Settlement

1.2K 69 6
                                    

Lara's POV

Fiancé.. yan tawag ko kay Brei, nagstart na yung quarantine at syempre iisang bahay nalang kami. Medjo umayos na din yung pakiramdam ko pero yung sa bandang dibdib ko masakit parin. Nagwowork from home nalang ako simula nung aksidente dahil ang hirap gumalaw. Si Brei ang palaging nandyan para alagaan ako kahit hirap na hirap na siya. Kaya nga sobrang saya ko nang pumayag siyang pakasalan ako eh.

"Lang gamot mo oh" sabi niya pagkapasok ng kwarto at sabay iniabot yung gamot ko.

"San ka galing?" Tanong ko at ininom yung gamot.

"Nagluto ako sa baba ng pananghalian mo saka kumuha ng gamot mo" sagot niya sabay abot ng tubig.

"Magpahinga ka naman, pumasok ka pa kanina ah?" Sagot ko sabay inom ng tubig.

"Ayos lang yun parang tanga to! Mas nababantayan nga kita kapag nasa bahay ako eh" sagot niya.

"Nga pala, GCQ na sapat kaya yung mga groceries at stocks natin sa bahay?" Tanong ko.

"Oo naman, inaalala ko lang yung gamot mo eh, hindi ako nakabili dahil inaasikaso ko yung sa bahay namin" sabi niya habang nagliligpit ng mga pinaggamitan ko.

"Hayaan mona, magkakasya yun" sabi ko sakanya, ngumiti siya at lumabas ng kwarto.

Siguro pumunta siyang kusina. Nakaidlip muna ako ng siguro 20mns. Nagising nalang ako ng may tumatapik sa pisngi ko. Imunulat ko yung mata ko at may nakita akong pandak na anghel pero ubod ng ganda. Agad akong ngumiti at niyakap siya. Binigyan ko siya ng mumunting mga halik sa labi, agad naman akong pumatong sa ibabaw niya pero bago ko pa halikan yung leeg niya agad niya akong kinurot sa braso.

"ARAY!!" napadaing ako.

"Wag kang malandi, kakain na tayo" sabi niya.

"Diba pwedeng ikaw nalang yung kainin ko?" Sabi ko.

"Hindi!" Pinanlisikan niya ako ng mata.

"Sungit talaga neto" sabi ko kaya piningot niya ako sa tenga.

"Aray!!" Daing ko.

"Ano?! Sinong masungit?! Ha?!" Pagtataray niya.

"Wala! wala!!" Sabi ko.

"Isa pa talaga Layar ha!" Hawak niya parin yung tenga ko kaya ang sakit.

"Joke lang yun Obri naman!! Aray!!" Sabi ko. Binitawan na niya yung tenga ko saka tumayo.

"Tumayo kana dyan baka pingutin pa ulit kita" sabi niya saka ako hinila pababa.

"Eto na! Eto na! Bat ba parang badtrip ka ngayon?" Tanong ko.

"Kase ano.. ano.." para siyang kinakabahan na ewan.

"Brei tumingin ka saken, kase?" Tanong ko.

"Kase bumalik si Sil" mahinang sabi niya.

"Ano?" Tanong ko.

"Bumalik siya, ang huling balita ko nasa States siya p-pero umuwi siya" sabi ni Brei.

"Anong ginawa niya sayo?! Lumapit ba siya sayo?! Ano?!" Tanong ko.

"Kumalma ka nga! Di siya lumapit dahil kusa nakong lunayo" sagot niya.

"Naninigurado lang ako. Afterall FIANCÉ KITA" may diin na sabi ko.

"Alam mo? Ang OA mo ha?! Halika na kumain na tayo, wag mo masyado istressin sarili mo masama sayo yan sabi ng doktor" sabi ni Brei habang nilalagyan ng kanin at ulam yung pinggan ko.

"Simula bukas papahatid sundo kita kay Joey para malaman kong safe ka, pati may body guard kana" sabi ko.

"Lang, wag mong alalahanin yun masyado ah?" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko na nakapatong sa lamesa.

48 ParallelWhere stories live. Discover now