na lang ang paghihinagpis ko ng hindi ko man lang nasilayan ang iyong ina. Ni hindi ko man lang naalagaan ang asawa ko habang ipinagbubuntis ka niya anak. Wala akong magawa kundi ang magdasal na sana'y maging maayos palagi ang kalusugan niya. Na sana'y maging maayos ang panganganak niya."

ℳ𝒾𝓃ℯ 𝓉ℴ 𝒟ℯ𝓈𝒾𝓇ℯ♡Where stories live. Discover now