"Maswerte ka kay Manuel," ani ni Yuri,"Mabait, masipag, gwapo at higit sa lahat ay marunong sa buhay," sabay akbay sa kaibigan

"Yuri Leigj ha?," saway ni Nena sa katabi na nakaakbay sa balikat nito na nakangiti pa

"Totoo naman ah," ani niya," Kung nauna lang si Manuel kay Khael ay magkakagusto din ako sa kanya dahil sa mga katangian niya na pinapangarap ng kahit sino,"

"Tama si Yuri, Nena," pagsang ayon naman ni Sister Janelle,"Kahit ako humanga kay Manuel sa pisikal niyamg katangian eh," sabay tawa nito kaya kinahulan ito ni Khael

"Manahimik ka daw, Tita," pang aasar niya dito,"Madre kana daw kaya bawal na kumirengkeng," sabay tawa ang mapalo siya nito sa balikat dahil sa pang aasar

Nagtawanan nalang silang tatlo ng makitang nakatingin ng masama sa kanila si Khael

"Lagot kayong tatlo," ani ni Aira,"Kung ano ano ang mga pinag uusapan niyo tapos tungkol pa sa lalake," sabay tawa,"Lalo kana Yuri," sabay himas sa ulo ni Khael

Inirapan lang nila si Aira at sabay sabay na nagtawanan dahil sa kalokohan nito

Ilang sandali pa ay nakalapit na sila sa bangka kung saan nakaupo si Manuel

Naka arkila na sila ng isang may kalakihang bangka na kakasya silang lahat

Kaagad silang sumakay dahil nagmamadali na ang bangkero sa pag alis para eksaktong alas tres ay nakabalik na ito doon

Ayaw nitong magpaabot ng gabi sa kabilang pampang dahil sa takot sa mga mapnganib na aswang na lumalabas pag sapit ng gabi at nananalasa ng kabahayan

**********

Nang makababa sila sa bangka ay kaagad na iyon umalis matapos nilang iabot ang kanilang bayad

"Kalahating oras na lakaran bago ang Baryo Dagit,"sabi ni Manuel sa kanila,"May kabarkada ako na taga dito kaya may matutulugan tayo, kaya nga ako sumama para matulungan kayo,"

"Salamat," ani nila dito, tumango lang iyon sa kanila bago nila binilsan ang paglalakad

"Bakit tila takot iyong bangkero dito sa Baryo Dagit?," takang tanong naman ni Bryan

"Dahil din sa aswang," sagot ni Manuel,"Mas malala dito kaysa sa Baryo namin," pagpapaliwanag nito sa kanila

Natahimik nalang sila ng nakita nila ang Baryo Dagit sa unahan nila, may mga tao ding abala sa mga gawain habang may sikat pa ang araw at hanggang may liwanag pa

Palinga linga sila sa kanilang daanan habang papasok sa Baryong iyon

Nakita nila ang ayos ng mga kabahayan na kanilamg nadadaanan, bumabati sila habang dumadaan sa bawat tao na nasa kalsada, nginingitian din sila kapag bumabati sila

Pansin nila ang bawat kabahayan, gawa sa makakapal at matitibay na tabla

Ang mga bubungan naman ay gawa sa yero, ang mga bintana ay may mga harang o rehas, pero ang takip niyon ay mga kahoy na bintana na paslide kung buksan

At ang ipinagtaka nila ay ang mga buhong pinatulis na ipinaikot sa bubungan at mga bintana

Na sinasabing handa na sila sa giyera anumang oras

May nakita din silang mga dahon at sanga ng kalansi at suha na may mga tinik na nakapaikot sa paligid ng kanilang mga bahay

"Malayo pa ba tayo?,"tanong naman ni Sister Janelle kay Manuel habang palinga linga s kapaligiran na para bang may hinahanap iyon

"Sa unahan pa," sagot nito na nakangiti, nakita naman nila na binabati ng iilan si Manuel na halatang kakilala ng mga ito

"Matagal kana bang nagpupunta dito?," tanong ni Yuri

"Oo," sagot nito,"Siguro ang huling punta ko dito ay mga anim na buwan na ang nakakaraan,"

"Ah," napatango nalang siya bilang sagot dito

"Ayon na ang pupuntahan natin," turo nito sa isang bahay na may iilang kalalakihan ang nakatambay sa labas ng bakuran

"Mag aalas kwatro na pala," ani ni Bryan na napatingin sa suot na relo, sabay punas ng tumutulong pawis sa noo at leeg

Agad naman silang lumapit doon sa tinuro ni Manuel

"Magandang hapon po, Kapitan," bati ni Manuel sa isang lalake

"Oh Manuel napadalaw ka?," nakangiti nitong sabi sanay kuha ng kamay at nagmano si Manuel

Tinignan naman sila ng lalaking binati ni Manuel na para bang sinisino ang mga iyon

"Mga kaibigan ko po,"pakilala nito sa kanila,"Pwede po ba kami makituloy sa inyo, Tiyong?,"

"Oo naman," sagot nito,"Pumasok na kayo sa loob habang may araw at liwanag pa,"

"Salamat po," tugon ni Manuel at niyaya na silang pumasok sa loob ng bakuran

"Hindi mo naman sinabi na tiyuhin mo," sabi ni Aira habang naglalakad sila papasok sa loob ng bakuran

"Siya ang nag iisang kapatid na lalale ni Nanay at dito nakahanap ng mapapangasawa kaya dito na din siya tumira," paliwanag naman nito sa kanila

"Ano bang meron dito?," tanong ni Kevin na palinga linga sa kapaligiran,"At ang mga bahay nila may mga panlaban sa mga aswang," sabay turo sa bawat bahay na nakita nito

"Mamaya, ipapaliwanag ko sa inyo," sabi ni Manuel sa kanila,"Sa ngayon ay pumasok na tayo sa loob bago pa tayo abutan ng dahil walang tutulong at magbubukas sa atin sa mga taga dito, hindi kagaya sa amin na tinulungan namin kayo na makaligtas sa mga tiktik, at tinulungan niyo din kami,"

Napatango nalang silang lahat sa sinabi nito bago sila pumasok sa bahay ng kamag anak ni Manuel

Napansin nila ang dingding ng bahay ng mga iyon, halos triple ang kapal ng tabla na ginawang pangdingding at ang pintuan ay makapal na tabla din pero may yero na nakapatong na makikita lamang kapag isinarado na iyon

Agad silang pinaupo sa upuan na yari sa katawan ng kawayan at na pinakintab ng varnish

Pakiramdam din nila na ligtas sila sa loob ng bahay kapag mau mga aswang na lumusob sa kanila

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!




Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now