"Hi, Mirla, kaibigan ni Elya." rinig kong sabi ni Mirla sa baba.

Masaya pa ang luka!

Kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo ni Kipp. Naka grey na button down polo siya at naka ripped jeans. Black lang din ang kulay na suot niyang rubber shoes. Typical na suot kapag maga-out of town.

"Where's Elya?" tanong niya, hindi pagpansin sa masayang pagpapakilala ni Mirla.

See, ang sungit niya sa ibang tao. Pero sakin ang isip bata niya! Kay mama lang yata 'to mabait e.

"Ah, si Elya ba?" pagkasabi niyang 'yun ay bigla siya tumingin sa bintana ng kwarto ko, which is kapantay nila! Agad akong nagtago ng sumunod ng tingin si Kipp at takang tinignan ang kwarto ko.

"Sabi niya, umalis 'daw' siya e." emphasizing the 'daw' in her sentence.

"What?"

"Oo e, sabi niya sabihin ko raw sayo na kapag tinanong mo ko kung nasaan siya, isagot ko lang raw, umalis siya."

Gusto kong mapamura sa naririnig kong usapan nila baba. Sabi na, duda ko kay Mirla!

Gayong alam kong pabor na pabor sa kanya na inaaya ako ni Kipp ngayon!

"Where is she, exactly?" rinig kong tanong ni Kipp.

"Nasa itaas natin."

"Isa kang malaking traydor, Mirla." iritadong bulong ko habang ang bilis na ng tibok ng puso ko.

"What do you mean?"

"Tingin ka sa taas, nandun siya sa kwarto niya." Rinig ko pa ang pagtawa ni Mirla.

"Sorry sis, di ko kaya magsinungaling sa gwapo!" Sigaw niya.

Napahigpit ang hawak ko sa kurtina at inis na inis na bumaba para harapin sila. Wala na rin namang sense ang pagtatago ko dahil binuking na ko ng kaibigan ko!

Pagkababa ko ng hagdanan ay nakita kong nakaupo na sila parehas sa sofa namin. Wow, talagang pinapasok na ni Mirla!

Sinamaan ko ng tingin si Mirla pero kinindatan niya lang ko. Ugh!

"Bakit hindi ka pa nakabihis?" bungad sakin ni Kipp at napatingin pa siya sa screen ng cellphone niya, checking the time.

"Mukha ba kong nakahubad?" pambabara ko sa kanya. Nakakainis talaga, ayoko sabing sumama e.

Nabigla yata siya sa sinabi ko kaya bigla siyang nasamid.

"Palaban ka na pala ngayon El ha," nakangising side comment ni Mirla.

Nang makabawi siya mula sa pagkakasamid ay tumayo na siya, "Let's go. Mahaba pa byahe, traffic."

Umiling ako. "Hindi nga ako sasama. Tsaka hindi ko naman kakilala ang mga kasama mo,"

Wala akong ideya kung sino-sino ang sinasabing kasama namin sa Tagaytay. Kase obvious namang puro kabarkada niya iyon at mga college na rin. High school lang ako no!

Kakilala ko raw sabi niya kay mama noon, sinungaling!

"I already told your parents that you're going with me today," aniya sabay pakita sakin nung phone niya.

Don't tell me--

"May number ka ni mama?!" Gulat kong tanong sa kanya.

Tumango lang siya at ngumiti, "Ka textmate ko na nga si Tita e."

Napapikit nalang ako ng mariin at hinilot ang sintido ko.

Hindi ko napansin na kakababa lang ulit ni Mirla galing kwarto ko at may dala ng above the knee na dress ko at knitted cardigan ko. 

"Anong gagawin--"

"Wait lang Kipp ha, magbibihis lang si Elya." Pagputol niya sa sasabihin ko.

Bago pa ko makaangal ay hinatak na niya ko papuntang CR.

"Ano bang-- ayoko nga, isa Mirla!" Sigaw ko ng bigla niya saking iabot ang mga damit ko.

"Magbihis kana, bilisan mo nakakahiya sa gwapong may crush sayo." kinindatan lang niya ako at isinara na ang pinto.

Pilit kong binubuksan iyon pero mukhang nakabantay sakin si Mirla sa labas para siguraduhinh sinunod ko siya.

Bakit ba nangyayari sakin ngayon 'to? Wala na yata akong sariling desisyon!

Sa huli ay sumunod nalang ako kay Mirla. Nakaligo naman na ko kanina pa kaya nagbihis nalang ako. Suot ko lang ay iyong beige kong dress na above the knee, fit sa waist ko pero maluwag naman pababa. Binitbit ko lang ang cardigan ko. Alam kong niready niya 'tong cardigan ko kase Tagaytay ang pupuntahan.

So, bakit ako pinag dress?! Gusto niya ba kong mamatay sa lamig.

Lumabas ako ng banyo at nilapag agad ni Mirla sa harap ko ang flat shoes ko.

I feel defeated sa kanilang dalawa. Wala na kong nagawa ng lagyan na ko ni Mirla ng liptint at powder. Inayusan lang niya ako ng labag sa loob ko.

Hanggang sa kuntento na siya ay lumabas na kami. Nakita kong napaangat si Kipp sa akin ng tingin at nginitian niya lang ako.

Lumipat ang tingin niya kay Mirla na malawak rin ang ngiti ngayon. Pakiramdam ko ay pinagka isahan nila ko!

"Let's go?"

Napairap ako sa kanya at ang sumunod na pangyayari ay nakita ko nalang ang sarili kong nakasakay na ko sa kotse niya.

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now