39

37.2K 951 198
                                    

AGNELLA TELESE

"May napili ka na bang dress, hija? May nagustuhan ka na bang design?"

Saglit kong tiningnan si Mommy na siyang kasama ko rito sa pagmamay-ari niyang boutique bago ko binalik ang aking atensyon sa pagtitingin sa mga gown design na siya mismo ang nag-sketch.

I sighed and shrugged my shoulders.

Kasalukuyan akong pumipili kung anong gown design ba ang susuotin ko para sa wedding ni Ales. Pero halos lahat ng mga gown ni Mommy ay magaganda.

"Wala po akong mapili, Mom. Ang gaganda naman po kasi nitong mga design n'yo kaya hindi ako makapili," pag-amin ko sabay tawa ng mahina.

Bahagya ko pang inangat ang hawak kong album kung saan nakalagay ang mga sketch niyang mga gown.

Kanina pa talaga kami sa boutique pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong mapili. Halos lahat ng design niya ay nakita ko na at lahat ng mga iyon ay talagang nagustuhan ko kaya nahihirapan akong pumili. Natawa siya at kinuha sa akin 'yung album.

"Okay, sweetie. Ako na sigurong bahala sa wedding gown na susuotin mo. Baka mai-stress ka pa sa kaiisip kung ano ang pipiliin mo. Makasama pa 'yan sa baby na dinadala mo," natatawa niyang saad kaya pati ako ay natawa rin.

Paniwalang-paniwala talaga sila na may baby na sa sinapupunan ko kahit wala naman talaga. Kasalanan 'to lahat ni Ales. Kinailangan pa tuloy naming panindigan na buntis nga talaga ako kahit hindi naman talaga. Huwag lang sana nila kaming mabuko nito.

"Susukatan na lang kita gamit itong tape measure at para mabilis ko nang magawa ang gown mo," salita pa ni Mommy kaya tumango lang ako.

Tumayo na ako para simula na niya akong sukatan. Nasa gilid niya ang kanyang sekretarya para isulat sa papel kung ano ang sukat ko para hindi nila makalimutan.

Pinasadahan ko ng tingin ang boutique ni Mom. Maganda ang mga gawa niyang design na mga damit at masasabi kong maraming mga nagpupunta rito para bumili. Hindi na katakataka na naging successful fashion designer ang Mommy ko dahil magaling siya, napaka-talented at mahal na mahal niya ang kanyang trabaho.

Saglit kong chineck ang suot kong relos. 12 p.m na. Hihintayin ko na lang siguro si Ales dito para sabay kaming kumain ng lunch. Tumawag naman siya sa akin kanina na susunduin niya ako rito sa boutique.

Lihim akong napakagat sa ibabang labi ko nang biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari noon sa loob ng kotse niya. Hanggang ngayon ay pinapamulahan pa rin ako ng mukha dahil hindi ako makapaniwalang nagawa namin iyon mismo sa kotse niya.

Sa simpleng hawak at halik lang ni Ales ay nawawala na ako agad sa sarili ko. Five days na ang nakalipas mula nang mangyari iyon. Naulit 'yon ng isang beses noong sunduin niya ako sa office.

Ako pa rin kasi ang pansamantalang umaasikaso sa company ni Dad dahil nagpapagaling pa rin siya hanggang ngayon kahit na nakalabas na siya ng hospital.

"Miss Agnella, heto na po ang pinapabili n'yo," nakangiting sabi ng staff ni Mommy na kapapasok lang. May bitbit siyang isang supot ng plastik bago siya lumapit sa amin at nilapag sa coffee table 'yung mga pinabili ko.

"Salamat po. Pasensya na kung pinabili ko ulit kayo," sagot ko. Ngumiti pa ako ng alanganin sa kanya.

"Wala pong problema, Miss Agnella. Bukal sa loob ko ang pagsilbihan ka," masigla niyang sagot kaya natawa kami.

"Salamat po ulit," muli kong pasasalamat. Tumango lang siya at agad nagpaalam para asikasuhin na ang mga customer.

"Ano na naman ba 'yang pinabili mo, anak? Hindi ba't kumain ka na ng siopao kanina? Ubos mo na ba 'yung tatlo?" takang tanong ni Mommy habang abala siya sa pagsusukat sa waist ko.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Where stories live. Discover now