Chapter 1

15 6 0
                                    


Chapter 1

Disgust


Nakatingin ako sa labas ng e-jeep na aming sinasakyan ng pagkaraming pasahero at pinagmamasdan ang mga tanawin at kabahayan na aming nalalampasan. Nang may nakita akong aso ay hindi ko mapigilan sundan pa rin ito ng tingin at mapangiti. Naalala ko ang aso ko sa bahay namin at nang aking maisip pa lang kung gaano ko ito katagal bago makita muli ay hindi ko mapigilan malungkot.


Mag-aaral na kasi ako sa isang university hindi kalayuan sa probinsiya namin, dalwang oras at kalahati din ang byahe, maliban sa haba ng byahe ay magiging short din ang allowance ko dahil sa pamasahe- kaya much more of a reason para hindi ako makauwi manlang sa probinsiya namin.


Nang mangalay ako sa pwesto ko ay sa loob ng e-jeep naman ako tumingin at unti-unti kong pinagmamasdan ang mga kapwa ko pasahero. Halos mga estudyante ito at matatanda na marahil ay kasama nila. Katulad ko rin kasi silang madaming dalang bag at maleta, ngayon nga talaga ang lipatan ng mga estudyante sa university na papasukan namin.


Bumawi na ako ng tingin at bumalik na sa pagmamasid ko sa labas ng bintana. Hindi ko kasi mapigilan mainggit sa iba at kasama ang parents nila. Well, kasalanan ko din naman at hindi ako nagpahatid, pero ayos lang din kaysa mapagod ko sila papa at mama paghahakot at sa pagcommute balikan. Kayang kaya ko naman pati magbuhat, at advantage ko na din kasi madadaanan naman ng e-jeep ang dorm na tutuluyan ko.


Nang mapalibutan ng mata ko ang green na building ay agad kong binilang ang nalalampasan naming gate ng campus. Ito kasi ang palataandaan ko para i-chat ang kaibigan ko at i-update siya na malapit na ako. Once I count all the four gates ay nag drop na ako ng dm sakaniya.


Hindi ko mapilitang mamangha sa University na papasukan ko kahit nasa labas ako ay kita ko ang lawak nito. 



"Oh Pectos sinong bababa?" saad ng driver nang maihinto niya ang e-jeep.



Agad nagsitayuan ang ibang mga tao sa e-jeep at kasama na ako duon. Muntik pang mawala sa kamay ko ang handle ng maleta nang biglang may tumulong sa akin hanggang pagbaba.


"Ako na Miss." saad ng lalaki.


Hindi ako nag-hindi at nahihiyang ningititan nalang siya. "Thank you,"


Nang makababa na kami parehas ng ejeep ay muli ko siyang pinasalamatan. Tinignan ko ang building na katapat ng binabaan ko at dun ko nakitang nakatayo ang kaibigan ko.


"Christine!" tawag ko. Agad niya akong sinipat at parang batang nagkaka-kaway sa akin. Tatawid na sana siya ng agad ko itong sinigawan. Kita ko ang pagtingin ng ilang mga tao pero wala na akong pake dahil sa kapaguran ko sa byahe.


"Hoy! Hindi ka marunong tumawid!" 



Kita ko ang pag peace sign niya. Napailing nalang ako sakaniya at hinintay ang pagtawid ng mga tao para makisabay. May dala akong isang packbag at shoulder bag, sa kanang kamay ko ang pagkalaki-laki kong maleta at sa kanan naman ang matibay na SM bag na naglalaman ng grocery at ilang gamit na pinaglalagay ni Mama. Pigil hinga ko itong pinagdadala dahil sa kabigatan.

Embracing the End (Lost Girls Series #1)Where stories live. Discover now