"Matatag, bes. Yung mga nagdaang pagsubok mas binigyan lang kami ng rason para mas lalong panghawakan ang isa't isa".

Oo na, kayo na talaga! Joke only!

Tinaasan ko sila ng kilay ng pabiro, "So, ano? Pumunta lang kayo dito para manginggit sa single na tulad ko? Unfair ahh".

I saw them both laugh at my 'misery', syempre char lang. Masaya naman ako sa meron ako ngayon at masaya din ako para sa kanila.

"Bakit ka nga kasi ulit single? Ayaw mo kasi magwork dibaa?". Nakangising pangaasar sakin ni Jai, I rolled my eyes and smile sarcastially at her.

"Alam mo marami ka ng alam, itutumba na kita". Pabiro kong sambit sa kaniya na ikinatawa lang naming tatlo.

"Don't worry, pareho lang kayo". 

Grey said and chuckled afterward; Jai also giggled. Anong alam nila na hindi ko alam? Huh?

"Sanaol loyal kahit di na sila". Inirapan ko si Jai, baka isipin pa ni Grey may feelings pa din ako duon sa best friend niya. No way!

Biglang nagrequest si Grey na nagpalaki sa mata ko, "Can I take a picture of both of you?".

Tumaas ang kilay ko at tinanong, "Bakit? Baka ibenta niyo ako, wag na". Pagbibiro ko.

Lumapit sakin si Jai at umupo sa tabi ko, getting ready for the picture. 

"Sige na, ngayon na nga lang ulit tayo magkasama". Pagpapaawa ni Jai sakin.

I sigh and agreed, "Oo na nga, basta wag niyo akong ibenta ah?". Natatawa kong asar sa kanilang dalawa.

Mahinang natawa si Jai at si Grey at pumwesto na kami ni Jai, I hugged her and smiled widely. Hind ako ready, hindi talaga.

Nang matapos ay bumalik si Jai duon sa upuan niya katabi si Grey, we look at the pictures. Ang ganda.... Ang ganda ko, char!

"You both look so beautiful here". Compliment ni Grey sa litrato namin na nakangiti kami ni Jai ng malawak.

Umiling ako at ngumisi sa kaniya, "Si Jai lang naman maganda para sayo eh, dinamay mo pa ako. Tanggap ko na, Grey". 

Biro ko dito na may matching hawak-hawak pa sa dibdib ko na kunwari nasaktan.

Both of them giggled at my statement.

Cassandra suddenly heard her phone rings, binuksan niya ito at nakita ang isang notification mula sa isang lalaki.

@TyMartinez: Have you eaten yet?

Tanong sa kaniya ng lalaki, she found it unusual pero sumagot din naman siya.

@C. De Vera: Not yet, hindi pa ako gutom.

Itinago niya ang telepono niya at nakipagkwentuhan ulit kila Grey at Jai, namiss niyang kachikahan ang mga ito kaya lubos-lubusin na.

"Kelan ba ang kasal? Invited dapat ako ah". Asar ko sa kanilang dalawa, namula ang mukha ng mga ito na ikinatawa ko.

She's happy na matatag pa din ang dalawa kahit andami ng pagsubok ang dumaan sa mga ito.

"Ganiyan na ba ang effect ng pagiging single mo ng pitong taon na?". Balik na asar sa kaniya ng kaibigan.

I laugh sarcastically.

Choosing You (Us Against The Fate Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora