Extra Service

1.4K 74 20
                                    

Ecka's POV

"Maam? Andito po si Belle" sabi ni Lyza.

"Papasukin mo. Pakikuha na din ako ng kape, salamat" sabi ko.

"Right away maam. Oh pumasok kana daw mars" sabi ni Lyza.

"Hi, ecka bat moko pinatawag?" Bungad na tanong ni Belle pagpasok nya ng office ko.

"Good morning din sayo Belle, and yes I have something to talk about sayo" sabi ko.

"Here's your coffee maam" sabi ni Lyza at nilapag yung kape ko sa table.

"Thank you" I gently said. Lumabas na siya ng office ko at inayos ko yung upo ko.

"So Belle, how are you?" Tanong ko.

"Okay naman ako, medjo matagal na din ako nagpapart time dito tapos may iba pakong pinagkakakitaan kaya ayun may ipon na din ako, nagpatayo ako ng maliit na tindahan para kila nanay" kwento nya.

"Eh ikaw? Pano ka? Anong mangyayare sayo ngayong quarantine?" Tanong ko sabay inom ng kape.

"Naghahanap nga po akong apartment pansamantala dito bago ako umuwi ng probinsya eh" sabi nya.

"Teka, ikaw lang? Pano nanay mo? Akala ko kayong dalawa lang nandito sa manila?" Tanong ko.

"Pinauwi kona pong probinsya si nanay dahil mas kailangan sya dun. Isa pa kaya ko naman po" sabi nya.

"Alright here's the offer, pwede kang tumira sa bahay ko until matapos yung quarantine. But in one condition" sabi ko.

"Ano condition? Saka Ecka parang sobra sobra naman na ata yung tulong na binibigay mo saken saka sa pamilya ko, tama na yun" sabi niya.

"Be my girlfriend until the date I said, wala kanag proproblemahin pati sa trabaho mo wala. Just pretend to be my girlfriend, sagot kona lahat" sabi ko. Halata naman yung gulat sa mukha nya, as I expected.

"Belle, I'm asking if you could pretend to be my girlfriend. I'm running out of time, kelangan ko ng isang tao na maihaharap ko sa pamilya ko bago nila ako ipagkasundo. Please?" Pagmamakaawa ko sakanya.

"S-sige.." mahinang sambit nya.

"T-talaga?? Payag ka? Sure na yan ha??" Masayang sambit ko.

"Sa lahat ng ginawa mo saken at sa pamilya ko, kulang pa tong gagawin kong tulong sayo" sabi nya at ngumiti.

"Thank you" sabi ko at ngumiti din.

Nagusap lang kami saglit at nagkwentuhan. Pagtapos nun hinatid kona siya sa baba, nagbilin na din ako sa mga maids na maglinis sa bahay dahil dun nga makikitira si Belle. After ko pumirma ng mga papeles sa isang branch ay lumipat naman ako sa may Parañaque branch para tumingin kung may stocks pa ba sa inventory.

"Maam Ericka magandang gabi po, nalinis na po namin yung buong bahay. Napalitan na din po namin yung kobre kama sa isang kwarto" sabi ng maid.

"Sige, salamat ah? Magday-off muna kayo bukas, ako nang bahala" sabi ko at umalis na sila.

Umakyat nako ng kwarto ko at nagbihis, mamaya darating na din si Belle dahil sabi ko pwede na siyang pumunta rito. Nagbihis lang ako ng white sando saka boxers para komportable, bumaba nako at naghanap ng pwedeng lutuin. May nakita naman akong baboy at manok sa ref kaya nagluto nalang ako ng sinigang na baboy at adobong manok, iniintay ko nlang na dumating si Belle para magsimula na kaming kumain. Sabi nya malapit na siya sa bahay at kasama yung ilang tauhan ko.

Habang nagiintay may nakita ako sa ref na mga Shanghai galing kay Abby dahil birthday nung pamangkin nya, binigay nalang saken kase baka daw maubos na Sela andami na nyang nakain. Ininit ko lang yung Shanghai saglit at sakto naman pagbukas ko ng microwave biglang pagdating ni Belle dala yung mga gamit nya.

"Oh lika na lapag mo muna yang mga gamit mo dyan sa tabi, dinner is ready" sabi ko sabay lapag nung Shanghai sa lamesa.

"Uyy tulala ka dyan?" Tanong ko.

"OMAYGHAD ECKA!!! SALAMAT SA PA-SHANGHAIIII!!!" sigaw na sabi nya at saka takbong umupo sa upan at nagsandok ng kanin.

"Mukhang gutom na gutom ka ah?" Tanong ko at nagsandok na din ng kanin.

"Pano naman kase pagdating ko sa apartment andun yung bruha na naniningil ng upa kaya nagmadali akong kunin mga gamit ko tapos tinulungan ako ng mga tauhan mo, nagkaron pa kami ng bardagulan nung bruha dahil nagtatatalak pa siya" sabi ni Belle.

"Wag kana magalala, andito kana sa bahay ko" sabi ko sabay hawak sa kamay nya. Ngumiti lang siya at kumain na kami.

"Salamat talaga Ecka ha? Sa pagpapatuloy sakin dito sa bahay mo" sabi nya.

"Dont mention it and besides, I should be the one thanking you dahil pumayag ka maging girlfriend ko. I-I mean fake girlfriend" sabi ko.

"Ahh.. tulong kona din sayo since andami mo nang naitulong saken" sabi nya.

Matapos yun nagprisinta nako na ako na maghuhugas at magliligpit ng mga pinagkainan namin para makapagpahinga na siya. Nagsimula nako maghugas ng mga plato pagkatapos ay nilinis ko yung lamesa, mag 9pm na din ng gabi kaya nagpasya nako na umakyat na pero bago ako pumunta sa kwarto ko dumaan muna ako sa kwarto ni Belle at kumatok.

"Belle?" Pagtawag ko.

"Belle??" Pagkatok ko.

"Belle?? Ayos ka lang dyan?" Tanong ko.

"Belle?? Belle??" Pagtawag ko. Antagal naman ata nya sumagot.

"Belle papasok nako dika ka-" pagbukas ko ng pinto pero mukhang maling desisyon yun dahil kakalabas lang din niya galing banyo at nakatwalya lang.

"Ecka anong ginagawa mo dito??!!!" Gulat na tanong nya.

"S-sorry talaga Belle h-hindi ko naman alam na n-naliligo ka ehh.. k-kanina pa kase ako kumakatok walang sumasagot" paliwanag ko.

"A-ahh ganun ba, may sasabihin ma ba?" Tanong nya.

"Ahh w-wala naman, gusto lang kita m-makita I mean ano. Gusto ko lang masigurong ayos ka lang" sabi ko.

"Ayos lang ako wag ka nang magalala" sabi niya.

"S-sige punta nako sa kwarto ko" sabi ko.

"Sige" sabi niya. Isasarado kona sana yung pinto nang biglang magsalita si Belle.

"Ecka? Goodnight" sabi niya. Ngumiti naman ako pabalik.

Tug tug

dugdug

Tug tug

Dug dug

"Goodnight din, Belle" sabi ko saka sinarado yung pinto.

Pumunta nako sa kwarto ko at pagkasarang pagkasara ko ng pinto ng kwarto ko bigla naman akong bumagsak. Hindi ako makagalaw para akong hinihingal dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Oh no, nope nope. Hindi pwede to, nandito siya para punan namin yung mga kailangan namin sa isat isa yun lang. Hanggang dun lang.




















































Hanggang dun lang.

48 ParallelWhere stories live. Discover now