Ngumisi naman ito sa akin.

"Oh ano naman sayo? Ano namang ipinagputok ng butsi mo dyan! At bakit kaba galit ha! Para naman akong nakagawa ng krimem kung makasigaw ka! At isa pa kaanu-ano kaba ni James? Sa pagkaka-alam ko ako yong asawa ni James at hindi ikaw!" Ang mapang-asar nitong sabi sa akin na sanhi ng pagkulo ng dugo ko

"Oo ikaw yung asawa niya! I mean ex na asawa niya! Ang demonyo at walang puso na naging asawa ni James!"

"Oh alam mo naman pala eh, so back-off dude!" Pang-aasar nito sa akin at syaka niya ako tinulak.

Sinuntok ko naman ito sa kanyang kabilang pisngi na sanhi ng pagkatumba nito ulit.

"Para sabihin ko sayong gago ka! Hindi mo deserve at hindi ka worth it sa pagmamahal sayo ni James! Dahil isa kang demonyo! Hindi ka tao! Dahil hayop ka! Ang hayop! Hayop mo!"

Ngumisi naman itong tumingin sa akin na parang nang-aasar.

"Oo alam kung hindi ako worth it sa pagmamahal ni James! Pero mas hindi siya worth it na mahalin! Dahil ayoko sa lahat yung katangahan niya!"

"Gago ka pala eh! Mas tanga ka kaysa sa kanya! Puta ka!" Galit na galit kong sigaw sa kanya

"Bakit ako pa yong tanga? Ako bayong ipinagsiksikan ang sarili sa taong hindi naman ako mahal?" Ang galit nitong sabi sa akin

"Kung alam mo lang kung sino ang sinayang mo gago ka!"

"Hoy! Para sabihin ko sayo! Hindi ako kailan man nagsisisi na hiniwalayan ko ang baklang yon! Infact naging masaya nga ako eh, dahil wala ng asungot sa pagmamahalan namin ng fiance ko!"

Sinuntok ko naman ito sa kabilang pisngi niya!

"Bakit mo yon nagawa kay James! Hindi mo alam kong anong pinagdadaanan niya hayop ka! Hindi mo alam kong anong problemang dinadala niya dahil ang bobo mo! Napakabobo mong asawa!" Galit na galit kong sigaw sa kanya

"At ano naman ang pakialam ko sa baklang yon? Wala ng kami! Kaya kahit na anong mangyari sa kanya ay wala akong pakialam!"

At dahil sa sinabi niya ay agad ko naman itong kwenilyohan at sinakal.

"Auuuwwhhkk"

"Sabi mo wala kang pakialam sa kanya! Kung sasabihin ko din sayong mas wala siyang pakialam sayo! Dahil una palang isa kang malaking tanga! Inikot na nga ang utak mo! Nagpalason ka pa! At dahil sa putang inang pagmamahal na yan! Naging bobo ka! Mas pinili mo ang taong hindi dapat bigyan ng pagmamahal!"

"At mas mabuti na nga na hiniwalayan mo si James eh, dahil hindi ka kailan man naging deserving na maging asawa niya!"

"Auuuwwhhkk"

Mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkakasakal ko sa kanya.

"Pero ito lang ang sabihin ko sayo Mathius! Sinayang mo ang pagkakataon na maging ama! Siyang mo sila! Sinayang mo ang dalawang anghel sa buhay mo!"

"Auuuwwhhkk"

"Masaya na sana dahil hiniwalayan mo na si James, okay na sana eh para mapakita ko naman sa kanya ang pagmamahal ko na ipinagkait mong ibigay sa kanya! Pero putang ina mo! Nang dahil sa putang ina ka! At dahil sa problemang ibinigay mo kay James! Pinagkaitan din ako ng panahong maipakita ko sa kanya ang pagmamahal ko!"

Nagdidilim na ako sa galit ko ngayon.

"Magpakasaya kana ngayon Mathius kasama yang fiance mo! Dahil babalikan ko pa kayo at sa oras na pagbalik ko! Ipaparanas ko sa inyo kung anong ginawa nyo kay James!"

"Lithium Hill Ward! Yan ang pangalang tatandaan mo! Dahil ang pangalang yan ang magpapabagsak sayo!"

Galit kong sabi sa kanya habang mas idiniin ang pagkakasakal sa kanya.

Nakita ko naman itong nahihirapan ng huminga at namumutla na din ito.

"Kung hindi lang sana kasalanan ang pumatay ng tao! Baka tinuluyan na kita ngayon! Pasalamat ka may konting awa pa akong natira dito sa puso ko!" Ang nanginginig kong galit sa kanya

Binitawan ko naman ito at binigyan ng isang malakas na suntok at sipa. Nakita ko namang namimilipit na ito sa sakit.

Tumalikod naman ako sa kanya at lumabas na sa kanilang bahay.

"Kulang pa yan Mathius! Dahil dalawang buhay ang sinayang mo! Dalawang buhay din ang kukunin ko sayo!" Galit kong sigaw sa aking isipan

Pero di ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Ang dating galit na mukha ko ay naging isang malambot na tinapay ng makita ko ang walang buhay na mukha ni James.

"Sorry James! Gusto ko lang naman makamit mo ang hostisya sa pagkawala mo!"

***************************

Vote and Comment

Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now