HongKong (M)

1.7K 73 9
                                    

Amy's POV

Bakit nga bako nandito?! Tangina nananahimik ako sa apartment ko kung di lang ako tinawagan ni Charm eh, day-off ko kase ngayon at si Charm yung nakatoka sa pagiikot ng mga turista ngayon eh. Diko ba naman malaman bat ayaw ng universe pagpahingahin ako?! Kaya eto nakabusangot ako na nakaupo sa office ni Mr. Wang na kanina pa nagsasalita.

"Amanda, dont give me that look. Im sorry if Charm didn't make it today since she was in the hospital" sabi ni tanda.

"I understand sir" sabi ko nalang.

"Today is very important since the founder of this agency will be observing you today" sabi ni tanda.

"Really sir?! Can I know what his or her name?" Tanong ko.

"She said she wanted to be discrete in order for her to see her employees how they act evenly on their customers" sabi ni tanda.

"Alright ser" sabi ko at tumayo na.

"Xie xie Mr. Wang" sabi ko sabay yuko at bigay galang. Umalis nako at nagpuntang lobby.

"Oy Amanda!! Late kana!" Sigaw ni Tine, kaibigan ko na nagtratrabaho din dito.

"Ang ingay mo alam mo yun?!" Pagtataray ko.

"Sorry na bhiee!! Excited lang ako na makilala yung boss natin nohhh!! Pano kung gwapoo tapos matipunoo!! Aaahhh!!!" Nagtititili na siya dito kaya nakakuha siya ng attention sa mga bisita.

"Hoy Tine! Pwede bang manahimik ka?! At pano ka nakasigurong lalake yung boss natin?! Pwede namang babae ah?" Sabi ko.

"Gaga wag kang pabitin ha?! Panira ka ng pantasya eh" sabi ni Tine.

"Pasensya na ha?! Saan daw ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Bale Victoria Peak muna daw tapos Hong Kong skyline then last natin is Star Ferry" sabi ni Tine

Tumango nalang ako dahil nakita kona yung bus na sasakyan namin. Matapos yun ay umandar na yung bus pero bago pa kami makaalis ay biglang may isnag babaeng habol ang hininga na pumasok sa bus. Tatanungin kona sana kung anong pangalan niya pero agad naman siyang umupo dun sa pinakadulo ng bus sa may gilid at nagsalpak ng earphones. Baka anak ng isa sa mga turista tapos huling nagising.

"Goodmorning everyone!! I'am Amanda but you can call me Amy!! I'm going to be your tour guide for today!!" Masiglang bati ko sa mga turista at agad naman silang nagpalakpakan, maliban dun kay ate na may sariling mundo.

"First stop is Victoria Peak!! For our first stop I want all of you to take a look and appreciate the beauty of Hong Kong!!" Masiglang sabi ko.

Pagkadating namin sa Victoria Peak agad namang namangha yung mga turista, maliban parin sakanya. Nagkanya kanyang pictures at syempre nilibot ko din sila sa buong view. Nakita ko naman yung babae kanina na nakatanaw lang sa view ng Peak at nagcecellphone kaya minabuti kong lumapit sakanya.

"Hi! I'm Amy!" Masiglang bati ko.

"Yea, I heard earlier" walang gana nyang sagot.

"Sungit naman neto" bulong ko.

"What did you say?! Ako masungit?! Really?!" Pagtataray niya.

"Kalmahan mo lang miss, Pilipino ka pala" sabi ko, kinakabahan nako ngayon palang.

"Yea so what?! Tourguide ka diba? Bakit ako lang kinakausap mo?!" Tanong niya.

"I found you interesting kase eh" sabi ko.

"Uhmm thank you?" Not sure pa siya sa sagot niya.

"Nga pala what' your name?" Tanong ko.

"I'm Yss-" diko narinig yung sagot niya dahil tinawag nako ni Tine.

48 ParallelKde žijí příběhy. Začni objevovat